(Credit)
So I walked under a bus, I got hit by a train.
Keep falling in love, which is kinda the same.
I've sunk out at sea, crashed my car, gone insane.
And it felt so good, I want to do it again.
-- "Busses and Trains," Bachelor Girl
"I tried so hard and got so far,
but in the end it doesn't even matter."
-- "In The End," Linkin Park
Late 80s at 90s pa nung magkaroon ng nihilistic na self-reference ang kultura. Kasabay din nito yung self-inflicted wounding ng marami sa Pinoy Goth.
Etong cultural motif na ito na usually mga kabataan nag-thrive sa postmodern bracketing na "You do your stuff, I do mine." Kaya naman yung mga Pinoy youth, would consider self-expression na championed ng awitin ng Bachelor Girl at Linkin Park as "authentic expression" -- devoid of any adult and institutional meddling.
May continuity/discontinuity na nangyari decades later. Naka survive yung self-reference, pero nawala yung self-infliction as expression of authenticity. Naka survive yung legitimacy ng conscience ng autonomous individual pero nawala yung walang paki-alaman.
Ngayon, lalo na ngayong napaka political ng Pinoy -- naging socially aware ang pinoy sa mga political realities niya. Gusto nya nang mag absolutize ulit sa mga self-referenced rules niya. Hindi na siya nihilistic bagkus meron na siyang social narratives at tuturo siya ng mga tao o grupo ng mga tao na magdi disrupt ng narrative na yan. Ang matindi pa neto, yung katunggali nya ganyan din ang mindset.
Nag full circle kasi di nakuntento sa pangako ng kultura nung 80s at 90s.
No comments:
Post a Comment