Thursday, October 8, 2020

Theodicy at ang Problema sa Kasamaan at Kapighatian, Part 2 (Manuscript) || John Ricafrente Pesebre


Last episode po sinimulan natin ang topic na theodicy o tugon sa katanungan na bakit pinapayagan ng Diyos na may kasamaan at paghihirap sa mundo. Kasama na rin dito ay ang ating pagtalakay ng tinatawag na problem of evil to give an adequate context on the rational solutions found in theodicy. Marami na rin pong mga Christian apologists ang nagsabi na ang katanungan patungkol sa Diyos at paghihirap o suffering ay ang pinakamahirap  na katanungan sa apologetics. 

Nagpapatuloy tayo ngayon ng pagpapaliwanag sa mga mahahalagang kaalaman na hatid sa atin ng theodicy. Nauna na last episode yung kaalaman ng malinaw na larawan ng realidad na wala pa tayo sa langit, o larawan na magkahalo ang hirap at ginhawa. Yan po ang una. Ang pangalawa ay 2) paglapit ng Diyos, 3) mga dakilang katangian ng Panginoon at  4) kakayahan ng Diyos na magpanukala o mag-decree.

Isa sa mga nais kong liwanagin ay ang motive behind theodicy na paglapitin ang Diyos at ang taong nakakaranas ng pighati. Kung iisipin mo nga naman, bakit gagawa si Augustine o si Irenaeus mga kilalang pinunong lingkod ng simbahan nung unang panahon bakit sila gagawa ng theodicy? Ito ba’y kapritso lamang o nais nilang ipaliwanag sa mga tao na hindi totoo yung objection ni Epicurus na inconsistent na merong Diyos at evil at the same time? Mukhang kumikiling ang ating palagay papunta sa bukod sa mali si Epicurus, ang Diyos ay may dahilan kung bakit Niya pinapayagang mangyari ang kapighatiang ito. Mas maganda yatang ipaliwanag ito through a testimony. Nung ma-diagnose ako ng kidney failure nung 2013 ang unang reaction ko ay kapighatian. Ang aking isipan ay nagpapalipat-lipat sa “Merong Diyos” at “Walang Diyos.” Sa unang linggo ko po na iyon nagpadala po ang Panginoon ng 125 na bisita sa akin. Minsan sa isang araw nagpapang-abot pa ang mga bisita sa ospital. Ang malimit na nilalaman ng mga panalangin ng mga kapatirang bumibisita ay malapit ang Diyos. This is my first real encounter with theodicy -- a God who draws near to the suffering and sick. So tandaan po natin: sa theodicy, naka-alalay ang kaalaman na hindi lumisan ang Diyos.

Ang pangatlong kaalaman po ay ang mga dakilang katangian or attributes ng Panginoon. Sa theodicy prominente ang tatlong omni- qualities ni Lord: All-knowing, All-powerful at All-good. Dahil directly na tumutugon malimit ang theodicy sa problem of evil kailangan nating maunawaan na ang problem of evil implies the presence of these attributes kasi put as a theological case, ang problem of evil comprises four propositions namely 1) God is All-knowing, 2) God is All-powerful, 3) God is All-good and 4) Evil exists. Kaya nga lang sa problem of evil, ang propositions 1-3 ay inconsistent daw sa 4. Pero just the same, the 3 great divine attributes are assumed to be in the problem of evil. 

Ang prayer ng isang nagdadalamhati ay isang prayer na namamanhik sa power, knowledge at goodness ng Diyos. Naalala ko ng unang gabi nang ma-diagnose ako ng kidney failure sa NKTI. Nasa CR ako at doon ako nanangis. Ang tugon sa akin ng Diyos sa simula ay hindi rational o intellectual, kinalaunan na lang yon nangyari. Bagkus ang tugon sa akin ng Diyos ay magkaroon ako ng resilience brought about by the encouragement of the people who visited me. God’s knows. He has the power. He has the goodness to respond to the needs of the suffering because of who He is. Iba-iba lang ang kapamaraanan Niya --sa akin, yung social support and fellowship. Hindi ko po alam ang pinagdaraanan niyo ngayon kung kayo ay namimighati pero hindi ko po ipagdadalawang-isip na hikayatin kayong lumapit imbes lumayo sa  Diyos na All-powerful, All-knowing at All-good. 

Ang pang-apat po takes off from number 3 in the sense na dahil sa ang Diyos ay puspos ng mga dakilang katangian na iyan He has the ability to decree o magpanukala. Sa madaling salita, even the evil and suffering that happens in the world has meaning kay Lord. Walang nangyayari na hindi dumaan sa Kaniyang kapahintulutan. No evil happens that is gratuitous. Gratuitous means lacking reason, unwarranted. Kaya nga lang ang detalye ng reason niya hindi niya sa atin sinasabi subalit may mga ipinapahayag Siya na kaalaman. Siguro mas magandang magbigay na naman ng patotoo para luminaw ito. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang detalye sa dahilan kung bakit pinahintulot ng Diyos na ako’y magka chronic illness. Subalit yung long-term alam ko -- at yan yung gamitin ng Diyos ang aking buhay bilang illustration ng Kaniyang kaluwalhatian. Hindi ko alam kung ano ang hatid ng susunod na taon sa aking pamilya subalit ang alam ko ay kung anuman iyon may mabuting dahilan ang Diyos para dito at hindi Siya nagpapabaya. May pangamba sa akin oo, pero ito’y pinupundi ng kagandahang loob ng Diyos na nararanasan namin sa araw-araw. Sa pag-alala nga ni Pablo sa 2 Corinto 4:8-10, 8 Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. 9 Inuusig kami, ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang nailulugmok. 10 Lagi naming taglay sa aming katawan ang kamatayan ni Jesus, upang sa pamamagitan ng aming katawan ay mahayag ang kanyang buhay.” Sa theodicy, nauunawaan natin na lahat ng bagay ay may kahulugan sa Diyos. Maski pa hindi Niya minamarapat na ipaalam sa atin ang mga detalye, maari nating panghawakan na lahat ng ito’y para sa Kaniyang kaluwalhatian na mabuti at banal.

So tandaan po natin yung apat na kaalamang hatid ng theodicy: 1) a clear picture of reality, 2) a God who draws near, 3) the great attributes of God at 4) the God who decrees.

Subalit bago ako magtapos ngayon, nais ko lamang magbigay ng ilang mungkahi. You have heard me intellectualize itong issue ng evil and suffering. Totoo naman po na ang theodicy involves intellectual solutions on the problem of evil. Kailangan po itong malaman ng isang taong nagdadalamhati, subalit malimit po hindi niya ito kailangan agad. Ang may kailangan ng katuruang ito ay yung magmi-minister sa nagpipighati. At ang kaalamang ito should be practiced as love, compassion,empathy and even silence, hindi practiced as lecture o Mr.-Know-It-All. Moreover, itong mga intellectual solutions na ito ay may mga weakness pa din sa kadahilanan ngang very limited ang kakayahan ng ating isip to wrap it around the mind of God. Our minds are finite, and His is infinite. Pero just the same these solutions are reasonable enough to spur us to fruitful practice. Sa isang episode po tatalakayin natin yung emotional problem of evil kung saan ia-assume natin na ang theodicy has a heart, a hand and an ear -- maski wala munang bibig na magsasalita. We approach the suffering with the Spirit of Christ to love, have compassion and kindness. Malimit po kasi nasisira ang pagmiministeryo natin sa suffering by not listening, by not addressing muna yung emotional condition nung tao. Later, yung nagpipighati must open the door of rationality para makapag-analyze siya ng kaniyang condition at doon mahalaga nating maipakita sa kaniya yung mga intellectual solutions sa problem of evil and suffering. Hindi rin kasi maganda na habang buhay siyang nakamukmok at hindi napag aaralan intellectually ang kaniyang condition. Nang ma-transplant ako nung 2014, doon ko na realize na hindi ako dapat magmukmok palagi dahil kailangan kong gamitin ang aking isipan. Yes, andudun pa rin yung need for emotional fulfillment pero importante na may rational or intellectual understanding ako sa aking condition. So tandaan lamang po ninyo itong dynamic na ito ng emotional at rational sa ministry sa suffering people. 

Photo

No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...