Tuesday, October 27, 2020

Sagot sa Lohikal na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 || John Pesebre

Sa nakaraang episode, sinimulan nating sagutin ang Logical Version ng Problem of Evil. This is part of the month-long discussion on theodicy and the problem of evil. Ang theodicy, we have talked about, ay tugon sa katanungan bakit pinapahintulutan ng Diyos na may kasamaan at paghihirap sa mundo. Kasama na rin dito ay ang ating pagtalakay ng tinatawag na problem of evil to give an adequate context on the solutions found in theodicy. Ang problem of evil po ay isang specific na argument concerning existence of God. Ganito po ang isang formulation nito: Premise 1: It is logically impossible for both God and suffering to exist; Premise 2: Suffering exists; Conclusion: God does not exist. To understand po yung  premise one you have to go to our earlier logical case that says: 1. God is All-Powerful 2. God is All-Knowing 3. God is All-Good 4. Evil exists. Inconsiatent dae po yung grupo ng 1-3 sa 4. So framed naman as a question: How can an All-Powerful, All-Knowing at All-Good God allow evil to exist? So dahil daw po may evil tayong nao-observe sa mundo, then most assuredly God is the one that doesn’t exist. 

Binanggit po natin last episode na wala namang obvious na logical impossibility sa first 3 premises as against the fourth premise kasi it doesn’t follow that if God is all that, it is impossible for Him to allow evil. When you look at the Bible it looks like divine permission for evil and suffering can be seen. Ang presence ng suffering & evil ay hindi argument against the goodness of God kasi may greater good na nakalatag ang Dios even after men destroyed an all-good creation by sin.

What is logically impossible though is for God to allow a square circle or a married bachelor or a robot with freedom (because you know robots are supposed to be programmed machines). Again, hindi logically impossible that God would allow suffering and evil. 

Subalit maari nating baliktarin ang objection na ito pabalik by arguing that it's built on nonsense dahil ang objection na logically impossible daw for both God and suffering to exist sneaks in two hidden assumptions. Ang una nitong dalawang ito ay tinalakay natin last episode at ang pangalawa ay tatapusin natin this episode. Una, akala ng maling argumento na ito ay dahil all-powerful at all-knowing ang Diyos ay maari Niyang gawin ang maski anong uri ng mundo maski pa ito'y logically impossible. Puntahan niyo na lang po sa FB page natin na Kaliwanagan Kay Kristo  yung manuscript for that episode. In essence what we argued there is God cannot create a logical impossibility of a world where free agents do not have free will. O mga programmed machines na may kalayaan o sariling pasya. Pangalawa maling assumption, kung all-good ang Diyos hindi Niya dapat kakitaan ng mabuti ang mundong may suffering.

Si Irenaeus, isang leading theologian nung 2nd century ay nagpaliwanag na ang mundo daw ay tila silid aralan para tayo ay mag mature at ang mga suffering sa mundo ay mga lesson plans. Hindi ko po ito binanggit to propose sa inyo ang theodicy ni Irenaeus subalit pinepresent ko ito to suggest a very important reality. You have heard nga na kung all-good ang Diyos hindi Niya dapat kakitaan ng mabuti ang mundong may suffering. Subalit tayo ngang mga tao nakakakita ng mabuti sa mundong may suffering. Dinadala mo ba ang mga anak mo sa dentista para magpabunot ng ngipin? Have you ever gone through the agony of gym workout? No pain, no gain. Nag-review ka na ba para sa Board o Bar exam? The fact of the matter is, God can use etong mga suffering and evil na ito for His good purposes just as we see good in them. So hindi totoo na porke may kapahintulutan ng suffering therefore God does not exist. Naalala ko nung inoperahan ako sa kidney transplant. Nasa holding area muna ako kasama ng ibang ooperahan. Hindi ko madescribe yung pinagsamang takot at pag-asa. This was the first time that I will be cut open. Yet I gave my confidence in God kasi nakita ko ang ginhawa sa kabila ng paghihirap. 

This is the point of this refutation sa objection na God must not exist because good and suffering cannot also exist together -- the point is mali yung hidden assumption. When my kids Eula and Biboy had severe dengue, ang bukambibig namin sa kanila is tiisin lang muna nila ang paghihirap ng araw-araw na injection kasi giginhawa din pag natapos na ito. Kids understand that. It’s not a difficult idea. How much more if you put that idea in the purview of God who sees all things. 

Ang biblical example natin nito ay ang kamatayan ni Kristo. Yun larawan talaga ng evil and suffering ang ginawa sa Kanya. Consider for a moment Hebrews 12:2-3 “For the joy set before him he endured the cross, scorning its shame, and sat down at the right hand of the throne of God. 3 Consider him who endured such opposition from sinners, so that you will not grow weary and lose heart.” Ang tinutukoy diyan ay ang Panginoong Hesus na sa kabila daw ng shame ng cross ang nakita niya ay joy; sa kabila ng bayolenteng opposition at paglapastangan  sa Kaniya, nakita Niya na tayo ay hindi mawawalan ng loob. So tingnan niyo, hindi argument against divine goodness ang permission ng suffering to happen.

Anyway, and this is a strong "anyway", hindi naman siya ang may sala pa nga bakit nagkaganito ang mundo natin. It was yung fault nung first Adam; pero buti na lang sinulosyunan ito nung last Adam na si Kristo. And this is one way we can understand yung covenant of redemption na tipan ng Trinity kung saan luluwalhatiin ng Anak ang Ama to redeem God's people from. Ang people will believe this because of the Holy Spirit’s ministration to sinful people like you and me. Sa madaling salita, although alam ng Diyos ang magiging outcome pag nag-create Siya ng free creatures, kinakitaan Niya pa rin ito ng greatest good sa pagbibigay ng luwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng pagliligtas ng Anak sa mga suwail na taong ito.

Malimit kong sabihin sa aking mga anak na bulinggit na even sa chronic illness at PWD status ng daddy nila ngayon, nagbibigay ng Panginoon ng patuloy na kabutihan ang Diyos bukod sa pinakamataas na regalo na eternal life. Sa karamdaman ng daddy nila, nagkaroon ng mas maraming oras with them and ministry-wise, naging authentic ang daddy nila to speak on issues of sickness and suffering. Again ang punto ko lang is that for a Christian hindi impossible mag co-exist ang joy at pain or goodness at bad. Hindi siya  logical impossibility tulad ng sinasabi ng mga objectors. 

So masasabi natin na defeated ang dalawang maling assumptions ng logical version of the problem of evil dahil it is arguing from nonsense. Hindi logical impossibility ang Diyos at evil to exist together this world. At mali din yung assumption ng mga objectors na lahat ng klase ng mundo pwedeng gawin ng Diyos dahil hindi siya maaring gumawa ng logically impossible na setting ng  universe. At mali din yung assumption ng objectors na pag may suffering ay may zero goodness.

Next episode po we will do a topic break kasi pag-uusapan po natin ang tungkol sa undas. Then sa susunod na episode non dun po natin itutuloy yung pagsagot natin sa probability version ng problem of evil na nagsasabi na, “Sige sabihin na nating mali ang logical version, pero sa dinami dami ng kahirapan at evil sa mundo probably God doesn’t exist.”

No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...