Thursday, January 18, 2018

May Pruweba Ba na ang Bible ay Salita ng Diyos? Part 2 || John Pesebre || Kaliwanagan Kay Kristo (Jan 18, 2018)


Ang argument na tinutugunan natin in the past two episodes at tutugunan pa rin natin ngayon ay galing sa objection na “Bakit ko paniniwalaan ang Bible eh gawa lang naman yan ng tao.” The argument being “People must not believe the Bible because it is only created by men.”  We continue today with some specific internal proofs to provide a cumulative argument on its claim of divine source. Again, we will borrow these proofs from the book of the Puritan Thomas Vincent in his commentary on The Shorter Catechism of the Westminster Assembly: Explained and Proved from Scripture. Dahil ang salita ng Diyos ay hindi galing sa imbensyon ng mga taong nagsulat nito bagkus galing sa direktang inspiration or pagkasi ng Espiritu ng Diyos na ultimately na may limbag nito, "All Scripture is given by inspiration of God."— 2 Tim. 2:16. "Prophecy of Scriptures came not by the will of men; but holy men of God spake as they were moved by the Holy Ghost."— 2 Pet. 1:21.

  1. dahil sa kaniyang karilagan sa pagtatanghal sa Diyos
  2. dahil sa kabanalan at kadalisayan o purity ng Kasulatan
  3. dahil sa pagsangayon at pagkakaisa sa mensahe ng Kasulatan
  4. dahil sa mga matatayog na hiwaga nito
  5. dahil sa pagpapaliwanag nito ng mga sinaunang naganap

Panganim, dahil sa kapangyarihan at bisa ng Kasulatan. (1) Ang Kasulatan ay may kapangyarihang manghikayat, manggising, at umusig ng kunsensya. "The Word of God is quick and powerful, sharper than a two-edged sword "— Heb. 4:12. (2.)  Ang kasulatan ay may kapangyarihang makapagligtas at magbago ng puso. "The law of the Lord is perfect, converting the soul."— Ps. 19:7. (3.) Ang kasulatan ay makapangyarihan para hanguin ang mga tao galing sa spiritual na kamatayan. "Hear, and your souls shall live."— Isaiah 55:3. "Thy Word hath quickened me."— Ps. 119:50. (4.) Makapangyarihan ang kasulatan dahil sa kaniyang kakayahang magbigay ng galak at kaginhawaan o kaaliwan sa mga nalulumbay at may matinding pinagdaraanan.  "The statutes of the Lord are right, rejoicing the heart."— Ps. 19:8. The Scriptures opened and applied are made effectual to produce such powerful effects as do exceed the power of nature, and can be effected only by the power of God; which showeth that God only is the author of the Scriptures, kasi kung hindi, wala ang mga kapangyarihan na yan na nakakabit sa Kasulatan.

Pangpito, dahil sa disenyo at pagkakalikha ng Kasulatan. (1) Ang disenyo ng Kasulatan ay magbigay sa Diyos ng lahat ng kaluwalhatian; ang disenyo ay hindi luwalhatiin sinuman subalit ibaba pa nga ang tayog ng mapagmataas sa Diyos, at itaas naman ang ngalan at habag ng Digos sa mundo? (2.) Ang kahanga-hangang pagkalikha ayon sa katalinuhan kung paano maliligtas ang mga tao sa pamamagitan ng Panginoong Hesus sa kanilang pagkakalubog sa kasalanan at pagkakalayo sa Diyos; hindi ito galing sa kaisipan ng tao subalit galing ito sa isipan ng Diyos na kaniyang pinahayag sa Kasulatan.

Pangwalo, dahil ang kasulatan ay pinatunayan ng mga himala. Marami tayong mababasang mga himala sa Kasulatan, lalupa yaong mga ginawa ni Lristo at ng Kaniyang mga disipulo, upang patotohanan ang kanilang katuruan na ang mga turong ito’y galing sa Diyos; tulad ng nakakakita muli ang mga bulag, pagbuhay ng patay, pagpapatila ng bagyo sa karagatan sa isang utos at marami pang iba. Ang mga himalang ito ay direktang gawa ng kamay ng Diyos; [ipinahayag ito sa atin ito upang tayo ay may kaalaman sa pamamagitan ng kasulatan.] At kung totoo nga na ang mga himalang ito ay galing sa Diyos ganun din katotoo na ang Kasulatan ay galing sa Kaniya at kaniya ring pinatunayan.

Pangsiyam, dahil ang Kasulatan ay pinagtibay ng dugo ng mga martyrs. Libu-libong mga Kristiyano nung unang panahon, ang nagpatotoo sa katotohanan ng Kasulatan hanggang sa makitil ang kanilang buhay. Ang dakilang pagtitiwala ng mga sinaunang mananampalataya sa katotohanan ng Kasulatan, gayong maari din lang naman nilang matuklas kung may panlilinlang sa Kasulatan kung meron nga, subalit imbes na magduda lalo pa nilang pinagibayo ang kanilang pamamalagi sa katotohanan nito. Pinakita nila ito sa pagtitiyaga sa kahirapan at kapahamakan at isa sa dagdag na pruweba na ang Kasulatan ay Salita mismo ng Diyos.

Ikasampu at panghuli, dahil sa patotoo ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan sa puso ng mga mananampalataya. “Ye have an unction from the holy One, and ye know all things;" because "the same anointing teacheth you of all things, and is true, and is no lie."— 1 John 2:20, 27. Without this testimony, and teaching of the Spirit, all other arguments will be ineffectual to persuade unto a saving faith.

(C) Photo Credit

No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...