This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga karanasan sa mundong na marahil or probable na walang Diyos dahil napakaraming kahirapan at kasamaan. Hindi masyadong mabangis ang argumentong ito kasi hindi siya kasing sigurado nung logical version. Dito kasi parang, baka wala nga lang Diyos dahil sa kasamaang ito na tila baga hindi niya pinipigilan. Although this argument provides lip service to probability, it is actually a powerful internal sentiment supported by experiential information. And since yung suffering ang strong and the “feeling” of God is not readily available, hulaan ninyo kung ano ang gagawin nitong taong ito: mag-rebelde na lang sa idea ng Diyos. Humanap na lang ng tulong sa iba, wag na lang tumingala sa langit.
Pinaliwanag natin last episode na hindi po magandang argumento ang pinepresenta ng probability version because of three reasons: una, wala tayo sa posisyon o wala tayong angking kaalaman na sabihin na walang dahilan ang Diyos para pahintulutan ang kasamaan o paghihirap sa mundong ito; pangalawa, ang konteksto ng karanasan at warrant natin to believe God ay hindi lamang sa issue ng suffering and evil subalit sa higit pang maraming paraan; pangatlo, may mga katuruan ang Christianity na nagpapaliwanag na maaring mag co-exist ang Diyos at suffering & evil. Kumbaga, hindi na bago ang objection na ito sa pages ng Scripture. Sa pangatlong rebuttal na ito, mayroon tayong ipapaliwanag na apat na katuruan o teachings ng Christianity. Una, katuruan ng ating pananampalataya na ang pinapakapangunahing layunin ng buhay ay hindi pansariling kaligayahan kundi ang makilala ang Diyos. Hindi autonomous na happiness but but divinely gifted.
Sa unang katuruan pong ito nagtapos yung ating nakaraang episode. Kung nais po ninyong balikan ito, pumunta lamang po kayo sa FB page na Kaliwanagan Kay Kristo.
Pangalawang katuruan, hindi lingid sa mananampalataya na ang sangkatauhan at ang mundo ay masasabing in rebellion sa Diyos simula pa nung pagkakasala ni Adan at ni Eba. Higit sa lahat nasa pages ng Scripture ang realidad na ito. Naalala ko ang isang pastor na napakaganda ng paliwanag sa obvious na problemang pinapahiwatig sa atin ng Bible literally . . . literally po ah. Kinuha niya ang kaniyang Bible at binuksan ang first three chapters ng Genesis. He suspended his bible on air holding on two those three pages and said, “All that happened in the rest of this Bible was a result of these three pages.” Yung sin, yung evil, yung suffering etc. Hindi po tayo ignorante sa katuruan ng Scripture na ang mundong ito is in a state of rebellion against God that is why it has sin and suffering.
Ang pangatlong katuruan ay ito: ang mga layunin ng Diyos para sa atin ay hindi restricted sa mundong ito subalit may isa pang mundo na hinanda Niya para sa atin at yan ang buhay na walang hanggan o eternal life. Ang mundong ito na ginagalawan natin is not a cul-de-sac, meron pa. Sabi ni Pablo sa mga taga Korinto: “Kaya't hindi kami nasisiraan ng loob. Kahit na humihina ang aming katawang-lupa, patuloy namang pinalalakas ang aming espiritu araw-araw. 17 Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad. 18 Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita.” (1 Corinthians 4:16-18). Ang mga paghihirap at pighati ay pansamantala lamang. Makakapiling natin ang Diyos panghabang-buhay at iiwan natin ang mga paghihirap sa mundong ito. Ako po bilang may chronic illness at si Apostol Pablo ay hindi mo minamaliit ang mga pinagdadaanang paghihirap natin. Ang amin lang po ay wag nating alisin sa atin isipan ang pag-asang ito sa ating mga dumaranas ng paghihirap. Ito po ang theodicy natin.
Pang-apat po na dahilan ay ito: ang makilalang lubusan ang Panginoon ay hindi maihahalintulad na kabutihang darating sa isang tao. Ang kilalanin ang Diyos ang siyang persistent na tugon doon sa challenge ng problem of evil na inconsistent ang proposition na God is all-good sa proposition na there is evil in the world -- nabanggit natin ito sa logical version ng problem of evil. Para sa mga anak niya, lubos na mabuti na makilala ang Diyos sa Kaniyang kabutihan kesa mabuhay na hindi maunawaan na mabuti ang Diyos sa gitna ng paghihirap. Sa gitna ng pighati, maaari pa ring sabihin ng mga anak niya na ang Diyos ay mabuti. Ang pananampalatayang ito ang nagdadala ng kapahingahan sa troubles ng mundong ito. Tulad na rin ng nabanggit ni Apostol Pablo sa 2 Corinto 4: 7-12 Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay tulad sa mga palayok na gawa sa putik, upang ipakilala na ang dakilang kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin. 8 Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. 9 Inuusig kami, ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang nailulugmok. 10 Lagi naming taglay sa aming katawan ang kamatayan ni Jesus, upang sa pamamagitan ng aming katawan ay mahayag ang kanyang buhay. 11 Habang kami'y nabubuhay, lagi kaming nabibingit sa kamatayan alang-alang kay Jesus upang sa aming katawang may kamatayan ay mahayag ang kanyang buhay. 12 Kaya't habang nagwawagi sa amin ang kamatayan, nagwawagi naman sa inyo ang buhay.” May katagumpayang nakikita sa gitna ng paghihirap ang mga nagtitiwala sa kabutihan ng Diyos.
So ayan po, ang apat na teachings sa Christianity kung saan may mga katuruan ang Christianity na nagpapaliwanag na maaring mag co-exist ang Diyos at suffering & evil. And this was the third reason why we think that the probability version of the problem of evil is not a good argument. Ang evil and suffering ay hindi proof that God doesn’t exist. Nauunawaan lalo ito ng mga Christians dahil alam nila ang kwento kung paano ito nangyari: yung fall ni Adam and Eve. Bago ito, there was not suffering and evil sa essence ng nature.
Sa pagtatapos po natin ng series on problem of evil, next episode po magbibigay lang ako ng concluding remarks patungkol sa paggamit ng theodicy at problem of evil sa ating ministry personal man ito o sa simbahan. Marapat lamang pong magsanay tayo dito dahil sa kalagayan ng ating mundo ngayon na dumaranas ng napakalubhang distress. Not to mention pa yung issue sa mental health. All the more, this world needs Christ.
Ipaliwanag ko lang din po na nagkaroon ng major obstacle ‘yung atin pong planong mga video classes on apologetics sa ating FB page. Hinihingi ko po ang inyong intercession dito at hopefully maibalik ulit ito para sa inyong matagal nang nagre request na magkaroon tayo ng kurso sa apologetics. Again, sorry po at humihingi po ako sa inyo ng panalangin.
Ulitin ko din po na maa-access niyo ang manuscript ng episode ngayon sa FB page na Kaliwanagan Kay Kristo. Ako po muli si John Ricafrente Pesebre ng Ratio Christi Campus Apologetics Alliance International nagsasabing bring your thoughts back to the Bible.
No comments:
Post a Comment