Last episode we talked about apologetics not only as divinely mandated by God Himself but also modeled by Him in His direct conversations with His people in the Old Testament and Jesus’ understanding of God in the New Testament. Today we will focus more specifically on the apostolic teaching, or yung tinuro ng ilan sa mga apostol na nagsulat ng salita ng Diyos sa Bagong Tipan. Hindi po ito exhaustive subalit ang akin pong panalangin ay maging sufficient na explanation ito to establish the apostolicity of the the practical doctrine of apologetics.
The Greek word where we get the word apologetics occurs nearly 20 times in the New Testament. It is not always used as a word to defend the faith, kasi it was used simply to refer sa isang pagtatanggol tulad sa Acts 22:1 - "Brethren and fathers, hear my defense [apologias] before you now.” You can find the word in Acts 25:16 - "To them I answered,`It is not the custom of the Romans to deliver any man to destruction before the accused meets the accusers face to face, and has opportunity to answer [apologias] for himself concerning the charge against him.'”
In other instances, the word is used related to a believer’s spiritual life. In 2 Corinthians 7:11 “For observe this very thing, that you sorrowed in a godly manner: What diligence it produced in you, what clearing [apologian] of yourselves, what indignation, what fear, what vehement desire, what zeal, what vindication! In all things you proved yourselves to be clear in this matter.”
Also, Philippians 1:7 "Even as it is meet for me to think this of you all, because I have you in my heart; inasmuch as both in my bonds, and in the defence [apologia] and confirmation of the gospel, ye all are partakers of my grace.” So while Philippians 1:16 we see clearly the apostle's Gospel ministry tied to apologetics "knowing that [Paul was] appointed for the defense [apologian] of the gospel” sa earlier na 1:7 we see that we partake of this ministry with the apostles. Sa susunod pong episode I will talk about Philippians 1:7.
So makikita natin na mayroon talagang mga pagkakataon na directly ginamit ang word na ito in relation sa Gospel. Kasama pa dito yung turo ng 1 Peter 3:15-16 --
But in your hearts revere Christ as Lord. Always be prepared to give an answer to everyone who asks you to give the reason for the hope that you have. But do this with gentleness and respect, keeping a clear conscience, so that those who speak maliciously against your good behavior in Christ may be ashamed of their slander.Dito tayo mag focus sa verse na ito this episode. Ito ang tinaguriang charter verse ng apologetics galing sa Diyos. Ang charter ay isang kasulatan na ibinigay ng isang may authority.
Sa verses na ito mapapansin ninyo na mayroon ang mga believers na mandate or charter na maging handa na magpaliwanag bilang pagsagot just in case merong magtanong about our hope in Christ. The English phrase “to give an answer” or “to give a defense” if you notice sa list above is a translation from the Greek word apologian. Ganyan lang po kasimple. Direktang mandato o charter galing sa salita ng Diyos ang pagbibigay ng paliwanag.
Paliwanag ni Michael Ramsden,
Peter is quite clear: believing that Christ died so that we might be saved is not a superstition. Instead there is a reason for the hope that we have – there is a logic behind the Gospel – there are reasons that can be communicated and explained concerning the atonement. We must be ready to give an explanation, a defence, of why the Gospel is true.*Notice dito na there is an idea to build from where you are. Kumbaga tulad na nasabi ko sa previous episodes, kung wala kang “hope that is in you” wala kang ipang-a-apologetics. So the verse is explaining that you build a positive case for why you believe what you believe, in the presence of a doubt, or an inquiry or an objection.
Ganito ang ginawa ni Pablo when he was in Areopagus. People asked him, and he answered by building a case for the God that he knows. Let’s read this masterful response ni Paul as he builds a case for the God of the universe,
Mga taga-Atenas, napapansin kong kayo'y lubos na napaka-relihiyoso sa maraming bagay. Sapagkat sa paglalakad ko sa lungsod at pagmamasid sa inyong mga sinasamba, nakakita ako ng isang dambana na may nakasulat, ‘Sa Diyos na hindi kilala.’ Ang Diyos na inyong sinasamba kahit hindi ninyo nakikilala ang siya kong ipinapahayag sa inyo. Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at lahat ng naririto ay ang Panginoon ng langit at ng lupa, at hindi naninirahan sa mga templong ginawa ng tao. Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan. Mula sa isang tao'y nilikha niya ang lahat ng lahi sa buong mundo. Itinakda niya sa simula't simula pa ang kani-kanilang panahon at hangganan. Ginawa niya iyon upang hanapin nila ang Diyos; baka sakaling sa kanilang paghahanap, siya ay matagpuan nila. Ang totoo, hindi naman siya talagang malayo sa bawat isa sa atin; sapagkat, ‘Nakasalalay sa kanya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.’ Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata, ‘Tayo nga'y mga anak niya.’ Sapagkat tayo'y mga anak ng Diyos, huwag nating akalain na ang kanyang pagka-Diyos ay mailalarawan ng ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at gawa ng kamay ng tao. Sa mga nagdaang panahon ay pinalampas ng Diyos ang di pagkakilala sa kanya ng mga tao, ngunit ngayon ay iniuutos niya sa lahat ng tao sa bawat lugar na magsisi't talikuran ang kanilang masamang pamumuhay. Sapagkat itinakda na niya ang araw ng paghuhukom sa sanlibutan, at ito'y buong katarungan niyang gagawin sa pamamagitan ng isang tao na kanyang hinirang. Pinatunayan niya ito sa lahat nang muli niyang binuhay ang taong iyon.So ganito po ang positive apologetics. It is marshalling a case for the Christian faith. May nagtatanong and you build a case for God. Ipapaliwanag mo yung pinaniniwalaan mo na may katiyakan at commitment. Kaya napakahalaga ng mga pag-aaral natin ng salita ng Diyos at pagsasanay sa simbahan para tayo ay ma equip sa doctrines of the faith. Dahil dito sa presentation na ito ni Pablo ng kaniyang pag asa sa Diyos, ito ang sumunod na nangyari sa verses na yan,
Nang marinig nila ang sinabi ni Pablo tungkol sa muling pagkabuhay, tinuya siya ng ilan. Sinabi naman ng iba, “Nais naming mapakinggan kang muli tungkol dito.” At iniwan ni Pablo ang mga tao. May ilang sumama sa kanya at sumampalataya sa Diyos. Kabilang dito sina Dionisio na kaanib ng kapulungan ng Areopago, isang babaing nagngangalang Damaris, at mga iba pa.”When you defend the faith by building a case for it, nagkakaroon ng pagkakataon na sumang-ayon at tumalima sa sinasabi natin.
Sa mga nakaraang episode po kung saan nailatag ko ang witness ng early church sa apologetics, sa divine model at example at ngayon sa apostolic mandate and example, maski po hindi ito gaanong ka-extensive, I hope na kayo po ay nahikayat ko na tumalima sa panawagang mag apologetics. Subalit hindi pa po ako nagtatapos.
__________
* Michael Ramsden, "The Biblical Mandate of Apologetics," in BeThinking.org (website); available at https://www.bethinking.org/apologetics/the-biblical-mandate-for-apologetics
No comments:
Post a Comment