Showing posts with label #NationalBibleMonth. Show all posts
Showing posts with label #NationalBibleMonth. Show all posts

Tuesday, January 23, 2018

Paanong Ang Bible ay May Banal Na Kapangyarihan? || John Pesebre || Kaliwanagan Kay Kristo (Jan 23 & 25)


Ang argument na tinutugunan natin in the past episodes at tutugunan natin ngayon ay galing sa objection na “Bakit ko paniniwalaan ang Bible eh gawa lang naman yan ng tao.” The argument being “People must not believe the Bible because it is only created by men.” Itutuloy pa rin natin yan ngayon. Ginagawa natin ito bilang pagpapatibay ng mga pananampalataya ng mga kapatiran na may pagkagutom sa paliwanag na galing sa Salita ng Diyos bilang positive apologetics o yung mga patunay na nagpapatibay ng pinaniniwalaan ng Christian. Ang negative apologetics naman po kasi ay yung pagpuna o pag refute o pag demolish sa mga argumento ng mga tumutuligsa sa Christian faith. So from last episodes we tried to build a cumulative case for the belief in the divine authority of the Bible and we continue today but this time we will borrow from my favorite Puritan writer, Thomas Watson from his book Body of Divinity kung saan may commentary siya sa Q2 ng Westminster Shorter Catechism that says, Anong kautusan ang ibinigay ng Dios upang patnubayan tayo kung paano natin Siya mapapupurihan at kalulugdan? S: Ang Salita ng Dios na nakapaloob sa mga banal na kasulatan ng Matanda at Bagong Tipan ang natatanging panuntunan upang patnubayan tayo kung paano natin Siya mapapupurihan at kalulugdan.

“Lahat ng Kasulata’y kinasihan ng Dios,” atbp. (2 Tim. 3:16). Bilang pakahulugan, ang Kasulatan ay ang banal na Aklat ng Dios. Ibinigay Ito nang may banal na pagkapukaw, sa madaling sabi, ang Bibliya ay hindi lamang likhang isip ng tao, ngunit Ito’y may banal na pinagmulan. Sinamba ng mga taga-Efeso ang imahe ni Diana, dahil galing ito sa trono ni Jupiter, pakiwari nila (Mga Gawa 19:35). Dapat igalang at dakilain ang Bibliya, pagkat Ito’y mula sa langit (2 Ped. 1:21). Ang dalawang Tipan ng Bibliya ay ang mga labi na ginamit ng Dios upang mangusap sa atin.

Paanong ang Bibliya’y mistulang may tatak ng “jus Divinum”, banal na kapangyarihan?

Dahil ang Matanda at Bagong Tipan ang saligan ng mga relihiyon. Kung hindi mapatutunayan ang taglay Nitong kabanalan, walang pundasyon ang ating pananalig. Kung gayon, sisikapin kong patunayan ang dakilang katotohanang ito, na ang Bibliya ay ang mismong salita ng Dios. Pagtatakhan ko ang pinagmulan ng Bibliya kung Ito’y hindi galing sa Dios. Hindi maaaring makakasalanang tao ang may-akda Nito. Kakayanin ba ng kanilang pag-iisip na humatol ng mga banal na taludtod? Kakayanin ba nilang magpahayag nang buong bagsik laban sa kasalanan? Hindi rin maaaring mabubuting tao ang may-akda nito. Kakayanin ba nilang sumulat sa ganoong himig? O makakayanan ba ng kanilang kabaitang huwarin ang ngalan ng Dios at sabihing “Kung gayon, sabi ng Panginoon”, sa aklat na sila lamang ang sumulat? Hindi rin maaaring mga anghel sa kalangitan ang umakda Nito, sapagkat maging sila ay sumisipat at sumasalksik sa kaibuturan ng ebanghelyo (1 Ped. 1:12) na nagpapahiwatig ng kanilang kawalang-kaalaman sa ilang mga bahagi ng Bibliya; kaya hindi maaaring sila ang maging may-akda ng isang aklat na hindi nila lubusang nauunawaan. Sa kabilang banda, anong mapangahas at hambog na anghel ang kakatawan sa Dios at magsasabing “Ako ang lumikha” (Is. 65:17) at, “Akong si Yahweh ang may sabi nito” (Bil. 14:35)? Samakatwid, malinaw na ang pinagmulan ng Bibliya ay banal at Ito’y mula lamang sa Dios at wala nang iba.

Maliban sa natatanging kaisahan ng diwang nakapaloob sa Bibilya, may pitong makatuwirang argumentong magpapakita na Ito ay Salita ng Dios.

[1] Ang taglay nitong gulang. Itp’y may kalagayang mula pa sa sinaunang kasaysayan. Ang Bibliya’y mistulang uban na nag-aatanda ng karunungan, sapat upang maging kagalang-galang. Walang buhay na kasaysayan ang higit na nauna pa sa tala ni Noah: subalit ang Bibliya’y naglalahad ng mga katotohanang mula pa sa umpisa. Ito ang tiyak na panuntunan ni Tertullian: ‘Yaong mula pa sa pinaka dakilang sinauna, id verum quod primum, ang siyang dapat tanggapin bilang pinaka natatangi at tumanggap ng pagsamba’.

[2] Malalaman nating ang Bibliya ay ang Salita ng Dios sa pamamagitan ng milagrosong pagkakapanatili Nito sa mga nagdaang panahon. Ang banal Kasulatan ang pinaka kayamanang iniwan sa atin ni Kristo; at labis na pinangalagaan ng iglesya ng Dios ang mga publikong tala na Ito ng langit, nang hindi Ito mawala. Hindi ninais ng Salita ng Dios na tunggaliin, maging gapasin Ito ng mga kaaway. Nagpatupad sila ng batas ukol sa Bibliya, gaya ng Paraon sa mga kumadrona, na paslangin ang mga batang babaeng Ebreong; subalit pinananatiling buo ng Dios ang pinagpalang Aklat na ito hanggang sa ngayon. Walang puknat na sinusubukan ng diablo at mga alipores nito na paramin ang linawanag ng Bibliya, ngunit nabigo sila; ito’y isang sagigag na ang Bibliya ay niliwanagan mula sa langit. Kinipkip, maging ng iglesya  ng Dios, sampu ng mga pag-aalsa at mga pagbabago, ang Bibliya upang Ito ay hindi lamang hindi mawala, kundi pati Ito’y hindi mapasama. Napanatili ang bawat titik ng Bibliya mula sa simulaing wika Nito, laban sa pagkapariwara. Hindi nabalakyot ang Bibliya bago pa man dumating ang kapanahunan ni Kristo, dahil kung nagkagayon, hindi Niya sana isinugo ang mga Hudyo sa kanila. Sabi Niya, “saliksikin niyo ang Kasulatan”. Alam Niyang ang banal na bukal na ito ay hindi nabahirang-putik ng haraya ninoman, ni minsan.

[3] Ang Bibliya ay pawang Salita ng Dios dahil sa diwang nakapaloob Dito. Kung ang Bibliya ay hindi banal na pahayag, labis na malalim at paham ang taglay Nitong misteryo upang maging likhang-tao o ng anghel lamang. Kung ang Bibliya’y hindi banal na pahayag para sa atin, sino o ano ang may kakayahang isadiwa na: ang Walang-hanggan ay ipanganganak; ang Siyang nagpapa-ugong ng kalangitan, sa isang sabsaban, ay papalahaw ng iyak; ang Gabay ng mga tala ay sususo sa isang ina; ang Prinsipe ng Buhay ay mamamatay; ang Panginoon ng Kadakilaan ay aapak-apakan; ang kasalana’y lubos na maparurusahan, ngunit lubos ding mabibigyang kapatawaran? Para naman sa doktrina ng muling pagkabuhay, ito’y nagsasabing ang katawa’y maaagnas bilang alabok, ngunit magbabalik, idem numero, bilang parehong katawan, pagkat kung hindi, ito’y paglikha, hindi muling pagkabuhay. Papaanong malalaman ang banal na bugtong na yaon, sa kabila ng mga kuru-kuro, kung ito’y hindi nasumpungan ng Banal na Kasulatan? Ang Bibliya ay punung-puno ng kabutihan, hustisya at kabanalan, upang Ito’y hindi magmula kundi sa Dios at hininga ng Dios lamang. Ang Bibliya’y inihambing sa pilak na pitong ulit dinalisay (Aw. 12:6). Wala ni isang pagkakamali sa Aklat ng Dios; Ito’y sinag Araw ng Katuwiran, isang malinaw na batis na bumabalong mula sa bukal ng buhay. Lahat ng batas at kautusan ng tao ay may batik, subalit ang Salita ng Dios ay wala, ni gapatak na dumi o bahid, Ito ang liwanag ng katanghaliang-tapat. “Ang pangako Mo sa amin ay subok na’t walang mintis” (Aw. 119:140); tulad ng alak na galing sa ubas, puro at walang halo. Labis ang kadalisayan Nito na kahit anopaman ay dinadalisay Nito. ‘Italaga Mo sila sa pamamagitan ng (Iyong) katotohanan’ (Ju. 17:17). Ang Bibliya ay pumipiga ng kabanalan, na walang ibang aklat ang may kakayanan: “Ito ang siyang umaakay sa atin upang talikdan ang mga likong pamumuhay at damdaming makalaman” (Tito 2:12); may katinuan, sa pagtitimpi; may katuwiran, sa gawi ng hustisya; maka-Dios, sa mga gawaing masigasig at panata. Itinatalaga Nito sa atin ang kahit anumang karapat-dapat, kaibig-ibig at kagalang-galang (Fil. 4:8).

Tinatagpas ng ispada ng Spiritu na ito ang maling gawi (Ef. 6:17). Mula sa tore ng Banal na Kasulatang ito ay ang isang gilingang-bato na inihuhulog sa tuktok ng kasalanan. Ang Bibliya ay ang makaharing batas na nagpapatupad, hindi lamang ng mga gawain, kundi pati ng mga saloobin; ibinibigkis Nito ang puso sa mabuting asal. Saan matatagpuan ang gayong kabanalan na maaaring mahukay mula sa yaring banal na minahan? Sino ang maaaring maging may-akda ng ganoong aklat maliban sa ang Dios mismo lamang?

[4] Pinatutunayan ng mga hula Nito/rito na ang Bibliya ay ang Salita ng Dios. Hinuhulaan Nito ang mga magiging kaganapan, na nagpapakitang ang Dios ang bumibugkas ng mga ito. Isang propeta na ang nagsabi ‘May isang birhen na maglilihi’ (Is. 7:14) at ang Mesias ay papaslangin (Dan. 9:26). Sinasambit ng Bibliya ang mga bagay na magaganap pa lamang ilang panahon at siglo sa hinaharap; tulad ng kung gaano katagal maninilbihan ang Israel sa isang hurnong bakal, at ang araw ng knailang kalayaan. ‘Huling araw ng apat na raan at tatlumpung taon nang umalis sa Ehipto ang mga hukbo ni Yahweh’ (Ex. 12:41).

Ang hulang ito, bilang kaganapan, at hindi nakasalalay sa mga natural na pangyayari, ay isang malinaw na pagpapakita ng banal Nitong pinagmulan.

  [5] Ang walang pagkiling na pahayag ng mga alagad ng Dios na nagsulat ng Bibliya, na hindi nangiming ilahad ang kanilang mga naging kabiguan. Sino sa kasaysayan ang ipahihiya ang kaniyang sarili sa pagtatala ng mga pangyayaring babahid sa kanyang reputasyon? Itinala ni Moises ang kawalan niya ng pasensiya nang basagin niya ang tableta at ibahagi sa ating hindi siya makapapasok sa lupang pangako. Isinalaysay ni David ang kanyang pangangalunya at pagpaslang na mistulang batik sa kanyang pangalan sa mga susunod na panahon. Ibinahagi ni Pedro ang kanyang karuwagan nang itatwa niya si Kristo. Ibinulalas ni Jonah ang kanyang mga saloobin, ‘Nais kong mamuhi hanggang kamatayan’. Pihado, kung ang kanilang panulat ay hindi pinatnubayan ng kamay ng Dios, hindi nila sasalaminin ang kanilang kahihiyan. Kadalasan, ikinukubli ng tao ang kanyang mga kapintasan, sa halip na ang mga ito’y kanyang ipangalandakan. Subalit pinasubalian ng mga sumulat ng Bibliya ang kanilang kahihiyan; isinaisantabi nila ang kanilang dignidan, at bagkus  ang Dios ay kanilang pinapurihan.

  [6] Ang dakilang kapangyarihan at halaga na ginampanan ng Salita kaluluwa at konsensiya ng sangkatauhan. Binago nito ang kanilang mga puso. Sa pagbasa ng Bibliya, ang iba’y nagkaroon ng bagong pagkatao, sila’y napabanal at naging mapagpatawad. Maaaring mag-alwan ng damdamin ang ilang aklat, ngunit Bibliya lamang ang may kakayanang bumago ng pagkatao. ‘Kayo ang maliwanag na sulat ni Kristo, ang sulat na ipinadala sa pamamagitan namin. Ito’y nasusulat, hindi ng tinta kundi ng Espiritu ng Dios na buhay, at hindi sa mga tapyas ng bato kundi sa puso ng tao’ (2 Cor. 3:3). Ang Salita ay kinoya sa kanilang mga puso at sila’y naging mga liham ni Kristo, nang mabasa ng iba si Kristo sa kanila. Kung maglalapat ka ng selyo sa marmol, ito ay dapat magmarka sa marmol, na mag-iiwan ng kakaibang katangian mula sa selyo. Gayundin, kapag nag-iwan ng makalangit na bakas ang Salita sa puso, dapat Ito’y may banal na kapangyarihang kaalinsabay. Pinanatag Nito ang kanilang mga puso. Kapag ang mga Kristiyano ay nakalundo sa daloy ng kanyang kalungkutan, ang Salita ay papatak tulad ng pulot at buong tamis na magpapanumbalik sa kanila. Ang pangunahing kaginhawahan ng isang Kristiyano ay dapat nagmumula sa Bukal ng Kaligtasan. ‘Na tayo, sa pamamagitan ng kaginhawahan ng Kasulatan, ay magkaroon ng pag-asa’ (Rom. 15:4). Kapag handa nang sumuko ang isang nagdarahop na kaluluwa, walang ibang kayang magpaginhawa sa kanya kundi ang Kasulatang kaaya-aya. Kapag siya’y nagkasakit, ang Salita ang sa kanya’y magpapanumbalik. ‘Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas ko ngayon ay magbubunga ng kaligayahang walang hanggan at walang katulad.’ (2 Cor. 4:17). Kapag ito’y iwinaksi, ang Salita ay nagpatak ng ginintuang langis ng kaligayahan. ‘Hindi tayo itatakwil ni Yahweh habang panahon’ (Pan. 3:31). Maaaring baguhin Niya ang Knayang katalagahan, ngunit hindi ang Kanyang layunin; maaaring magmistulan Siyang kaaway, ngunit mayroon siyang puso ng isang ama. Samakatwid, ang Salita ay may taglay na kapangyarihang panatagin ang damdamin. ‘Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw, Pagkat buhay ang natamo ng pangako Mo sa akin’ (Aw. 119:50). Kung paanong ang buhay ay inihahatid sa pamamagitan ng mga ugat sa katawan, gayundin ang banal na kaginhawahan ay inihahatid sa mga pangako ng Salita. Na ang Bibliya ay may pusong nagbibigay-buhay—nakagiginhawang kapangyarihan, ay buong kalugurang patunay na Ito ay mula sa Dios at Siya ang nagbigay ng gatas na kaginhawahan dito sa mga Dibdib na ating susupsupan at sa ati’y magpapatahan.

[7] Ang mga himalang kumukumpirma sa Bibliya. Ginamit nila Moises, Elijah, at Kristo ang mga himala at ipinagpatuloy ng mga apostol sa mga sumunod na taon upang kumpiramahin ang katotohanan ng banal na Kasulatan. Gaya ng tukod sa mga bagong baging ay ang mga propeta para sa mga taong may mahinang pananampalataya, na kung hindi nila mapaniniwalaan ang Bibliya, maaari nilang paniwalaan ang mga himala. Nabasa nating hinati ng Dios ang katubigang nagbigay daan sa mga tao, ang paglutang ng bakal, ang pagdaloy ng langis habang ibinubuhos, kung paanong ginawang alak ang tubig ni Kristo, ang pagpapagaling Niya sa bulag, at ang pagbuhay Niya sa patay. Kung gayon, sinelyuhan ng Dios ang katotohanan at kabanalan ng Bibliya sa pamamagitan ng mga himala. Hindi maitatatwa ng Romano Katoliko na ang Bibliya ay banal at makapangyarihan, ngunit sinasangayunan nila quoad nos, kung ihahambing sa atin, na ang iglesya  ang pinagmumulan ng kapangyarihan ng Bibliya; at blang patunay, ay sinisipi nila ang Bibliya (1 Tim. 3:15) kung saan ang iglesya di umano ang lunduyan at pundasyon ng katotohanan.

Totoo, ang iglesya ay ang haligi ng katotohanan; ngunit hindi ito nangangahulugang ito ang pinagmumulan ng taglay Nitong kapangyarihan. Ang proklamasyon ng hari ay nakatuon sa haligi, ang haligi ang pinagkakakabitan nito nang mabasa ng nakalalahat. Ngunit ang kapangyarihan ng proklamasyon ay hindi nagmumula sa haligi, kundi sa hari. Samakatwid, itinataguyod ng iglesya ang Kasulatan, ngunit ang kapangyarihan ay mula sa Panginoon, hindi sa Kanyang nasasakupan. Kung ang Salita ng Dios ay banal dahil lamang sa Ito ay itinataguyod ng iglesya, kung gayon ang ating pananalig ay sumasalalay sa iglesya., at hindi sa Salita, saliwa sa Efeso 2:20: ‘Kayo’y itinayo rin sa saligan ng mga apostol at mga propeta, at ang batong panulukan ay si Kristo Jesus.”


Thursday, January 18, 2018

May Pruweba Ba na ang Bible ay Salita ng Diyos? Part 2 || John Pesebre || Kaliwanagan Kay Kristo (Jan 18, 2018)


Ang argument na tinutugunan natin in the past two episodes at tutugunan pa rin natin ngayon ay galing sa objection na “Bakit ko paniniwalaan ang Bible eh gawa lang naman yan ng tao.” The argument being “People must not believe the Bible because it is only created by men.”  We continue today with some specific internal proofs to provide a cumulative argument on its claim of divine source. Again, we will borrow these proofs from the book of the Puritan Thomas Vincent in his commentary on The Shorter Catechism of the Westminster Assembly: Explained and Proved from Scripture. Dahil ang salita ng Diyos ay hindi galing sa imbensyon ng mga taong nagsulat nito bagkus galing sa direktang inspiration or pagkasi ng Espiritu ng Diyos na ultimately na may limbag nito, "All Scripture is given by inspiration of God."— 2 Tim. 2:16. "Prophecy of Scriptures came not by the will of men; but holy men of God spake as they were moved by the Holy Ghost."— 2 Pet. 1:21.

  1. dahil sa kaniyang karilagan sa pagtatanghal sa Diyos
  2. dahil sa kabanalan at kadalisayan o purity ng Kasulatan
  3. dahil sa pagsangayon at pagkakaisa sa mensahe ng Kasulatan
  4. dahil sa mga matatayog na hiwaga nito
  5. dahil sa pagpapaliwanag nito ng mga sinaunang naganap

Panganim, dahil sa kapangyarihan at bisa ng Kasulatan. (1) Ang Kasulatan ay may kapangyarihang manghikayat, manggising, at umusig ng kunsensya. "The Word of God is quick and powerful, sharper than a two-edged sword "— Heb. 4:12. (2.)  Ang kasulatan ay may kapangyarihang makapagligtas at magbago ng puso. "The law of the Lord is perfect, converting the soul."— Ps. 19:7. (3.) Ang kasulatan ay makapangyarihan para hanguin ang mga tao galing sa spiritual na kamatayan. "Hear, and your souls shall live."— Isaiah 55:3. "Thy Word hath quickened me."— Ps. 119:50. (4.) Makapangyarihan ang kasulatan dahil sa kaniyang kakayahang magbigay ng galak at kaginhawaan o kaaliwan sa mga nalulumbay at may matinding pinagdaraanan.  "The statutes of the Lord are right, rejoicing the heart."— Ps. 19:8. The Scriptures opened and applied are made effectual to produce such powerful effects as do exceed the power of nature, and can be effected only by the power of God; which showeth that God only is the author of the Scriptures, kasi kung hindi, wala ang mga kapangyarihan na yan na nakakabit sa Kasulatan.

Pangpito, dahil sa disenyo at pagkakalikha ng Kasulatan. (1) Ang disenyo ng Kasulatan ay magbigay sa Diyos ng lahat ng kaluwalhatian; ang disenyo ay hindi luwalhatiin sinuman subalit ibaba pa nga ang tayog ng mapagmataas sa Diyos, at itaas naman ang ngalan at habag ng Digos sa mundo? (2.) Ang kahanga-hangang pagkalikha ayon sa katalinuhan kung paano maliligtas ang mga tao sa pamamagitan ng Panginoong Hesus sa kanilang pagkakalubog sa kasalanan at pagkakalayo sa Diyos; hindi ito galing sa kaisipan ng tao subalit galing ito sa isipan ng Diyos na kaniyang pinahayag sa Kasulatan.

Pangwalo, dahil ang kasulatan ay pinatunayan ng mga himala. Marami tayong mababasang mga himala sa Kasulatan, lalupa yaong mga ginawa ni Lristo at ng Kaniyang mga disipulo, upang patotohanan ang kanilang katuruan na ang mga turong ito’y galing sa Diyos; tulad ng nakakakita muli ang mga bulag, pagbuhay ng patay, pagpapatila ng bagyo sa karagatan sa isang utos at marami pang iba. Ang mga himalang ito ay direktang gawa ng kamay ng Diyos; [ipinahayag ito sa atin ito upang tayo ay may kaalaman sa pamamagitan ng kasulatan.] At kung totoo nga na ang mga himalang ito ay galing sa Diyos ganun din katotoo na ang Kasulatan ay galing sa Kaniya at kaniya ring pinatunayan.

Pangsiyam, dahil ang Kasulatan ay pinagtibay ng dugo ng mga martyrs. Libu-libong mga Kristiyano nung unang panahon, ang nagpatotoo sa katotohanan ng Kasulatan hanggang sa makitil ang kanilang buhay. Ang dakilang pagtitiwala ng mga sinaunang mananampalataya sa katotohanan ng Kasulatan, gayong maari din lang naman nilang matuklas kung may panlilinlang sa Kasulatan kung meron nga, subalit imbes na magduda lalo pa nilang pinagibayo ang kanilang pamamalagi sa katotohanan nito. Pinakita nila ito sa pagtitiyaga sa kahirapan at kapahamakan at isa sa dagdag na pruweba na ang Kasulatan ay Salita mismo ng Diyos.

Ikasampu at panghuli, dahil sa patotoo ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan sa puso ng mga mananampalataya. “Ye have an unction from the holy One, and ye know all things;" because "the same anointing teacheth you of all things, and is true, and is no lie."— 1 John 2:20, 27. Without this testimony, and teaching of the Spirit, all other arguments will be ineffectual to persuade unto a saving faith.

(C) Photo Credit

Tuesday, January 16, 2018

May Pruweba Ba na ang Bible ay Salita ng Diyos? || John Pesebre || Kaliwanagan Kay Kristo (Jan 16, 2018)


Ang argument na tinutugunan natin in the past two episodes at tutugunan natin ngayon ay galing sa objection na “Bakit ko paniniwalaan ang Bible eh gawa lang naman yan ng tao.” The argument being “People must not believe the Bible because it is only created by men.” The past episodes we presented two very big doctrines that show the authority and veracity of Scripture in authority and inerrancy. Today we will look into some specific internal proofs para magbigay ng karagdagang dahilan kung bakit natin kailangang magtiwala na ang Kasulatan o Bible ay Salita ng Diyos. We will borrow these proofs at sinalin ko po sa Filipino from the book of the Puritan Thomas Vincent in his commentary on The Shorter Catechism of the Westminster Assembly: Explained and Proved from Scripture. Dahil ang salita ng Diyos ay hindi galing sa imbensyon ng mga taong nagsulat nito bagkus galing sa direktang inspiration or pagkasi ng Espiritu ng Diyos na ultimately na may limbag nito, "All Scripture is given by inspiration of God."— 2 Tim. 2:16. "Prophecy of Scriptures came not by the will of men; but holy men of God spake as they were moved by the Holy Ghost."— 2 Pet. 1:21. So tingnan natin ang key internal proofs at mga karagdagang patunay na ang Kasulatan ay Salita nga ng Diyos.

Una, dahil sa kaniyang karilagan sa pagtatanghal sa Diyos. Sa Lupang Hinirang mayroon tayong isang linya na “May dilag ang tula” kung saan translated naman ang “dilag” sa English ng Lupang Hiniran as “radiance.” Sa Bible ilinalarawan ang Diyos na may ulitmate o pinakamataas na dilag o radiance or magnificence. Tulad ng Isaiah 57:15 “For this is what the high and exalted One says-- he who lives forever, whose name is holy: "I live in a high and holy place.” Dagdag pa ni Thomas Vincent,
The style or way of the Scriptures is with such majesty as is not in other writings; duties are therein prescribed, which none but God can require; sins are therein condemned, which none but God can prohibit; threatenings of punishments are therein denounced, which none but God can inflict; promises of rewards are therein made, which none but God can bestow; and all in such a majestic way, as doth evidence God to be the author of this book of the Scriptures.
Pangalawa, dahil sa kabanalan at kadalisayan o purity ng Kasulatan. "Which God hath promised afore by his prophets in the Holy Scriptures."— Rom. 1:2. "The words of the Lord are pure words, as silver tried in a furnace of earth, and purified seven times."— Ps. 12:6. Ang Kasulatan ay banal na sa panimula hanggang sa huling titik nito; wala ka ritong mananamnam na makamundo at marumi; lalupa’t ang mga kautusan dito ay banal at ang mga pinagbabawal ay mga marumi at makasalanan; malinaw na ito nga’y salita ng Banal na Diyos, at ang mga banal na taong nag akda ng mga ito ay kinasihan at ginabayan ng banal na espiritu.

Pangatlo, dahil sa pagsangayon at pagkakaisa sa mensahe ng Kasulatan. May ugnayang tugma ang luma at bagong tipan, pagtutugma ng mga prophecies sa Kasulatan, at ang katuparan nito. Lalupa na ang kasulatan ay inakda ng iba't ibang tao sa iba't ibang lugar subalit nagsisi-sangayon sa kanilang mga sinulat, at walang irreconcilable differences ang matatagpuan dito, kaya naman malinaw na ang mga kasulatan ay gawa ng Espiritu ng Diyos, at ang Kasulatan ay mismong Salita ng Diyos.

Pangapat, dahil sa mga matatayog na hiwaga nito. Mababasa natin sa Kasulatan patungkol sa Trinity, ang pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos, ang mahiwagang ugnayan ng Panginoong Hesus at ng mga mananampalataya. Ang mga ito, at iba pang mga hiwaga, ay lampas sa kakayahang kathain ng mga matatalino at mga aral, lalung higit pa sa kaisipan ng mga hindi naman nakapag-aral na mga mangingisda tulad ni Pedro at mga apostol kung kanino ang mga hiwagang ito ay nahayag; at malinaw na hindi galing sa kanila lamang na kaisipan ang kanilang sinulat, subalit kung ano ang itinuro sa kanila ng Banal na Espiritu.

Panglima, dahil sa pagpapaliwanag nito ng mga sinaunang naganap. May mga bahagi sa kasulatan na naglalahad ng mga kaganapan na hindi maaring maisulat ng ninuman tulad ng paglalang ng sanlibutan  atbp. Hindi malalaman ang mga kaganapang ito kung hindi ipinahayag ang mga ito ng Diyos mismo sa tao; kaya naman dagdag na patunay yan na ang Kasulatan ay mismong Salita ng Diyos.

Itutuloy po natin next episode ang reasons 6-10 para sa mga karagdagang dahilan. 


Thursday, January 11, 2018

The Bible Has Errors? #NationalBibleWeek2018 || John Pesebre || Kaliwanagan Kay Kristo (Jan 11, 2018)


Tumutugon tayo sa isang common objection concerning the Bible na ganito: “Bakit ko paniniwalaan ang Bible eh gawa lang naman yan ng tao.” Like I said sa previous episode, this simple statement ay nakatayo sa maraming assumptions na kailangang itest. Hindi po nangangahulugan na mali ang mga assumptions. Ang point ko lang po ay this statement is not as simple as it appears. May lalim din po siya at marami siyang na-challenge sa katotohan ng salita ng Diyos at hindi lang sa ito'y man-made. Isa sa na-challenge niya ay diniscuss ko last episode where I discussed yung attack niya sa authority ng Scripture. I argued that the authority of Scripture is affirmed by Scripture itself and made some samplings of the risk that people took to uphold that via martyrdom at marami pang iba.

Ngayon po we will talk about another of its quality by talking about one of Scriptures cardinal doctrines: the doctrine of inerrancy. Inerrancy comes from two Latin words combined to mean “no error.” We refer to the doctrine more specifically as “Scripture in the original manuscripts does not affirm anything that is contrary to fact.”* Sa madaling salita po, kung naglahad ang Bibliya na tama, samakatuwid tama ito; kung ano ang ina affirm ng Bible na false, false siya. Bukod sa naka anchor ito sa reliability ng facts, ito ay higit sa lahat naka anchor sa katotohanan na ang mga Salitang ito ay kapahayagan ng Diyos at Kaniyang kinasihan ng Kaniyang Banal na Espiritu. There are many ways to defend the doctrine of inerrancy at napakarami na ring mga napakagagandang aklat ang nagpaliwanag nito. Subalit for the purpose of brevity, we will present here ng tatlo sa pinakaimportante paliwanag na alam ko.We will do it through a Trinitarian argument from the Father, Son and the Holy Spirit.

Una, it is truthful because God the Father. Jesus would refer to the Father as bearing the testimony of Himself in the Old Testament, “If I bear witness of myself, my witness is not true. There is another who bears witness of me, and I know that the witness which he witnesses of me is true . . . And the Father himself, who sent me, has testified of me (John 5:31,32,37). What testimony was Jesus referring to? I think it is the testimony of God in the Old Testament. He explained his ministry and calling to the two disciples in the road to Emmaus. In Luke 24:27 Luke explains that “beginning with Moses and all the Prophets, [Jesus] explained to them what was said in all the Scriptures concerning himself.” This was the testimony He was talking about.

Having said that, the idea of the Father’s divine testimony is further attested in the Old Testament by Jesus’ life, death and resurection. Yan ang ating pangalawang paliwanag. According to BEDBT explains that divine testimony in the OT, “refers to the revelatory self-witness of God to his people.”† Again, Jesus attests his very life, death and resurrection on the prophetic testimony of the Father. The validation of these truth claims of the Father is shown in Scripture “in its fulfillment [because] the history of prophetic fulfillment also guarantees its reliability.”‡ So this is the reason why Jesus would talk about the fulfilment of the Word of God this way, “For truly I tell you, until heaven and earth disappear, not the smallest letter, not the least stroke of a pen, will by any means disappear from the Law until everything is accomplished (Matthew 5:18).

So kung ang Ama ang Diyos ng katotohanan, at Siya ang source ng Salita ng Diyos the Bible must be inerrant. If Jesus is the Son of God and napapatunayan ito sa salita ng Diyos at sinabi ni Kristo at pinatotohanan ni Kristo ang testimonya ng Ama sa pamamagitan ng kaniyang salita at gawa, pinapatotohanan niya ang buong katotohanan ng Salita ng Diyos.

Sa ganitong pagtatanghal sa Salita ng Diyos matatagpuan din natin ang ating pangatlong paliwanag na ang kapahayagang tungkol sa Banal na Espiritu in relation to the truthfulness of the Word of God. Sa 2 Timothy 3:16 ang salita ng Diyos ay “God-breathe” a Spirit-breathe book. David in 2 Samuel 23:2 said, “"The Spirit of the LORD spoke through me; his word was on my tongue.” Sa 2 Peter 1:21 it is said that the prophets “were carried along by the Holy Spirit.” Ang simple na logic is that God is truth.

So maski pa yang affirmation na yan ay sa geography, history, kalagayan ng ating kaluluwa, etc yan ang katotohanan. Paliwanag ni Grudem,
The words in the Bible are God’s words, and that therefore to disbelieve or disobey any word in Scripture is to disbelieve or disobey God. . . [T]he Bible clearly teaches that God cannot lie or speak falsely (2 Sam. 7:28; Titus 1:2; Heb. 6:18). Therefore, all the words in Scripture are claimed to be completely true and without error in any part (Num. 23:19; Pss. 12:6; 119:89, 96; Prov. 30:5; Matt. 24:35). God’s words are, in fact, the ultimate standard of truth (John 17:17). Especially relevant at this point are those Scripture texts that indicate the total truthfulness and reliability of God’s words. “The words of the LORD are words that are pure silver refined in a furnace on the ground, purified seven times” (Ps. 12:6, author’s transl.), indicates the absolute reliability and purity of Scripture. Similarly, “Every word of God proves true; he is a shield to those who take refuge in him” (Prov. 30:5), indicates the truthfulness of every word that God has spoken. Though error and at least partial falsehood may characterize the speech of every human being, it is the characteristic of God’s speech even when spoken through sinful human beings that it is never false and that it never affirms error: “God is not man, that he should lie, or a son of man, that he should repent” (Num. 23:19) was spoken by sinful Balaam specifically about the prophetic words that God had spoken through his own lips.§
__________
* Wayne Grudem, Systematic Theology, 67

† Baker's Evangelical Dictionary of Biblical Theology, sv "Testimony"; accessed at https://www.biblestudytools.com/dictionaries/bakers-evangelical-dictionary/testimony.html

‡ Ibid.

§ Grudem, 67.

Tuesday, January 9, 2018

Man-Made Naman Pala ang Bible? #NationalBibleMonth2018 || John Pesebre || Kaliwanagan Kay Kristo (Jan 9, 2018)



Isa po sa mga paboritong objections na naririnig ko ay “Bakit [daw] paniniwalaan ang Bible eh gawa lang naman 'yan ng tao?”

It challenges the authority and veracity or katotohanan ng Bible with the reason that it is man-made. It puts a value judgment sa phrase na “man-made” as if in each and every case, something man-made is without authority and veracity. It suggests that the Bible is false advertising because while it says that it is the word of God, in actuality it is just the words of men. This implies that people might have constructed the idea that this is divine origin para mayroon siyang authority. Nagibigay din siya ng suggestion na if it is made by men then it is not immune to errors and if it has errors then it is not the word of God. Marahil dagdag pa dito ay  irrelevant ito sa atin ngayon dahil it was written far removed sa panahon natin ngayon.

The whole argument is: “Ang Bible ay hindi God’s Word because it is written by mere men.”

So, ganon nga ba?

Sa totoo lang po, ang Bible po ay Word of God even if it is written by men.

First of all, that Christians believe that the Bible was written by men ay isang ideya na galing mismo sa Diyos. Sa 2 Peter 1:21 naka indicate mismo na ang pahayag ng Panginoon to "prophets, though human, spoke from God as they were carried along by the Holy Spirit." Ina-affirm talaga dito ang katotohanan na ang Word of God ay sinulat ng tao. Kumbaga, hindi dapat nagugulat ang mga Christians when you tell them that the Bible is written by men. Jesus himself would refer to the word of God and at times just name the name of the prophet who wrote it. Meron kasi talaga tayong dynamic sa pagkaunawa natin ng biblical authorship  at ang dynamic na yan ay sa susunod na reason.

And that is, although it is written by men kinasihan (inspired) ito ng Diyos. We could say that the source is God Himself. Sa 2 Timothy 3:16 eto ang sabi, “All Scripture is God-breathed.” It means ang source niya ay Diyos mismo. We call this divine inspiration. Sabi ni J. Hampton Keathley,
Some thirty-eight hundred times the Bible declares, “God said,” or “Thus says the Lord” (e.g. Ex. 14:1; 20:1; Lev. 4:1; Num. 4:1; Deut. 4:2; 32:48; Isa. 1:10, 24; Jer. 1:11; Ezek. 1:3; etc.). Paul also recognized that the things he was writing were the Lord’s commandments (1 Cor. 14:37), and they were acknowledged as such by the believers (1 Thess. 2:13). Peter proclaimed the certainty of the Scriptures and the necessity of heeding the unalterable and certain Word of God (2 Pet. 1:16-21). John too recognized that his teaching was from God; to reject his teaching was to reject God (1 John 4:6).*
Also, God did not just inspire and reveal His Word, He also preserved His revelation through men. Ang pagbibigay ng Panginoon ng katotohanan patungkol sa Kaniya at sa Kaniyang nilikha o ang ating reality ay isinagawa sa kaniyang kapahayagan. Ito ay dumadaan sa proseso na magpapahayag muna ang Panginoon sa pamamagitan ng pag inspire o paggabay ng pagsusulat ng mga napili niyang tao na maglimbag ng Kaniyang pahayag sa pamamagitan ng mga karanasan at kaalaman ng mga tao ding ito tulad ng mga propeta at mga apostol. Pag ito’y naisulat na, ito nama’y pinapangalagaan ng Panginoon na hindi masira o mawala sa lupa. Gumabay ang Diyos ng tao sa Kaniyang pahayag, tinulungan Niya rin ang Kaniyang mga anak na ito'y pangalagaan.

Bago mag 1950s ang pinakamatandang kopya ng lumang tipan ay ang Leningrad Codex. However na-break ito when,
The Dead Sea Scrolls were discovered in a series of twelve caves around the site known as Wadi Qumran near the Dead Sea in the West Bank (of the Jordan River) between 1946 and 1956 by Bedouin shepherds and a team of archeologists.†
All of a sudden ang oldest copy ng Old Testament ay nai-atras sa mga 300BC. One interesting copy doon na kumpleto ay ang Great Isaiah Scroll. Nang ikompara ito sa Isaiah ng Lengingrad Codex identical siya despite na the more than 1000 years na separation nila. Ang point ko lang diyan ay mukhang napaka serious ng ideya ng pagkokopya ng salita ng Diyos noon pa man. Seryoso sila talaga to preserve it. In fact may mga professional scribes pa to do this.

Pagkatapos ng preservation na ito, ang Panginoon ang nagtalaga sa people of God na ito’y maisalin sa iba’t ibang linggwahe. This is what we call the tradition of translation. Then etong translation na ito would be heard in every tongue and tribe through the preaching of trained or learned interpreters. May napakalalaking ambag ang bawat believer sa pagpreserve at pagbabahagi ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga Bible Study atbp.

Mapangahas ang claim ng Scripture to its own authority ayon kay Wayne Grudem, author ng isang magnum opus on systematic theology. Sabi niya -- "The authority of Scripture means that all the words in Scripture are God’s words in such a way that to disbelieve or disobey any word of Scripture is to disbelieve or disobey God."‡

Totoo naman. Bilang patotoo ng mga early believers and in fact hanggang ngayon pala, many of them died upholding this truth, that Scripture is the Word of God. Many today who believe it is true pattern their lives on what it says, submitting to its truth. And as I’ve shared earlier kanina about the preservation ng Scripture, many people have devoted their lives in preserving it. So along with the Scriptural claim, meron pa siyang outworking sa buhay ng mga tao that provide warrant that we understood the Bible to be authoritative despite it being written by men.

So totoo pong sinulat ng tao ang Bible, subalit ito ay nakaugat sa kapahayagan ng Diyos at hindi galing sa kung anu-anong devices lang ng tao.

(C) Photo Credit
__________
*J. Hampton Keathley, "The Bible: The Written Word of God," in Bible.org (website);  https://bible.org/seriespage/4-bible-written-word-god#P197_29615

† Wikipedia, sv Dead Sea Scrolls, accessed at  https://en.wikipedia.org/wiki/Dead_Sea_Scrolls#Discovery

‡  Grudem, Systematic Theology, 52.




Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...