Tuesday, October 27, 2020

Sagot sa Lohikal na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 || John Pesebre

Sa nakaraang episode, sinimulan nating sagutin ang Logical Version ng Problem of Evil. This is part of the month-long discussion on theodicy and the problem of evil. Ang theodicy, we have talked about, ay tugon sa katanungan bakit pinapahintulutan ng Diyos na may kasamaan at paghihirap sa mundo. Kasama na rin dito ay ang ating pagtalakay ng tinatawag na problem of evil to give an adequate context on the solutions found in theodicy. Ang problem of evil po ay isang specific na argument concerning existence of God. Ganito po ang isang formulation nito: Premise 1: It is logically impossible for both God and suffering to exist; Premise 2: Suffering exists; Conclusion: God does not exist. To understand po yung  premise one you have to go to our earlier logical case that says: 1. God is All-Powerful 2. God is All-Knowing 3. God is All-Good 4. Evil exists. Inconsiatent dae po yung grupo ng 1-3 sa 4. So framed naman as a question: How can an All-Powerful, All-Knowing at All-Good God allow evil to exist? So dahil daw po may evil tayong nao-observe sa mundo, then most assuredly God is the one that doesn’t exist. 

Binanggit po natin last episode na wala namang obvious na logical impossibility sa first 3 premises as against the fourth premise kasi it doesn’t follow that if God is all that, it is impossible for Him to allow evil. When you look at the Bible it looks like divine permission for evil and suffering can be seen. Ang presence ng suffering & evil ay hindi argument against the goodness of God kasi may greater good na nakalatag ang Dios even after men destroyed an all-good creation by sin.

What is logically impossible though is for God to allow a square circle or a married bachelor or a robot with freedom (because you know robots are supposed to be programmed machines). Again, hindi logically impossible that God would allow suffering and evil. 

Subalit maari nating baliktarin ang objection na ito pabalik by arguing that it's built on nonsense dahil ang objection na logically impossible daw for both God and suffering to exist sneaks in two hidden assumptions. Ang una nitong dalawang ito ay tinalakay natin last episode at ang pangalawa ay tatapusin natin this episode. Una, akala ng maling argumento na ito ay dahil all-powerful at all-knowing ang Diyos ay maari Niyang gawin ang maski anong uri ng mundo maski pa ito'y logically impossible. Puntahan niyo na lang po sa FB page natin na Kaliwanagan Kay Kristo  yung manuscript for that episode. In essence what we argued there is God cannot create a logical impossibility of a world where free agents do not have free will. O mga programmed machines na may kalayaan o sariling pasya. Pangalawa maling assumption, kung all-good ang Diyos hindi Niya dapat kakitaan ng mabuti ang mundong may suffering.

Si Irenaeus, isang leading theologian nung 2nd century ay nagpaliwanag na ang mundo daw ay tila silid aralan para tayo ay mag mature at ang mga suffering sa mundo ay mga lesson plans. Hindi ko po ito binanggit to propose sa inyo ang theodicy ni Irenaeus subalit pinepresent ko ito to suggest a very important reality. You have heard nga na kung all-good ang Diyos hindi Niya dapat kakitaan ng mabuti ang mundong may suffering. Subalit tayo ngang mga tao nakakakita ng mabuti sa mundong may suffering. Dinadala mo ba ang mga anak mo sa dentista para magpabunot ng ngipin? Have you ever gone through the agony of gym workout? No pain, no gain. Nag-review ka na ba para sa Board o Bar exam? The fact of the matter is, God can use etong mga suffering and evil na ito for His good purposes just as we see good in them. So hindi totoo na porke may kapahintulutan ng suffering therefore God does not exist. Naalala ko nung inoperahan ako sa kidney transplant. Nasa holding area muna ako kasama ng ibang ooperahan. Hindi ko madescribe yung pinagsamang takot at pag-asa. This was the first time that I will be cut open. Yet I gave my confidence in God kasi nakita ko ang ginhawa sa kabila ng paghihirap. 

This is the point of this refutation sa objection na God must not exist because good and suffering cannot also exist together -- the point is mali yung hidden assumption. When my kids Eula and Biboy had severe dengue, ang bukambibig namin sa kanila is tiisin lang muna nila ang paghihirap ng araw-araw na injection kasi giginhawa din pag natapos na ito. Kids understand that. It’s not a difficult idea. How much more if you put that idea in the purview of God who sees all things. 

Ang biblical example natin nito ay ang kamatayan ni Kristo. Yun larawan talaga ng evil and suffering ang ginawa sa Kanya. Consider for a moment Hebrews 12:2-3 “For the joy set before him he endured the cross, scorning its shame, and sat down at the right hand of the throne of God. 3 Consider him who endured such opposition from sinners, so that you will not grow weary and lose heart.” Ang tinutukoy diyan ay ang Panginoong Hesus na sa kabila daw ng shame ng cross ang nakita niya ay joy; sa kabila ng bayolenteng opposition at paglapastangan  sa Kaniya, nakita Niya na tayo ay hindi mawawalan ng loob. So tingnan niyo, hindi argument against divine goodness ang permission ng suffering to happen.

Anyway, and this is a strong "anyway", hindi naman siya ang may sala pa nga bakit nagkaganito ang mundo natin. It was yung fault nung first Adam; pero buti na lang sinulosyunan ito nung last Adam na si Kristo. And this is one way we can understand yung covenant of redemption na tipan ng Trinity kung saan luluwalhatiin ng Anak ang Ama to redeem God's people from. Ang people will believe this because of the Holy Spirit’s ministration to sinful people like you and me. Sa madaling salita, although alam ng Diyos ang magiging outcome pag nag-create Siya ng free creatures, kinakitaan Niya pa rin ito ng greatest good sa pagbibigay ng luwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng pagliligtas ng Anak sa mga suwail na taong ito.

Malimit kong sabihin sa aking mga anak na bulinggit na even sa chronic illness at PWD status ng daddy nila ngayon, nagbibigay ng Panginoon ng patuloy na kabutihan ang Diyos bukod sa pinakamataas na regalo na eternal life. Sa karamdaman ng daddy nila, nagkaroon ng mas maraming oras with them and ministry-wise, naging authentic ang daddy nila to speak on issues of sickness and suffering. Again ang punto ko lang is that for a Christian hindi impossible mag co-exist ang joy at pain or goodness at bad. Hindi siya  logical impossibility tulad ng sinasabi ng mga objectors. 

So masasabi natin na defeated ang dalawang maling assumptions ng logical version of the problem of evil dahil it is arguing from nonsense. Hindi logical impossibility ang Diyos at evil to exist together this world. At mali din yung assumption ng mga objectors na lahat ng klase ng mundo pwedeng gawin ng Diyos dahil hindi siya maaring gumawa ng logically impossible na setting ng  universe. At mali din yung assumption ng objectors na pag may suffering ay may zero goodness.

Next episode po we will do a topic break kasi pag-uusapan po natin ang tungkol sa undas. Then sa susunod na episode non dun po natin itutuloy yung pagsagot natin sa probability version ng problem of evil na nagsasabi na, “Sige sabihin na nating mali ang logical version, pero sa dinami dami ng kahirapan at evil sa mundo probably God doesn’t exist.”

Sagot sa Lohikal na Bersyon ng Problem of Evil, Part 1 || John Pesebre

May value din po ang repetition, o paulit-ulit. Nagagalit tayo minsan sa isang taong paulit-ulit, pero ang repetition has its value sa ating isipan. Repetition daw po might reinforce yun pong idea na ang inuulit na bagay creates strong neural pathways in the brain. I’m talking here about the repeated concept natin dito of the problem of evil. I repeat it because it is a very precise idea sa history ng simbahan sa kaniyang pag formulate ng theodicy. Ang theodicy, at eto rin uulitin ko, we have talked about, ay tugon sa katanungan bakit pinapahintulutan ng Diyos na may kasamaan at paghihirap sa mundo. 

So in this episode we will try to provide an intellectual response sa problem of evil in its logical version. Tapos na po tayo sa pagtugon ng emotional version nito last episode. So ngayon we are assuming that the suffering person has already opened the door of rationality to make sense ng kaniyang paghihirap. So this is still as important a ministry is nung sa emotional kasi dito ka mangangarap na itayo uli ng Diyos ang buhay nitong taong naghihirap. Nung magkasakit nga ako, at nakatanggap ako ng massive emotional support sa family, friends at brethren, pero at some point I still need to pick the pieces up -- kailangan ko i-approach ang suliranin ko na may mental competence. This enabled me to analyze and plan the new normal ng buhay ko. Hindi po puwede yung habangbuhay akong naghahangad ng emotional support lang. Well I still do seek for emotional support even to this day, but it is because a transformed mind has taught me to be, not just mentally competent, but also emotionally, spiritually at socially competent. This COVID season my family created new measures so that we could stand resilient and emotionally, spiritually, mentally at socially competent. All of these are spurred by acts of the mind, as we distinguish it from acts of the emotion ng theodicy na natalakay ko po last week. 

Ang defense po sa logical version ng problem of evil begins with an analysis and that is  understanding what the logic of the problem of evil is. Narito po ang case ng problem of evil: 1) God is All-Powerful; 2) God is All-Knowing; 3) God is All-Good; 4) Evil exists. Ang ancient philosopher po na si Epicurus at and modern philosopher na si JL Mackie cries inconsistency ng  1-3 vs 4. For them this case is an argument for the non-existence of God for how can the God of those first three proposition allow the fourth proposition. If evil exists then he is a being who is not all-powerful, not all-knowing, not all-good leaving us with a god who is just like us -- no god at all. 

Sa church history there have been efforts to respond to this.  One in particular is Irenaeus na may theodicy na ganito. Para sa kaniya ang mundo daw ay bukod sa best possible world na maki-create ng mundo dahil angkop ang mundong ito sa pag-develop ng mga taong may kalayaan. Tila baga silid-aralan ito at ang kahirapan ay bahagi sa nagsisilbing mga aralin para tayo’y mag-mature at matuto. Again people can question this as having no greater good argument (thereby questioning God's omni-benevolent attribute) dahil maaring sabihin ng tao na okay pa na immature ako sa buhay kesa maghirap. Binanggit ko po si Iranaeus para halimbawa ng isang pinuno ng early church na nag-argue na hindi inconsistent na may evil at may Diyos at the same time. Marami pa po sa kasaysayan subalit wala po sigurong mas celebrated pa sa freewill defense ng isang modernong Christian philosopher na si Alvin Planting. Dahil sa defense na ito nakapagsabi ang modern atheist philosopher na proponent ng logical version ng problem of evil, na defeated na ang logical version of the problem of evil dahil na nga po sa argument na ito ni Plantinga.

Framed in another logical case, ang logical problem of evil ay ganito: Premise 1: It is logically impossible for both God and suffering to exist; Premise 2: Suffering exists; Conclusion: God does not exist. 

Sagot ni Plantinga, tulad ni Iranaeus atbp,  hindi imposible na pahintulutan ng Diyos na na may evil and suffering sa mundo. Ang impossible ay yung gagawa ang Diyos ng isang illogical na bagay like bilog na parisukat. Mali ang idea ng Premise 1 na “It is logically impossible for both God and suffering to exist.” That statement is not true. Kung gagawa tayo ng tamang statement about logical impossibility ay ganito: “It is logically impossible for Juan to be both married and a bachelor or an unmarried man at the same time.” Walang hayagang kontradiksyong makikita sa for both God and suffering to exist. Paano laya naisip nila Mackie at Epicurus na may contradiction? Para matupad yung kagustuhan nilang walang Diyos, tinatago ng argumentong ito ang kanilang mga maling  akala. Ayon sa Christian philosopher na si William Lane Craig may dalawang maling akala ang maling argumentong nabanggit. Una, akala ng maling argumento na ito ay dahil all-powerful at all-knowing ang Diyos ay maari Niyang gawin ang maski anong uri ng mundo maski pa ito'y illogical. Pangalawa, kung all-good ang Diyos hindi Niya dapat kakitaan ng mabuti ang mundong walang suffering.

Okay yung una: wag po kayong mabibigla kung sabihin ko sa inyo na hindi gusto ng Diyos gumawa ng mundo ng mga robots para masiguro na walang gagawa ng evil. Gustong sabihin nito ay wala tayong freedom. Mukhang mataas sa determinasyon ng ating Panginoon na magbigay ng kapasyahan o kalayaan sa mga nilalang na inaatasan niya ng tungkulin tulad ng mga tao. Kung robot kasi wala itong kapasyahan o kalayaan. Hindi rin naman kalayaan yung may kapasyahan ang tao pero wala siyang kakayahang gawin ang kaniyang kapasyahan. And so mukhang minarapat ng Panginoon na gumawa ng mga nilalang na tao na may kalayaan at kapasyahan. Subalit kasama dito sa kapasyahan at kalayaan na ito ang abilidad ng tao na humarap o tumalikod sa isang bagay. At nangyari na nga ito doon sa hardin ng Eden. Ipinakita sa buong chapter 1 ang katotohanan at kapangyarihan ng Salita ng Diyos na nagsabi din sa kanila na wag kumain ng prutas. Subalit sa kanilang  angking kapasyahan, tinalikuran nila ang kaalamang utos na ito. Should God have intervened? Sa tingin ko God was allowing them to learn for themselves how to “subdue” and “have dominion” over  the earth na nakalagay sa Genesis 1:28 na nagsasabi, “And God blessed them. And God said to them, "Be fruitful and multiply and fill the earth and subdue it, and have dominion over the fish of the sea and over the birds of the heavens and over every living thing that moves on the earth." It was a good thing for them to learn how to manage ‘yung nasasakupan nila. Yung serpent was part of  the “living thing that moves on the earth.” God didn’t not prevent them to speak to the serpent. They were supposed to deal with even crafty animals dahil sila nga ang managers of the land. Since this is your land, you need to gain knowledge how to manage it at kasama na nga doon yung pag-manage ng  rules concerning the Tree of the Knowledge of Good and Evil. It was good.

Thursday, October 8, 2020

Theodicy at ang Problema sa Kasamaan at Kapighatian, Part 2 (Manuscript) || John Ricafrente Pesebre


Last episode po sinimulan natin ang topic na theodicy o tugon sa katanungan na bakit pinapayagan ng Diyos na may kasamaan at paghihirap sa mundo. Kasama na rin dito ay ang ating pagtalakay ng tinatawag na problem of evil to give an adequate context on the rational solutions found in theodicy. Marami na rin pong mga Christian apologists ang nagsabi na ang katanungan patungkol sa Diyos at paghihirap o suffering ay ang pinakamahirap  na katanungan sa apologetics. 

Nagpapatuloy tayo ngayon ng pagpapaliwanag sa mga mahahalagang kaalaman na hatid sa atin ng theodicy. Nauna na last episode yung kaalaman ng malinaw na larawan ng realidad na wala pa tayo sa langit, o larawan na magkahalo ang hirap at ginhawa. Yan po ang una. Ang pangalawa ay 2) paglapit ng Diyos, 3) mga dakilang katangian ng Panginoon at  4) kakayahan ng Diyos na magpanukala o mag-decree.

Isa sa mga nais kong liwanagin ay ang motive behind theodicy na paglapitin ang Diyos at ang taong nakakaranas ng pighati. Kung iisipin mo nga naman, bakit gagawa si Augustine o si Irenaeus mga kilalang pinunong lingkod ng simbahan nung unang panahon bakit sila gagawa ng theodicy? Ito ba’y kapritso lamang o nais nilang ipaliwanag sa mga tao na hindi totoo yung objection ni Epicurus na inconsistent na merong Diyos at evil at the same time? Mukhang kumikiling ang ating palagay papunta sa bukod sa mali si Epicurus, ang Diyos ay may dahilan kung bakit Niya pinapayagang mangyari ang kapighatiang ito. Mas maganda yatang ipaliwanag ito through a testimony. Nung ma-diagnose ako ng kidney failure nung 2013 ang unang reaction ko ay kapighatian. Ang aking isipan ay nagpapalipat-lipat sa “Merong Diyos” at “Walang Diyos.” Sa unang linggo ko po na iyon nagpadala po ang Panginoon ng 125 na bisita sa akin. Minsan sa isang araw nagpapang-abot pa ang mga bisita sa ospital. Ang malimit na nilalaman ng mga panalangin ng mga kapatirang bumibisita ay malapit ang Diyos. This is my first real encounter with theodicy -- a God who draws near to the suffering and sick. So tandaan po natin: sa theodicy, naka-alalay ang kaalaman na hindi lumisan ang Diyos.

Ang pangatlong kaalaman po ay ang mga dakilang katangian or attributes ng Panginoon. Sa theodicy prominente ang tatlong omni- qualities ni Lord: All-knowing, All-powerful at All-good. Dahil directly na tumutugon malimit ang theodicy sa problem of evil kailangan nating maunawaan na ang problem of evil implies the presence of these attributes kasi put as a theological case, ang problem of evil comprises four propositions namely 1) God is All-knowing, 2) God is All-powerful, 3) God is All-good and 4) Evil exists. Kaya nga lang sa problem of evil, ang propositions 1-3 ay inconsistent daw sa 4. Pero just the same, the 3 great divine attributes are assumed to be in the problem of evil. 

Ang prayer ng isang nagdadalamhati ay isang prayer na namamanhik sa power, knowledge at goodness ng Diyos. Naalala ko ng unang gabi nang ma-diagnose ako ng kidney failure sa NKTI. Nasa CR ako at doon ako nanangis. Ang tugon sa akin ng Diyos sa simula ay hindi rational o intellectual, kinalaunan na lang yon nangyari. Bagkus ang tugon sa akin ng Diyos ay magkaroon ako ng resilience brought about by the encouragement of the people who visited me. God’s knows. He has the power. He has the goodness to respond to the needs of the suffering because of who He is. Iba-iba lang ang kapamaraanan Niya --sa akin, yung social support and fellowship. Hindi ko po alam ang pinagdaraanan niyo ngayon kung kayo ay namimighati pero hindi ko po ipagdadalawang-isip na hikayatin kayong lumapit imbes lumayo sa  Diyos na All-powerful, All-knowing at All-good. 

Ang pang-apat po takes off from number 3 in the sense na dahil sa ang Diyos ay puspos ng mga dakilang katangian na iyan He has the ability to decree o magpanukala. Sa madaling salita, even the evil and suffering that happens in the world has meaning kay Lord. Walang nangyayari na hindi dumaan sa Kaniyang kapahintulutan. No evil happens that is gratuitous. Gratuitous means lacking reason, unwarranted. Kaya nga lang ang detalye ng reason niya hindi niya sa atin sinasabi subalit may mga ipinapahayag Siya na kaalaman. Siguro mas magandang magbigay na naman ng patotoo para luminaw ito. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang detalye sa dahilan kung bakit pinahintulot ng Diyos na ako’y magka chronic illness. Subalit yung long-term alam ko -- at yan yung gamitin ng Diyos ang aking buhay bilang illustration ng Kaniyang kaluwalhatian. Hindi ko alam kung ano ang hatid ng susunod na taon sa aking pamilya subalit ang alam ko ay kung anuman iyon may mabuting dahilan ang Diyos para dito at hindi Siya nagpapabaya. May pangamba sa akin oo, pero ito’y pinupundi ng kagandahang loob ng Diyos na nararanasan namin sa araw-araw. Sa pag-alala nga ni Pablo sa 2 Corinto 4:8-10, 8 Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. 9 Inuusig kami, ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang nailulugmok. 10 Lagi naming taglay sa aming katawan ang kamatayan ni Jesus, upang sa pamamagitan ng aming katawan ay mahayag ang kanyang buhay.” Sa theodicy, nauunawaan natin na lahat ng bagay ay may kahulugan sa Diyos. Maski pa hindi Niya minamarapat na ipaalam sa atin ang mga detalye, maari nating panghawakan na lahat ng ito’y para sa Kaniyang kaluwalhatian na mabuti at banal.

So tandaan po natin yung apat na kaalamang hatid ng theodicy: 1) a clear picture of reality, 2) a God who draws near, 3) the great attributes of God at 4) the God who decrees.

Subalit bago ako magtapos ngayon, nais ko lamang magbigay ng ilang mungkahi. You have heard me intellectualize itong issue ng evil and suffering. Totoo naman po na ang theodicy involves intellectual solutions on the problem of evil. Kailangan po itong malaman ng isang taong nagdadalamhati, subalit malimit po hindi niya ito kailangan agad. Ang may kailangan ng katuruang ito ay yung magmi-minister sa nagpipighati. At ang kaalamang ito should be practiced as love, compassion,empathy and even silence, hindi practiced as lecture o Mr.-Know-It-All. Moreover, itong mga intellectual solutions na ito ay may mga weakness pa din sa kadahilanan ngang very limited ang kakayahan ng ating isip to wrap it around the mind of God. Our minds are finite, and His is infinite. Pero just the same these solutions are reasonable enough to spur us to fruitful practice. Sa isang episode po tatalakayin natin yung emotional problem of evil kung saan ia-assume natin na ang theodicy has a heart, a hand and an ear -- maski wala munang bibig na magsasalita. We approach the suffering with the Spirit of Christ to love, have compassion and kindness. Malimit po kasi nasisira ang pagmiministeryo natin sa suffering by not listening, by not addressing muna yung emotional condition nung tao. Later, yung nagpipighati must open the door of rationality para makapag-analyze siya ng kaniyang condition at doon mahalaga nating maipakita sa kaniya yung mga intellectual solutions sa problem of evil and suffering. Hindi rin kasi maganda na habang buhay siyang nakamukmok at hindi napag aaralan intellectually ang kaniyang condition. Nang ma-transplant ako nung 2014, doon ko na realize na hindi ako dapat magmukmok palagi dahil kailangan kong gamitin ang aking isipan. Yes, andudun pa rin yung need for emotional fulfillment pero importante na may rational or intellectual understanding ako sa aking condition. So tandaan lamang po ninyo itong dynamic na ito ng emotional at rational sa ministry sa suffering people. 

Photo

Tuesday, October 6, 2020

Theodicy at ang Problema sa Kasamaan at Kapighatian (Manuscript) || John Ricafrente Pesebre

This month po we will talk about theodicy o tugon sa katanungan na bakit pinapayagan ng Diyos na may kasamaan at paghihirap sa mundo. Kasama na rin dito ay ang ating pagtalakay ng tinatawag na problem of evil to give an adequate context on the rational solutions found in theodicy. Marami na rin pong mga Christian apologists ang nagsabi na ang katanungan patungkol sa Diyos ay paghihirap o suffering ay ang pinakamahirap  na katanungan sa apologetics. Totoo din ito sa Pilipinas sa pakikipag-usap ko sa mga taong involved din sa ministry of apologetics. Hindi lang ito totoo dito sa Pilipinas, ito rin ang pinakamalimit itanong ng mga tao, at least sa aking karanasan. Totoo kaya ito sa inyo din, na isa ito sa mga pinakamahirap  na katanungang itinataas niyo sa Panginoon? Lalupa ngayong may COVID-19. Sa aklat na inakda ni Frank Snowden pinamagatang Epidemic and Society kung saan pinag aralan niya ang tugon ng mga pamayanan sa apat na major epidemics na dumaan sa kasaysayan ng mundo. Bahagi sa kaniyang mga natuklasan ay ang tendency talaga ng mga tao na maghanap ng meaning sa nangyayari. Ganon din yata tayo sa epidemic na ito, nagtatanong tayo ng bakit? Ngayong mga episodes na ito, sisikipin nating makapagbigay ng tugon sa pangangailangan na yan assuming na tulad ng mga tao sa pag-aaral ni Snowden ay tayo din ay may mga katanungan patungkol sa kahirapang itong hatid ng pandemya. Malimit mas madaling makapag nilay-nilay ang isang tao kapag medyo dumaan na ng matagal na panahon ang sigalot and then look back to reflect on what happened. This is a good time because ilang buwan na rin ang dumaan since nagsimula ang pandemyang ito.

Sisimulan natin ang pagtalakay ng theodicy by defining clearly what this English word is and what knowledge it brings us. Theodicy helps us know certain things. Dalangin ko nga po dito ay yung kaalamang matutunan natin ay magamit talaga natin hindi lang sa pagtugon sa mga katanungan natin subalit magamit din natin ito sa pagmiministeryo sa ibang taong nangangailangan ng kausap, gabay o saklolo sa hirap ng suliranin nila. 

Banggitin ko din lang po na ang manuscript ng episode na ito ay ilalagay ko sa ating Facebook page na Kaliwanagan Kay Kristo at abangan niyo po sa pagtatapos ng episode na ito para sa ilang pa-anunsiyo related sa ating Facebook page.

Ang theodicy po ay isang termino na galing sa dalawang Greek words na “theo” for God at “dike” for “trial, or judgment.” Ayon po sa Miriam-Webster Dictionary, and “theodicy” po ay “defense of God's goodness and omnipotence in view of the existence of evil.” Wala po tayong native na word for theodicy. Ayon sa Christian philosopher na si Alvin Plantinga ang theodicy is the “answer to the question of why God permits evil.” Si Rene von Woudenberg, sa kanyang chapter na “A Brief History of Theodicy” sa aklat na The Problem of Evil  naglahad na ang “theodicy” ay “affirms both the existence of evil and the existence of God, that is, of an omnipotent, omniscient, and perfectly good creator and sustainer of the world.”

Ang topic ng theodicy ay other side ng coin ng problem of evil. Ang sinu-solusyunan po ng theodicy ay ang problem of evil and suffering. Ang problem of evil po ay may logical version, probability version at emotional problem of evil. Ang logical version aims to argue for the non-existence of God based on the conclusion that an all-powerful, all-knowing at all-good God is inconsistent to exist in a world full of suffering and evil. Para po mas malinaw, may apat po na premises ang case for problem of evil na linalatag ng mga philosophers na inconsistent. 1) God is All-Powerful, 2) God is All-Knowing, 3) God is All-Good and 4) Evil exists in the world. Para kay Epicurus at JL Mackie, ancient at modern philosophers, ang 1-3 ay okay pero they are inconsistent sa 4. God it seems kung Siya daw omniscient, omnipotent at omnibenevolent, hindi Niya daw papayagan na magkaroon ng evil. At ngayon dahil mas nararanasan ng senses natin ang evil -- meaning hindi natin kailangan ng mga inference to conclude that -- then diyos ang hindi nag-e-exist. Yan po mga kapatid ang logical version of the problem of evil.

May tinatawag naman pong probability version ng problem of evil kung saan, ina-assume na defeated na ang logical version kasi hindi inconsistent na mayroong Diyos at mayroong suffering at the same time. Subalit sa pag assume na ito na defeated na ang logical version, nanduduon pa rin ang evil na nararanasan natin kaya most probably, ulitin ko po, most probably God doesn’t exist. Ang resulta ng conclusion na ito ay apathy o walang paki sa Diyos na pamumuhay. Ipinapakita din ng  probability version na mahinang diyos ang Panginoon kasi parang weak siya to prevent evil and suffering.

May pangatlo po na version ang problem of evil at ito sa tingin ko ang pinakamahirap -- the emotional problem of evil. Maraming mga tao ang lubha ang pagdadalamhati na hindi tumatanggap ng mga rational explanations o paliwanag. 

Wag po kayong mag-alala, sa buwan pong ito mag-lalaan po tayo ng tigi-tigisang episode para sa mga versions na yan at ano ang mga kasagutang Kristiyano sa mga iyan. Ngayon po ay gugugulin ko muna ang natitirang minuto natin sa uri ng mga mahahalagang kaalaman na maari nating baunin sa pag aaral ng theodicy. Ito po  ang mga sumusunod: 1) larawan ng realidad, 2) paglapit ng Diyos, 3) dakilang katangian ng Panginoon at  4) kakayahan ng Diyos na magpanukala o mag-decree.

Ang theodicy  po ay una, nagbibigay ng larawan ng realidad. Dahil sa ang theodicy ay harap-harapang tinatalakay ang evil and suffering, mayroon tayong idea na tulad ng idea na bigay sa atin ng 2 Corinto 4:7-10 Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay tulad sa mga palayok na gawa sa putik, upang ipakilala na ang dakilang kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin. 8 Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. 9 Inuusig kami, ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang nailulugmok. 10 Lagi naming taglay sa aming katawan ang kamatayan ni Jesus, upang sa pamamagitan ng aming katawan ay mahayag ang kanyang buhay.

Nung magsimula po ang chronic illness ko nung 2013, napakahirap  na tanggapin na ang lingkod ng Diyos ay magkakaroon ng karamdaman at malilimitahan ang kaniyang ministeryo. Napakalaking transition sa akin nang matanggap ko ang bagong realidad or new norm ng aking buhay na tinukoy din naman ng Salita ng Diyos diyan sa sitas sa taas. When I finally opened that door of realization, a lot of  positive things happened sa akin; isa na dito ay ang asikasuhin ang aking survival skills sa karamdaman.

Itutuloy po natin next episode yung 2-4 ng mga kaalaman na iyan. Then after next episode, iisa isahin po natin yung mga versions ng problem of evil by giving Christian defense and theodicy. Pero next episode patuloy na introductory na dagdag kaalaman sa Christian discipline ng theodicy.

Kung hahanapin po ninyo ang manuscript na ito sa ating Facebook page, maglalagay po ako ng mga resource  videos sa comment section para po sa solutions sa logical, probability at emotional problem of evil. Ako na naman po si  John Ricafrente Pesebre nagsasabing bring your thoughts back to the Bible.

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...