How about handling venomous snakes on Lord's Day?
Question 1: What is the brief statement of the doubt?
Yung atheist ko na kababayan at kaibigan na si Homar ay nagtanong sa kanyang Fb wall, “Bakit yung mga mainstream Christians hindi ginagawa yung nasa Mark 16:18?” The verse says, “[T]hey will pick up serpents with their hands; and if they drink any deadly poison, it will not hurt them; they will lay their hands on the sick, and they will recover.” Ang dahilan ni Homar ay dahil sa tila utos ito sa Bible na dapat sinusunod, bakit hindi ito ginagawa ngayon ng mga Christians? So ang doubt ay, “Christians are obligated to do snake-handling.”Question 2: Where did this doubt come from?
Note ko lang po na ang questions 1 and 2 are in the main heading na hear kung saan sisikapin nating bigyan ng open mindedness and intellectual fairness ang kausap natin by understanding yung nature, source at problem ng objection na pini-present niya.Ulitin ko lang po, ang snake handling ay isang religious ritual kung saan bahagi ng worship activity ang pagpapatuka sa ahas bilang tugon sa Mark 16:18. Wala po akong alam na gumagawa neto sa Pilipinas kaya marahi magtanong po kayo kung bakit ito ang tinatalakay natin.
Sa pagkaunawa ko ng tanong it is not really on the moral issue ng snake handling kasi pareho ako at ang atheist na kaibigan ko nagsasabi na hindi proper na gawain ito ng tao kung di ka naman professional. So ang nature ng tanong is not really about snake-handling, but something else. Ang sinasabi po ng nagtanong is that kung totoo na ang mga Christians ay obedient, bakit hindi nila sinasama ang pagsunod na ito.
Ang mga allegations na ganito ay kilala na history ng Christianity kung saan kukuha ang isang tao ng isang utos sa Bibliya at ipapakita sa Christian na hindi niya sinusunod. When I say moral argument, I mean “an argument with a conclusion that expresses a moral claim.” Ang moral claim ay isang requirement na dapat sundin ng mga tao dahil sa hindi pagsunod neto ay nangangahulugang mali. So sa kaso netong “snake-handling” si Homar ay nagsasabi na it is right for me as a Christian to obey what the Bible says, but I am not pursuing to obey snake-handling.
Question 3: What is wrong about this doubt?
Hindi po totoo na obligado ang Christian to do snake handling based on this verse.Question 4: How is it wrong?
Remind ko lang po na sa Question 4 may 2-point outline po kayo na dapat susugin. Una yung tinatawag nating positive apologetics where you affirm your belief in the presence of objection.Pangalawa naman ay yung negative apologetics kung saan nire-refute nyo naman head on yung content nung objection. Sa positive apologetics po ganito po muna ang gagawin natin sa objection na ito ng snake handling, we will affirm what we believe concerning this issues raised in this objection. Una, we do not put God to the test (Matthew 4:7; cf. Deuteronomy 6:16). Sabi ng isang apologetics site,
- Trying to force God’s hand by requiring that He perform an obvious miracle is more than foolish; it is sinful. To test God’s presence and power by purposely placing oneself in an unsafe situation is expressly forbidden in Scripture. Daniel did not seek out the lions, but when he found himself surrounded by them, through no fault of his own, he found God was there. Likewise, we trust God in dangerous situations, but we never purposely seek out danger.
Pangalawa, isa sa mga paraan ng lang interpreters para ma downplay ang authoritative credibility ng text na ito is to go sa integrity ng original manuscript. They will argue na ang oldest natin na complete manuscript ng book of Mark ends sa Verse 8. Yung pinakamatanda nating complete copy ng New Testament at Gospel of Mark do not include anything after verse 8. In fact meron tayong copy hanggang 12th century na wala na after verse 8. So base sa interpretation na ito, hindi obligado ang mga believers sundin ang utos ng verse na ito kasi it is based on a questionable na bahagi ng Scripture.
Pangatlo, pero granting na bahagi nga siya ng inspired text, wala ka namang makikitang utos sa verse but merely a description.
Pangapat, and granting ulit na bahagi siya ng inspired text, ang mga verses na ito ay na fulfill sa Acts 28:3-5.
Personally, I would preach on this verse on the conditions nung 3rd at 4th na reasons. Ang sign provides warrant o patunay sa early ministry ng mga apostles. Kumbaga, just as Jesus would show signs of His authority by signs and wonders, the apostles’ authority also was also authenticated by signs and wonders.
By way of refutation sa nature ng question, I would say that the questions comes from a lack of understanding ng conversation that I just presented. Ang tanong ay nag aakala na ang verse is a direct command.
Question 5: What wrong idea about God is this doubt trying to create?
Ang susunod na questions 5 and 6 at nasa Heal na heading and they focus on taking the conversation on the nature ng idolatry na tinatarget ng objection at yung pagkokorek ng Word of God sa idea na yan.Sa Question 5 na ito, medyo malinaw sa akin na ang idea ng Diyos na binubuo ng katanungan ay isang Diyos na taskmaster lang. Ang taskmaster ay yung tao na nakabantay palagi para masiguro na ang mga nagtatrabaho ay nakakaranas ng paghihirap. Sa kasong ito, tayo ang naghihirap at ang diyos ay ang taskmaster na ang concern ay sa trabaho natin at hindi sa atin.
Question 6: What is the Biblical teaching about God that recuperates this wrong idea about God?
Sa Matthew 11:28 kasi we read, “"Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest.” Mapapansin natin dito na hindi single-minded focused ang Panginoon sa pag accomplish ng mga tasks like we are some capitalist tools of production.
Question 7: What application can you draw from this correct teaching about God?
Study Matthew 11:28 by answering these questions: 1) Who is speaking in the verse? 2) Ano ang hinihingi ng speaker sa verse?” 3) Ano ang kundisyon ng kanyang tinatawag? 4) Ano ang ibibigay ng speaker sa mga lumalapit sa kanya?Meditate: Instead of testing God like nung gustong iparating ng objection, ano ang dapat ba na ginagawa mo tungkol sa relasyon sa Panginoon?
Question 8: What action point can you resolve to do at this point?
Ang paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanan ay isang act of humility. Ang pagte test sa Panginoon, unless sinabi niya, ay isang kasalanan. Kapag tayo ay may pag aagam agam sa kapangyarihan ng Panginoon, o sa Kanyang presensya, we always take the posture of humility kasi Siya ang ating manlilikha. Sa iyong pang-araw araw na prayer, gawin mong habit ang lumapit sa kanya ng may pagpapakumbaba.
(Photo Credit)
No comments:
Post a Comment