Wednesday, April 19, 2017

"Love wins" and #neighborology" || John Pesebre


Ang isang pauli ulit na skepticism na naririnig ko sa mga believer at atheists alike na nakausap ko is the idea na ginagamit lang nung Christian yung friendship as a PLOY in trying to avoid questions that they raise. You might have heard of the "instrumentalization of reason" nila Adorno at Horkheimer, pero meron din yung instrumentalization of kindness or piety. May dishonesty sa so-called love-tactic ng "love wins."

Clearly residue na rin yan ng kultura ng industriya ngayon. If you want something mag manufacture ka ng instrument to get that. Imbes na mag deal ng uestions of people nagre resort sa mga seductive ploys ng piety at pseudo-kindness. Walang honesty doon. (Pwera na lang kung jejemon kausap mo na gusto lang mang slander. In such a case kelangan mo either wag sumagot or guluhin mo ang conclusion niya). Parang mag manufacture ka ng love para ma win mo siya sa conversion.

So . . . "love wins" daw pag may nagtanong kung bakit DAW majority ng mga giyera sa mundo ay sinimulan ng mga Christians. O kaya "love wins" kapag ang isyu niya ay walang pakialam DAW sa political realities ang Christianity. O "love wins" kung bakit DAW ang Diyos ng Old Testament ay isang genocidal monster. Imbes na sumagot, parang yung minsan sabi ni Spongebob kay Patrick na wag lang magbenta ng linalako nika but magpakita ng pagmamahal sa customer. So sa unang pintong kinatok nila, pagbukas nung may ari nung bahay, sabi kaagad ni Patrick, "I love you." Pinagsarhan.

No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...