Thursday, September 12, 2019

Does God Hate Women? (Part 2): On the Allegation of Divine Misogyny at the Senate Hearing on SOGIE || 4H Apologetics


This episode was aired as a 10-minute segment on September 12, 2019 (7:00PM) at 702 DZAS' Tanglaw sa Landas ng Buhay of Back to the Bible Philippines


Ipagpapatuloy po natin ang ating segue series palayo muna sa sinimulan nating apologetics series on slavery, murder, sexism, etc na mga allegations against the Bible using the Bible pa against itself, at lilipat muna po tayo para tugunan ‘yung pressing issues concerning the Bible as you might have heard it sa recent na Senate Hearing on SOGIE nung September 4. Hindi po natin tatalakayin ang SOGIE sa ilang segue series na ito dahil tatalakayin po ‘yan ng ating guest teacher na si Bro. Omar sa October. What we will talk about sa segue series na ito is yung mga declarations nung mga pro-SOGIE religious people patungkol sa Bible. A lot of conservative Christians I know expressed their concerns sa mga declarations na ito at minarapat nating bigyan pa ng voice and representation itong concern na ito dito sa episode na ito. In doing so, I hope na mabigyan ng grammar o expression ang criticism ng mga conservative na may high-view ng Scripture sa publiko sa pamamagitan ng broadcast na ito. We will first deal with the theology nung gay na Aglipayan and his declarations concerning the Bible’s misogyny, low regard for disabled people and slavery. We will start with part 1 today and part 2 next on the issue of misogyny.

Last episode po we provided some refutations sa declarations nung gay Aglipayan; you can check out the manuscript of that episode sa FB page na Kaliwanagan Kay Kristo (you can access that article here http://nabuenyo.blogspot.com/2019/09/does-god-hate-women-on-allegation-of.html). Ngayon po we will marshall positive apologetics.

We raise this issue that the gay Aglipayan presented kasi may level pa ng attack hindi lang sa Christianity but on the nature of God Himself: that He is a misogynist. As was mentioned Part 1, hindi po misogynist ang Diyos.

This allegation of misogyny ay mahalaga talagang i-address nating mga believers in relation sa Bible at pananampalataya natin. Ayon sa GotQuestions.org --
A misogynist is a person who hates or looks down on women. The term misogyny generally refers to attitudes and behaviors that degrade, insult, or abuse women on the basis of their gender. Examples of misogyny would be treating women as morally or intellectually inferior to men, allowing for female abuse, or referring to women using hateful or abusive language. Critics of Christianity sometimes claim there is misogyny in the Bible, but such claims are contradicted by both the Scriptures and history.
Tuloy pa ng GotQuestions.org --
Misogyny is diametrically opposed to the teaching of the Bible. According to Scripture, all people are absolutely equal in the eyes of God regardless of gender, race, and ability (Galatians 3:28).  . . . [W]omen were treated as valued and respected persons . . . The early church not only attracted women followers (Acts 8:12; 17:12), but many of them were instrumental in the proclamation of the gospel (Philippians 4:3).✝️
Salungat sa pinaparatang ng gay Aglipayan sa senate hearing, ang katuruan ng Diyos sa Kaniyang Salita ay hindi patungo sa misogyny but for women's honor and upliftment.
Sa maraming kaparaanan, sinalungat ng Bibliya ang mababang pagtrato sa mga babae noong unang panahon at masasalamin ang epekto ng radikal na pananaw na ito sa mundo sa kasaysayan. Dapat na ikunsidera ng mga tumutuligsa sa Bibliya patungkol sa saloobin nito sa mga babae ang mga paganong kultura sa panahon ng Lumang Tipan, Bagong Tipan, at sa kasaysayan ng unang iglesya. Kahit sa ating kasalukuyang panahon, kailangan lamang paghambingin ang kalagayan ng mga babae sa mga bansang Kristiyano at sa mga bansang hindi Kristiyano. Gayundin naman, dapat na isaalang-alang ang nakapanghihilakbot na pagtrato sa mga kakabaihan ng industriya ng mga hindi mananampalataya gaya ng pornograpiya, at pagbebenta ng laman, na parehong direktang tinututulan ng mga utos ng Diyos sa Bibliya. 
Kagaya ng iba pang siyu sa lipunan, nagtatag ang Kristiyanismo ng pundasyon ng moralidad na nagreresulta sa mga ideya gaya ng kahalagahan, pagkakapantay-pantay, at kalayaan ng mga kababaihan. Ang etika na nag-ugat sa pananaw ng Kristiyanismo at nagresulta sa pagkakapantay-pantay sa sosyedad at pagbibigay ng oportunidad sa mga kababaihan na hindi maiaalok ng mga hindi Kristiyanong kultura o maaaring makita sa mga bansang hindi Kristiyano ngunit naimpluwensyahan ng Kristiyanismo kaya’t wala silang magawa kundi yakapin ang parehong pananaw. 
Mahalaga ring pansinin ang pagkakaiba sa pagitan ng misogyny na inilalarawan ng iba at sa misogyny na isinusulong naman ng iba. Maaaring idetalye ng mga aklat kasaysayan ang nakaririmarim na holocaust at black plague, ngunit hindi natin ipinagpapalagay na sumasang-ayon kay Hitler ang mga manunulat ng mga librong ito. Totoong makikita din sa Bibliya ang ilang mga halimbawa ng misogyny, ngunit ang mga gawaing iyon ay kinondena at hindi sinang-ayunan ng Bibliya. Ang isang halimbawa ang ay ang panggagahasa at pagpatay sa mga babaeng mangangalunya sa Hukom 19:25–29, isang pangyayari na nakatawag pansin sa maraming Israelita at nagpasiklab sa isang digmaang sibil. Masigasig na ginagamit ng mga kritiko ng Bibliya ang mga kaparehong insidente sa Bibliya ng hindi binabanggit na ang ganoong gawain ay inilarawan lamang bilang bahagi ng kuwento ngunit hindi sinang-ayunan o hinimok man ng nagkuwento.
God honors womanhood. Jesus Christ honored women. “Jesus rescued a guilty woman from her accusers (John 8:9–11), was referred to as “teacher” by Mary and Martha (John 11:28), and openly taught the woman at the well (John 4:9–10), in defiance of social pressures.” Ang kaligtasan na alok ng ating Panginoon ay hindi kumikilala ng kasarian (Gal 3:28).

Next episode po pag usapan naman natin ang declarations ng kababayan nating gay Aglipayan on disabled people.

Photo Credit
____________________________
"Is There Misogyny in the Bible?" GotQuestions (online); available at https://www.gotquestions.org/misogyny-Bible.html

✝️ Ibid

"Ano ang isang misoginist o isang taong mababa ang pagtingin sa mga babae?" GotQuestions (online); available at https://www.gotquestions.org/Tagalog/mababa-pagtingin-babae.html.


Ang episode na ito ay naka pattern sa 4H Apologetics method na dinivelop ng inyong lingkod. Ang pagbabasa at pagsusuri nito ay isa sa mga paraan upang lalo kayong masanay sa 4H Apologetics kung ito ang inyong pakay. Mahalaga na tayo'y manood o makinig ng mga "big game" apologetics na hatid ng mga tulad nila Ravi Zacarias o William Lane Craig subalit baka tulad ng panonood ng NBA o PBA marunong tayo mag appreciate pero 'pag tayo na ang gagawa ay nangangapa tayo. Pagyamanin natin ang ating sarili sa tungkuling ito ng pag-a-apologetics. 

No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...