Tuesday, December 26, 2017

Making the New Year's Celebration a Christian Remembrance || John Pesebre || Kaliwanagan Kay Kristo (Dec 26, 2017)


Katatapos lamang po ng Christmas day celebrations. Base sa mga bata, hindi pa tapos ang excitement kasi ano daw ang susunod?

Siyempre bagong taon.

Madami pa silang masusungkit na kendi, chocolates at syempre may extension pa rin ang mga aguinaldo. Tayo namang matatanda sana hindi tayo mga parang bata lang kung mag celebrate. Maganda rin na pangunahan natin ang okasyon na ito ng magagandang kaisipan sa ikagaganda din ng ating mga buhay bilang mga responsableng tao at worshippers ng Panginoon. Kaya ko po nabanggit yan sa episode na ito, nais ko po sanang maglatag ng apologetics guideline to recuperate o bawiin at  yung idea natin ng New Year.

This episode, I will look into how we celebrate New Year and next episode naman po talk about yung Jewish New Year Rosh Hashanah as it relates sa Gospel. Ganyan po sa tingin ko ang isa sa mga goals ng apologetics, may effort to recuperate meaning. May tawag na din dito dati si Pastor Ed Lapiz, “to redeem.” Makikita po natin sa pag recuperate na mas meaningful at consistent ang mga magagandang human practices if it is oriented towards God, kasi kung hindi maglalagay tayo ng iba diyan na magiging idolatrous pa yung festivity.

So in this episode, I will exhort on recuperating towards a Christian understanding of New Year by discussing Biblical themes on where to anchor it.

Ang earliest record sa history ng pag celebrate ng New Year ay ang mga Babylonians.  Ang tawag nila sa festival na ito ay Akitu o literally means “barley-cutting.” Wala po tayo yatang barley dito sa Pilipinas at wala din tayong spring kasi nga two-seasons lang tayo: dry at wet. Ang barley po sa Tagalog ay equally unfamiliar: cebada. Para po siyang mga butil ng palay, medyo brown, at matataba. Para po siyang wheat, kaya ang tanim na ito ay mukhang palay din sa palayan. Kung rice ang ating staple food, sa mga Babylonians naman nung unang panahon ay ito.

Ang Akitu is celebrated around March sa kanila. Ito ay panahon ng tag-anihan ng barley. Sa mga agricultural regions dito sa atin halos ganito din ang nangyayari, nagiging bibo ang kapaligiran kapag panahon ng harvest kasi nagtutulong tulong ang mga tao at pagkatapos ng maghapong trabaho, magdiriwang. It is a celebration of harvest and the work they put into the task. So dahil abundant, magdiwang.

It is very easy to draw some fascinating ways people back then do this. Tandaan po natin na maski hindi naniniwala sa totoong Diyos ang mga taong ito, they live in a world na likha ng Panginoon. Bawat isa sa kanila bear the image of God yet dahil sa innate sinfulness nila, they try to suppress yung katotohanan na yan as if they can live without recognizing the true God. Mapapansin natin that they really celebrate their work and company with people.

Tayong mga Christians we honor the work God has given us. Sabi nga ni Tim Keller, “Our work has dignity because it is something that God does and because we do it in God’s place, as his representatives.” Ayon po sa Colossians 3:23-24,
Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters, since you know that you will receive an inheritance from the Lord as a reward. It is the Lord Christ you are serving.
Bahagi ng ating buhay ang ituloy sa work ang mga natutunan nating prinsipyo galing sa Diyos. Honest hard work- this is something God seeks from all of us. God's words tell us that working hard, but with faith in mind, can lead to the great things he has planned for us. And that is true din sa pag upkeep ng ating spiritual life. Sabi ng isang Puritan divine na si John Owen,
Frequency of acts doth naturally increase and strengthen the habits whence they proceed; and in these spiritual habits of faith and love it is so, moreover, by God's appointment. They grow and thrive in and by their exercise, Hos, vi. 3. The want thereof is the principal means of they decay. [Owen, Vol. 3: On Holy Spirit, 388]
So kung mga pagan people like the Babylon would celebrate yung work and harvest nila, how much more siguro tayo na mga Christians na nakakaunawa kung bakit may sense tayo ng joy sa labor and the fruits of our labor -- they are from God.

Ang New Year season is not just about beginning, but about consummation o katuparan. When there is a new, there is an old. Ang remembrance na nangyayari sa New Year ya pag-alala ng natuparan siya ng mga pagpapagal para masagana o even pagpapagal upang mabuhay lang. Lahat ng ito ay dahil nabubuhay tayo sa isang mundo na ginawa ng Diyos na, isang kaisipan na nagpa function sa disenyo ng Diyos -- yung taong nagdiriwang sa mga nagawa at pinagpagalan.

Sabi nga ng Psalm 98:1 “Sing to the LORD a new song, for he has done marvelous things.” And we share din malamang ang joy ng Israelites nung sinabihan sa kanila ng Panginoon, “The LORD your God has blessed you in all the work of your hands.

Sa tingin ko po mga kapatid isa itong paraan para ma recuperate natin o bawiin ang isang bagay bago pa ito tuluyang agawin palayo sa atin. Let's reflect on God's work, our work and the work of other people that gave blessing sa atin.

(C) Photo Credit

No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...