In the previous episode tinalakay ko bilang panimula ang topic ng finding out about the claim of an argument. You would recall din na an argument statement has two parts: a claim and a support. A claim is something that one asserts, and a support is how one substantiates what one is asserting. An example of this is the claim “Christianity is a bloodthirsty religion” which we drew out galing sa sinabing ito ng isang Christian na college student --
Nahihirapan akong ireconcile yung idea na ang Diyos ay mapagmahal subalit majority ng giyera sa kasaysayan natin ay sinimulan ng mga Christians. Bakit ganon? Di ba dapat ang Christians pa ang promotor ng katahimikan, bakit ang Kristiyanismo pa ang nagpasimula ng majority ng mga giyera sa kasaysayan?To claim something is to “state or assert that something is the case, typically without providing evidence or proof” (wiki). Sa case natin dito sa apologetics, we put a claim alongside its support for us to have an argument. Mahalaga na ma-identify natin ang claim kasi maaaring sa sobrang dami ng sinasabi ng kausap mo, hindi kayo makapagsimula maski isang topic na dapat tapusin. Again, kung naaalala ninyo yung lesson sa akin ng aking professor nung ako’y nag aaral pa ng aking Master of Theology, sabi ni Dr. Ron Watters, kailangang makita mo ang malawak na problema na parang sahig na composed ng mga tiles. In order for you to solve all the problem, you might have to begin with taking one tile at a time.
Kung hindi ka magkakaroon ng pagpapahalaga in finding the claim ng kausap mo, you might end up exasperated sa dami ng hindi niyo matapos tapos. Writing the claim down on a piece of paper might help you achieve your apologetics goals. Once you have identified the claim or claims, you can then feedback sa kaniya kung ano ang naunawaan mo sa mga ina-assert niya. Once na nag agree siya sa naunawaan mo na mga claims niya, then you can then proceed to ask yung kausap mo na kung pwede isa-isahin ninyo ang mga claims na ito. Kung magkataon man na ibahin niya ulit ang topic, you can just reference yung kausap mo back sa claim na tinutugunan muna ninyo sa panahon na iyon. This way maiiwasan niya yung tinatawag na informal fallacy ng moving the goalpost kung saan iniiba niya ang mga adhikain ng inyong pag uusap.
This is a good way to witness attentiveness and focus, two very important intellectual virtues that might set up a congenial environment for the conversation. Nawa’y makita ng kausap mo na dahil sa ginagawa mong eto na pagde determine ng kaniyang claim na ikaw ay “quick to listen but slow to speak.”
Balikan niyo na lang po ang previous manuscript nung April 26, 2018 para sa karagdagan pang discussion on finding the claim. Ang episode kasi natin ngayon has very simple goals lang po and that is to list down three kinds of claims. These are: 1) claims of fact, 2) claims of value and 3) claims of policy. We will talk about these three types today and next episode po tayo uusad sa support.
Claim of fact. Ang claim of fact ay isang pangungusap that can be falsifiable or verifiable by referencing to actual state of affairs na nangyari sa mundo. For example, when one says “Si Kristo ay hindi historical figure” that is a claim of fact. O di naman kaya’y “The resurrection never happened” is also a claim of fact. Notice na ang mga ito ay falsifiable or verifiable by doing research sa history. Another claim of fact is “Christ is a version of the Egyptian god Horus.” All you have to do dito sa claim na ito to falsify it or verify it is to go to a study sa history. That also gives you a clue on how to do apologetics: go to a counterclaim about the non-factuality ng sinasabi ng kausap mo, by simply saying, for example, “Christ is not a version of the Egyptian god Horus” then you will proceed to defend that based on a study of Egyptian history and mythology alongside your historical study of Jesus Christ.
Claim of value. Ang claim of value ay nangyayari kapag ang kausap mo ay magbibigay ng kaniyang subjective na conclusion patungkol sa Christianity. For example, “Hindi maganda maging Kristiyano.” Ang claim of value ng kausap mo ay magpapalagay ng kaniyang opinion o pakiramdam patungkol sa iyong pananampalataya. Another example would be, “Belief in God is bad.” In these types of claim, ang kausap mo ay may value-judgment sa mga bagay na alam niya about your faith. Ang claim of value is a value-judgment of facts of Christianity.
Again to refute this, kailangan mo lang naman ilalagay mo lang naman sa negative or refuting statement ang counterclaim mo, for example, “Belief in God is not bad” bilang tugon sa sinabi ng kausap mo na “Belief in God is bad” or “Maganda maging Kristiyano” bilang tugon doon sa claim of value ng kausap mo na “Hindi maganda maging Kristiyano.”
Claim of policy. Ang claim of policy naman ay isang pag uudyok na gumawa ng isang action ng iyong kausap. For example, “We must disrespect Christianity” or “Christians shouldn’t be allowed to evangelize in public places.” Ang mga claims na ito ay may pag uudyok.
Ang tatlong types of claims na ito ang iniikutang mga claims sa apologetics. You should be able to identify kung ano ang claim ng iyong kausap para naman mas lalong specific ang point na tutugunan mo.
Sa kaso ng ating case study on the statement ng college student na “Christianity is a bloodthirsty religion” we have here a claim of fact, lalupa’t alam natin na ang support niya diyan ay dahil sa ang Christianity daw ang nagpasimula ng majority ng mga gyera sa mundo.
Pero depende sa pagkasabi ng kausap mo ng kaniyang case ang mga claims na ire-restate mo sa kaniya. Taking our case study here, maari mo ring i-confirm sa kaniya ang isang claim of value like, "Nakakalito ang sabihing Christianity is a religion of peace." All you have to do is to restate ito sa kaniya and if he agrees then you have something to talk about. Mas madaling mag refute ng claim of value kapag nasa side mo ang facts. All you have to do is to challenge ang kaniyang interpretation by you providing a counter-interpretation na nagsasabing "Hindi nakakalito ang sabihing Christianity..." and then you proceed to give support why.
Maari mo din namang i-frame ang claim into a policy based sa kaniyang sinasabi, like "Huwag kayong papasok sa Christianity na akala niyo religion of peace . . ." Claim of policy 'yan kasi nag uudyok ang kausap mo na may active action ang thrust ng sinasabi niya. Sa claim of policy, ang pag refute is just to provide an alternative action by stating, "Maari mong iconsider ang Christianity kung ang hanap mo ay religion of peace." Napansin ninyo na ikaw din ay nagbigay ng counter claim of policy.
I hope na marami kayong natutunan maski siguro sumakit ulo ninyo sa episode natin ngayon. Again ang tatlong types of claims ay: 1) claim of fact o yung claim na may ina-assert na factual data, 2) claim of value, o yung claim na may pagpapalagay o value-judgment ang iyong kausap, at 3) claim of policy, o yung claim na nag uudyok ang kausap mo na dapat mayroong gawin.
Ang tatlong claims na ito ay mga critical apparatus mo to navigate sa marahil complex na mundo ng kausap mo. In doing this you will not only help the conversation become fruitful but also you might help yung kausap mo malinawan din sa mga gusto niyang sabihin. Lagi nating tatandaan na ang apologetics ministry is also a witnessing ministry kaya nararapat lamang na magbigay tayo ng patotoo sa ating mga miniministeryuhan na mga tao.
No comments:
Post a Comment