Thursday, November 12, 2020

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre


This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga karanasan sa mundong na marahil or probable na walang Diyos dahil napakaraming kahirapan at kasamaan. Hindi masyadong mabangis ang argumentong ito kasi hindi siya kasing sigurado nung logical version. Dito kasi parang, baka wala nga lang Diyos dahil sa kasamaang ito na tila baga hindi niya pinipigilan. Although this argument provides lip service to probability, it is actually a powerful internal sentiment supported by experiential information. And since yung suffering ang strong and the “feeling” of God is not readily available, hulaan ninyo kung ano ang gagawin nitong taong ito: mag-rebelde na lang sa idea ng Diyos. Humanap na lang ng tulong sa iba, wag na lang tumingala sa langit.

Pinaliwanag natin last episode na hindi po magandang argumento ang pinepresenta ng probability version because of three reasons: una, wala tayo sa posisyon o wala tayong angking kaalaman na sabihin na walang dahilan ang Diyos para pahintulutan ang kasamaan o paghihirap sa mundong ito; pangalawa, ang konteksto ng karanasan at warrant natin to believe God ay hindi lamang sa issue ng suffering and evil subalit sa higit pang maraming paraan; pangatlo, may mga katuruan ang Christianity na nagpapaliwanag na maaring mag co-exist ang Diyos at suffering & evil. Kumbaga, hindi na bago ang objection na ito sa pages ng Scripture. Sa pangatlong rebuttal na ito, mayroon tayong ipapaliwanag na apat na katuruan o teachings ng Christianity. Una, katuruan ng ating pananampalataya na ang pinapakapangunahing layunin ng buhay ay hindi pansariling kaligayahan kundi ang makilala ang Diyos. Hindi autonomous na happiness but but divinely gifted. 

Sa unang katuruan pong ito nagtapos yung ating nakaraang episode. Kung nais po ninyong balikan ito, pumunta lamang po kayo sa FB page na Kaliwanagan Kay Kristo.

Pangalawang katuruan, hindi lingid sa mananampalataya na ang sangkatauhan at ang mundo ay masasabing in rebellion sa Diyos simula pa nung pagkakasala ni Adan at ni Eba. Higit sa lahat nasa pages ng Scripture ang realidad na ito. Naalala ko ang isang pastor na napakaganda ng paliwanag sa obvious na problemang pinapahiwatig sa atin ng Bible literally . . . literally po ah. Kinuha niya ang kaniyang Bible at binuksan ang first three chapters ng Genesis. He suspended his bible on air holding on two those three pages and said, “All that happened in the rest of this Bible was a result of these three pages.” Yung sin, yung evil, yung suffering etc. Hindi po tayo ignorante sa katuruan ng Scripture na ang mundong ito is in a state of rebellion against God that is why it has sin and suffering. 

Ang pangatlong katuruan ay ito: ang mga layunin ng Diyos para sa atin ay hindi restricted sa mundong ito subalit may isa pang mundo na hinanda Niya para sa atin at yan ang buhay na walang hanggan o eternal life. Ang mundong ito na ginagalawan natin is not a cul-de-sac, meron pa. Sabi ni Pablo sa mga taga Korinto: “Kaya't hindi kami nasisiraan ng loob. Kahit na humihina ang aming katawang-lupa, patuloy namang pinalalakas ang aming espiritu araw-araw. 17 Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad. 18 Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita.” (1 Corinthians 4:16-18). Ang mga paghihirap at pighati ay pansamantala lamang. Makakapiling natin ang Diyos panghabang-buhay at iiwan natin ang mga paghihirap sa mundong ito. Ako po bilang may chronic illness at si Apostol Pablo ay hindi mo minamaliit ang mga pinagdadaanang paghihirap natin. Ang amin lang po ay wag nating alisin sa atin isipan ang pag-asang ito sa ating mga dumaranas ng paghihirap. Ito po ang theodicy natin.

Pang-apat po na dahilan ay ito: ang makilalang lubusan ang Panginoon ay hindi maihahalintulad na kabutihang darating sa isang tao. Ang kilalanin ang Diyos ang siyang persistent na tugon doon sa challenge ng problem of evil na inconsistent ang proposition na God is all-good sa proposition na there is evil in the world -- nabanggit natin ito sa logical version ng problem of evil. Para sa mga anak niya, lubos na mabuti na makilala ang Diyos sa Kaniyang kabutihan kesa mabuhay na hindi maunawaan na mabuti ang Diyos sa gitna ng paghihirap. Sa gitna ng pighati, maaari pa ring sabihin ng mga anak niya na ang Diyos ay mabuti. Ang pananampalatayang ito ang nagdadala ng kapahingahan sa troubles ng mundong ito. Tulad na rin ng nabanggit ni Apostol Pablo sa 2 Corinto 4: 7-12  Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay tulad sa mga palayok na gawa sa putik, upang ipakilala na ang dakilang kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin. 8 Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. 9 Inuusig kami, ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang nailulugmok. 10 Lagi naming taglay sa aming katawan ang kamatayan ni Jesus, upang sa pamamagitan ng aming katawan ay mahayag ang kanyang buhay. 11 Habang kami'y nabubuhay, lagi kaming nabibingit sa kamatayan alang-alang kay Jesus upang sa aming katawang may kamatayan ay mahayag ang kanyang buhay. 12 Kaya't habang nagwawagi sa amin ang kamatayan, nagwawagi naman sa inyo ang buhay.” May katagumpayang nakikita sa gitna ng paghihirap ang mga nagtitiwala sa kabutihan ng Diyos.

So ayan po, ang apat na teachings sa Christianity kung saan may mga katuruan ang Christianity na nagpapaliwanag na maaring mag co-exist ang Diyos at suffering & evil. And this was the third reason why we think that the probability version of the problem of evil is not a good argument. Ang evil and suffering ay hindi proof that God doesn’t exist. Nauunawaan lalo ito ng mga Christians dahil alam nila ang kwento kung paano ito nangyari: yung fall ni Adam and Eve. Bago ito, there was not suffering and evil sa essence ng nature.

Sa pagtatapos po natin ng series on problem of evil, next episode po magbibigay lang ako ng concluding remarks patungkol sa paggamit ng theodicy at problem of evil sa ating ministry personal man ito o sa simbahan. Marapat lamang pong magsanay tayo dito dahil sa kalagayan ng ating mundo ngayon na dumaranas ng napakalubhang distress. Not to mention pa yung issue sa mental health. All the more, this world needs Christ.

Ipaliwanag ko lang din po na nagkaroon ng major obstacle ‘yung atin pong planong mga video classes on apologetics sa ating FB page. Hinihingi ko po ang inyong intercession dito at hopefully maibalik ulit ito para sa inyong matagal nang nagre request na magkaroon tayo ng kurso sa apologetics. Again, sorry po at humihingi po ako sa inyo ng panalangin.

Ulitin ko din po na maa-access niyo ang manuscript ng  episode ngayon sa FB page na Kaliwanagan Kay Kristo. Ako po muli si John Ricafrente Pesebre ng Ratio Christi Campus Apologetics Alliance International nagsasabing bring your thoughts back to the Bible.

Tuesday, November 10, 2020

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 1 | John Ricafrente Pesebre



Ipagpapatuloy po natin ngayon ang ating presentation on theodicy and the problem of evil. Katatapos lamang natin ng pagsagot sa logical version ng problem of evil, at ngayon naman ay matatalakay natin ang probability version ng problem of evil at ang karampatang theodicy o kasagutan dito. Kung gusto ninyong mabasa ang manuscript ng previous episode, pumunta lamang kayo sa FB page na Kaliwanagan Kay Kristo. Para po sa pinakabuod ng naunang logical version of the problem of evil, ang sinasabi nito ay dahil daw sa may kahirapan at kasamaan sa mundo, logically impossible daw for God to exist. Pinasinungalingan natin ito. Even mga philosophers tulad nila JL Mackie na dating proponent nito, Paul Draper at William Rowe nagsabing defeated na ang logical problem of evil. Again kung nais po ninyong makita ang argumento, pumunta lamang po kayo doon sa FB page for part one and part two.

So lipat po tayo sa probability version ng problem of evil at ang karampatang tugon ng Christianity dito. Ang sinasabi ng probability version ng problem of evil ay ganito: Nagpapatunay ang ating mga karanasan sa mundong ito punung-puno ng kahirapan para mapatunayan na marahil or probable na walang Diyos. Hindi masyadong mabangis ang argumentong ito kasi hindi siya kasing sigurado nung logical version. Dito kasi parang, baka wala nga lang Diyos dahil sa kasamaang ito na tila baga hindi niya pinipigilan. Although this argument provides lip service to probability, it is actually a powerful internal sentiment supported by experiential information. And since yung suffering ang strong and the “feeling” of God is not readily available, hulaan ninyo kung ano ang gagawin nitong taong ito: mag-rebelde na lang sa idea ng Diyos. Humanap na lang ng tulong sa iba, wag na lang tumingala sa langit.

Sa mga may chronic illness na tulad ko, hindi ito malayong mangyari. Sa araw na araw na hirap, mas marami kang nararanasang hindi maganda. So nag-aaccumulate ‘yung negativity at nagiging persistent pa siya. Suffering is forced upon you but the presence of God seems alien o malayo. Honestly, hindi lang ikaw ang makakaranas nito pero yung mga tao ding nakapaligid sa isang taong may chronic illness. It’s not easy for a Christian to look at a mirror and see the ravages of chronic illness and at the same time see the distress din sa kasama mo sa pamilya mo. So right there and then, you could see yung necessity to have a life that not only personally overcoming distress but also overcoming it for other people most especially those you love. I like the passage that talk about God’s comfort in 2 Corinthians 7:6 that says, “But God, who comforts the downcast.” That word “comfort” there is Greek word “parakalōn” na “properly, ‘make a call’ from being ‘close-up and personal.’ Ang translation ko nga dito ay contrary sa mga translation ng mga Tagalog Bibles na “inaaliw.” Mas gusto ko yung “hinahalina” tayo ng Diyos kasi the Greek word “parakalōn” etymologically says na “hinahalina” tayo ng Diyos. So in its basic idea sa 2 Cor 7, yung mga downcast, yung mga wala nang maasahan, hinahalina sila ng Diyos.

Sa kung babalik tayo sa probability version ng problem of evil, maganda bang argumento ang, ulitin ko, “Nagpapatunay ang ating mga karanasan para mapatunayan na marahil or probable na walang Diyos sa mundong ito dahil sa napakaraming kahirapan.” Again is this a good argument?

Well it is not at magbibigay po tayo ng tatlong reasons. Una, wala tayo sa posisyon na sabihin na walang dahilan ang Diyos para pahintulutan ang kasamaan o paghihirap sa mundong ito. Limitado ang ating isipan at kaalaman para sabihin ito. Maaari kasing may dahilan ang Panginoon para pahintulutan ito subalit hindi sa atin pinapaalam. Malimit kung ikukumpara sa Diyos ang ating mga maliliit na karanasan ay walang saysay, subalit sa perspektibo ng Diyos nakikita niya ang relasyon ng mga ito sa wider perspective niya. Halimbawa, hanggang ngayon patuloy pa rin ang pagtatanong ko sa Panginoon kung bakit ako may chronic illness subalit unti-unti niya itong pinapakita sa akin sa pagdaan ng panahon. Ang punto ko ay nung dumating ito sa akin kulang ang aking kaalaman sa Kaniyang mga layunin subalit habang tumatagal nagkakaroon na ito ng kalinawan at kahulugan. 

Pangalawa na pagpula na ang argument ng probability version ng problem of evil ay hindi mabuting argumento ay ang konteksto ng karanasan natin sa Panginoon ay hindi lamang sa issue ng suffering and evil subalit marami pa. Ang probability daw po ay nakabase sa mga impormasyon. Probable ba na mai-shoot ng mamang ito ang bola. Depende siguro ang sagot mo kung kilala mo ang tao o hindi. Kung para sa’yo isa lang siyang ordinaryong player na na nagba-basketball maari mo sigurong sabihin, “Not probable.” Pero pag alam mo na ang titira ay si Steph Curry ng Golden State Warriors, then yang probability na yan na sagot mo ay tataas. Ganon din naman sa Diyos. Kung pamilyar ka sa ginagawa ng Diyos magkakaroon ka ng mas mataas na kumpyansa na mayroong Diyos dahil. I know that  sickness can cause men to lose sight of the bigger picture. Mahirap magkasakit ng pangmatagalan. Subalit kung ang pagkaunawa ko sa Panginoon ay andudun lang sa konteksto ng paghihirap baka nga isipin ko na posible na walang Diyos. Subalit marami pa akong alam na ginawa ng Diyos for example na lang  ay yung cosmological argument, o yung fine tuning argument, o yung moral argument etc. (by the way kapag pumunta kayo sa FB page natin after nitong episode na ito mahahanap niyo sa manuscript ang mga video links sa arguments na iyan.) At hindi lang mga external na intellectual arguments mayroon din akong iba pang internal experience sa Diyos na mahirap mapasubalian tulad ng karanasan ko at ng aking pamily sa transplant ko.

Pangatlo, may mga katuruan ang Christianity na nagpapaliwanag na maaring mag co-exist ang Diyos at suffering & evil. Sa madaling salita, may direktang tugon ang Christianity sa issue na ito kaya naman maari itong maluto sa ating isipan. Mayroon tayong apat na doctrines of katuruan dito.

Una, katuruan ng ating pananampalataya na ang pinapakapangunahing layunin ng buhay ay hindi pansariling kaligayahan kundi ang makilala ang Diyos. Malimit nagkakamali tayo na ang ating kaaliwan ang nasa tuktok na layunin natin sa buhay kaya inoobliga natin ang Diyos na bigyan tayo ng mga bagay na nagpapasaya sa  atin. Tila baga tayo’y mga alaga niyang hayop na kailangang pasayahin palagi. Subalit paano na lang yung mga kapatiran natin na nakakaranas ng pighati? Wala bang Diyos na kumakalinga sa kanila? Hindi ko sinasabing hanapin natin ang suffering but what I’m saying is even in the presence of suffering God still pursues His purposes for our lives and that is to know Him. Sa mga nakaraang episodes po on theodicy nabanggit natin ang Irenean theodicy kung saan naisasakatuparan ng Diyos ang Kaniyang layunin even amidst suffering. We also made sample human examples where we ourselves and  little kids understand that a greater good can come about suffering. In fact sa totoo lang po, ang growth ng Christianity ngayon ay nangyayari sa mga lugar na mataas ang suffering compared sa ating bansa. Ang mundong ito na ginawa ng Diyos na may mga taong may kalayaan ay nakikilala at natutuklas ang Diyos sa gitna ng kanilang paghihirap. Sabi ng kilalang Christian author ng Chronicles of Narnia na si CS Lewis, “God whispers to us in our pleasures; speaks in our consciences; but shouts in our pains. It’s his megaphone to rouse a deaf world.”

Itutuloy po natin ang talakayang ito sa susunod na episode dahil kulang na po tayo sa oras. Wag niyo pong kalimutang balikan ang manuscript ng episode na ito sa FB page na Kaliwanagan Kay Kristo. Ako po muli si John Ricafrente Pesebre ng Ratio Christi Campus Apologetics International nagsasabing bring your thoughts always back to the Bible.  

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...