Friday, June 16, 2017

Kaliwanagan Kay Kristo (June 15, 2017): Christians Should Not Engage in Arguments; Disciple Instead || John Pesebre



Tama nga ba na “Christians should not engage in debates or arguments; disciple instead.”

Question 1: What is the brief statement of the doubt?

Marami na rin akong nakausap na mga mananampalataya na tila baga napaka negative ng view pagdating sa mga arguments at simple exchange of opposing ideas. Siguro dahil na rin ito sa mga pagkakataon na tila baga nagkakaroon lang ng hindi magandang kaugnayan kinalaunan ang mga ganitong debates. Kaya naman pangaral ni Kapatid na Johnny, “Instead of engaging people on FB in a debate everyday, why don't you disciple people life on life?” While I understand ang pastoral concern ng statement na ito ni Johnny, I think it is better to discuss this topic dito sa episode na ito. Let me just tweak etong statement na nagre reflect hindi sa intention ni Johnny but on what I think is a prevailing sentiment ng maraming Christians pa mismo, “Christians should not engage in debates or arguments; disciple instead.”

Question 2: Where did this doubt come from?

Nauunawaan ko ang concern ng statement nating ngayong episode. Ang priority for discipleship nagkaroon ng major upheaval within the last 30 years dito sa Pilipinas na sinimulan nung Pentecostal revival dito nung 80s. Sila Paul Yonggi Cho ang mga major players niyan. Nagkaroon talaga siya ng priority even more sa recent times sa popularity ng int'l ministry ni Edmund Chan, pastor ng isang mega church sa Singapore called Covenant Evangelical Free Church. Ang kanilang aim is “To build an Intentional DiscipleMaking Church (IDMC) model so as to launch an IDMC movement to catalyse a multiplication of Intentional Disciplemaking Churches to fulfill the Great Commission Mandate.” At napaka successful ng ministry na ito na nakarating na rin sa Pilipinas. I’m one of the many people na nabe-bless sa ministry na ito.

When you have sonething like that happening may valuation sa ibang ministry lalo pa na ang discipleship seems like a truly organizing ministry ng kabuuan ng church life. Ang promise ngayon ay kung meron kang discipleship you can pretty much gain a rational and calculated advantage sa mga hindi gumagawa neto.

Gets ko din ang problemang gusto mong solusyunan dito: yung overly contentious na Christian conduct. Lalo na sa pinoy culture, ang maging argumentative ay hindi pogi points. So eventually nagkakaroon ng moral failure sa conduct at pagdi disregard (sin of ommission) ng mas mahalagang ministry ng discipleship.

Question 3: What is wrong about this doubt?

However, I do not agree sa paghihiwalay na nagagawa ng “Christians should not engage in debates or arguments; disciple instead.”

Question 4: How is it wrong?

Before I refute directly yung nakikita kong mali sa proposal na ito, let me put forward muna kung ano yung affirmation ng Christian sa force ng doubt na yan. Tatlo siya: 1) gawain mismo ng Diyos na gumawa ng argument, 2) gawain ng apostles at early church at 3) utos sa atin to do so.

1) Ang Dios mismo sa Isaiah 1:18 nag aanyaya sa kanyang katipan na bansa na "Come let us reason together." Yung encounter Niya kay Job ganun ginawa niya. Yung ministry ng mga propeta is to present a case against the people of God na etong mga propeta ay mouthpiece ng Panginoon. Ang ating Panginoon mismo gumagamit ng mga signs and wonders to validate ang kanyang mission at ministry.

2) Ang mga apostol at early church ay engaged sa pagpe present ng argumento. Ganyan ginawa ni Pablo sa Acts. Si Apollos sa ch. 18 ganun din. Ang mga epistles ganyan din. In fact tukad ni Kristo, sila din ay may mga signs and wonders.

3) Inutusan din tayo to do so like yung sa 1 Peter 3:15 at Jude 3 among others.

By way of refutation naman, sa tingin ko masyadong mabigat yung argument mo jan to the point na pati yung statement mo nabibigatan kasi hindi lang nagsa start ka ng argument, ginagawa mo pa yan sa fb when you should be discipling instead of starting an argument.

Moreover, sa tingin ko yung mga generalizations na ganito ay nagku communicate ng disadvantage sa isang Christian duty which is argumentation or building a defense.

Although wala akong question sa motive niyo because you are a very admirably godly man, ang response ng society or community might be different from what you intended. Naglalagay kasi siya ng disdain kahit papano dun sa mga tao na yan ang tawag sa kanila ng Panginoon, yung makipag argue na bahagi ng kanilang ministry.
Pero again, I affirm naman with you na meron yata talagang mga kapatiran na nabulag na at ganyan na lang ginagawa palagi para maipakita na angat sila. May mga kilala akong ganyan and at some point may tendency ako na ganyan. Buti na lang may mga pumuna sa akin na may pastoral heart na tulad niyo.

Question 5: What wrong idea about God is this doubt trying to create?

Marami na ring beses nabanggit ko sa mga nakausap na yung implication nito sa idea ng mga tao tungkol sa Diyos. Kapag tayo ay parang walang pakialam sa pagtutuwid o pagpapaliwanag ng mga maling kwento o kaisipan ng mga tao tunkol sa ating pananampalataya it may communicate a god na hindi concerned sa testimony ng trustworthiness Niya. Minsan isusustaiin ng mga opposers yung argument na hindi maganda ang motive ng mga gumagawa ng pagtutuwid. Subalit hind naman porke nagtutuwid ka ay gagamitin mo ang kapamaraanan ng sanggano. Ika nga ni Pedro sa 1 Peter 3:15, “do it with gentleness and respect.” Yung Diyos na hindi trustworthy ay ang idol na naki create ng refusal natin to engage yung mga doubts and objections ng tao.

Question 6: What is the Biblical teaching about God that recuperates this wrong idea about God?

“Blessed be the Lord, Because He has heard the voice of my supplication. The Lord is my strength and my shield; My heart trusts in Him, and I am helped; Therefore my heart exults, And with my song I shall thank Him” (Psalm 28:6-7) 

In this verse, we see that trusting God is an exemplary attitude of believers. Truth is an important part of trust. This is the reason why we are to defend the truth of God especially when it is challenged.

Question 7: What application can you draw from this correct teaching about God?

Study. Answer these questions after observing the verse: 1) What was God’s response on the “voice of my supplication”? 2) What does “supplication” mean? 3) Ano ang mga paghahalintulad sa Diyos na makikita sa verses? 4) Dahil dito ano ang naging reaction ng “heart” niya?

Meditate: Ano ang mga pagtutuwid na ginawa ng Panginoon sa’yo na gumamit siya ng mga tao para ito’y ipaunawa sa’yo? Ano ang natutunan mo?

Question 8: What action point can you resolve to do at this point?

Being part of a church fellowship is integral of Christian growth. Make friends. Be part of a cell group.

No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...