Tuesday, January 16, 2018

May Pruweba Ba na ang Bible ay Salita ng Diyos? || John Pesebre || Kaliwanagan Kay Kristo (Jan 16, 2018)


Ang argument na tinutugunan natin in the past two episodes at tutugunan natin ngayon ay galing sa objection na “Bakit ko paniniwalaan ang Bible eh gawa lang naman yan ng tao.” The argument being “People must not believe the Bible because it is only created by men.” The past episodes we presented two very big doctrines that show the authority and veracity of Scripture in authority and inerrancy. Today we will look into some specific internal proofs para magbigay ng karagdagang dahilan kung bakit natin kailangang magtiwala na ang Kasulatan o Bible ay Salita ng Diyos. We will borrow these proofs at sinalin ko po sa Filipino from the book of the Puritan Thomas Vincent in his commentary on The Shorter Catechism of the Westminster Assembly: Explained and Proved from Scripture. Dahil ang salita ng Diyos ay hindi galing sa imbensyon ng mga taong nagsulat nito bagkus galing sa direktang inspiration or pagkasi ng Espiritu ng Diyos na ultimately na may limbag nito, "All Scripture is given by inspiration of God."— 2 Tim. 2:16. "Prophecy of Scriptures came not by the will of men; but holy men of God spake as they were moved by the Holy Ghost."— 2 Pet. 1:21. So tingnan natin ang key internal proofs at mga karagdagang patunay na ang Kasulatan ay Salita nga ng Diyos.

Una, dahil sa kaniyang karilagan sa pagtatanghal sa Diyos. Sa Lupang Hinirang mayroon tayong isang linya na “May dilag ang tula” kung saan translated naman ang “dilag” sa English ng Lupang Hiniran as “radiance.” Sa Bible ilinalarawan ang Diyos na may ulitmate o pinakamataas na dilag o radiance or magnificence. Tulad ng Isaiah 57:15 “For this is what the high and exalted One says-- he who lives forever, whose name is holy: "I live in a high and holy place.” Dagdag pa ni Thomas Vincent,
The style or way of the Scriptures is with such majesty as is not in other writings; duties are therein prescribed, which none but God can require; sins are therein condemned, which none but God can prohibit; threatenings of punishments are therein denounced, which none but God can inflict; promises of rewards are therein made, which none but God can bestow; and all in such a majestic way, as doth evidence God to be the author of this book of the Scriptures.
Pangalawa, dahil sa kabanalan at kadalisayan o purity ng Kasulatan. "Which God hath promised afore by his prophets in the Holy Scriptures."— Rom. 1:2. "The words of the Lord are pure words, as silver tried in a furnace of earth, and purified seven times."— Ps. 12:6. Ang Kasulatan ay banal na sa panimula hanggang sa huling titik nito; wala ka ritong mananamnam na makamundo at marumi; lalupa’t ang mga kautusan dito ay banal at ang mga pinagbabawal ay mga marumi at makasalanan; malinaw na ito nga’y salita ng Banal na Diyos, at ang mga banal na taong nag akda ng mga ito ay kinasihan at ginabayan ng banal na espiritu.

Pangatlo, dahil sa pagsangayon at pagkakaisa sa mensahe ng Kasulatan. May ugnayang tugma ang luma at bagong tipan, pagtutugma ng mga prophecies sa Kasulatan, at ang katuparan nito. Lalupa na ang kasulatan ay inakda ng iba't ibang tao sa iba't ibang lugar subalit nagsisi-sangayon sa kanilang mga sinulat, at walang irreconcilable differences ang matatagpuan dito, kaya naman malinaw na ang mga kasulatan ay gawa ng Espiritu ng Diyos, at ang Kasulatan ay mismong Salita ng Diyos.

Pangapat, dahil sa mga matatayog na hiwaga nito. Mababasa natin sa Kasulatan patungkol sa Trinity, ang pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos, ang mahiwagang ugnayan ng Panginoong Hesus at ng mga mananampalataya. Ang mga ito, at iba pang mga hiwaga, ay lampas sa kakayahang kathain ng mga matatalino at mga aral, lalung higit pa sa kaisipan ng mga hindi naman nakapag-aral na mga mangingisda tulad ni Pedro at mga apostol kung kanino ang mga hiwagang ito ay nahayag; at malinaw na hindi galing sa kanila lamang na kaisipan ang kanilang sinulat, subalit kung ano ang itinuro sa kanila ng Banal na Espiritu.

Panglima, dahil sa pagpapaliwanag nito ng mga sinaunang naganap. May mga bahagi sa kasulatan na naglalahad ng mga kaganapan na hindi maaring maisulat ng ninuman tulad ng paglalang ng sanlibutan  atbp. Hindi malalaman ang mga kaganapang ito kung hindi ipinahayag ang mga ito ng Diyos mismo sa tao; kaya naman dagdag na patunay yan na ang Kasulatan ay mismong Salita ng Diyos.

Itutuloy po natin next episode ang reasons 6-10 para sa mga karagdagang dahilan. 


No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...