Among the many advantages ng commercial that revolves around particular cultural themes like family, unrequited love, mga ala-ala, parental authority, etc ay maaring nababago ang inclinations ng isang kultura. By inclination, I mean yung direksyon ng puso at isipan. Ilagay mo yang napaka-intimate na setting na yan sa isang collective context like isang kultura, you will probably see yung cultural inclination na yon will THEN become cultural motions or exercises . . . I hope. Zeitgeist papunta sa Aktionsarten. Kung dati bwisitin sa pag-ibig, ngayon hindi na -- thanks dun sa "Vow" ng Jollibee.
Sa mga pockets of social action na yan nabuo ang maraming tema upang maitaguyod, after the collapse of the ancient Gaeco-Roman empire, ang Western civilization like compassion as social virtue, dignity of the individual, role of women (chivalry), abolitionism, etc. na namana nating demokratikong Pinoy. Themes like that of the Jollibee commercial. Hindi niya lang ibibring up na na i-evaluate ang inclinations ng heart/mind mo, it will naturally move you to visible exercises nung theme. Phronesis ika nga ni Aristotle. Or yung "think about such things" ni Paul sa Philippians 4:8.
Yan ang isang natural outrgrowth ng modern notion ng freedom ng reason (cf. Kant, "Was ist Aufklarung?) -- na yung tema will have its own laissez faire -- yung kalayaan niyang mamuhay at mag grow sa topography ng culture. Ganun daw lumalatag ang aspeto ng kultura sa isang lipunan. Parang yung tatakpan mo yung buong kama mo ng kumot, nag iiba itsura niya.
Ang critique naman na valid din jan ay yung makabuo siya ng culture of industry na we will only be reminded of these themes lang around context of the market and selling, o kung pano nila tayo gustong mag isip. Slowly nade-desensitize tayo to acquire things which either we do not need or destructive sa ating sarili. We became alienated further sa non-market na pag iisip -- yung makipag exchange ng goods ang laman ng kokote natin. All the while thinking na we are making motions derived out of cultural themes.
Ang trope o paghahalintulad na maaring mabuo sa isipan kasi ng tao is either "love=motions to love" or "love = motions to chicken joy." Wala sigurong problema kung from time to time lang kaso napaka pervasive ng effect ng industriya na kultura ang sini-simulate. Maya-maya tataas incidence ng mga health problems. Mamaya wala ka nang sariling bait at nag aantay na lang ng stimulus galing sa merkado para sa iyong kaligayahan. Sabay bili.
Tila baga nasa sosyudad ka ng kontrol.
No comments:
Post a Comment