This month po we will talk about theodicy o tugon sa katanungan na bakit pinapayagan ng Diyos na may kasamaan at paghihirap sa mundo. Kasama na rin dito ay ang ating pagtalakay ng tinatawag na problem of evil to give an adequate context on the rational solutions found in theodicy. Marami na rin pong mga Christian apologists ang nagsabi na ang katanungan patungkol sa Diyos ay paghihirap o suffering ay ang pinakamahirap na katanungan sa apologetics. Totoo din ito sa Pilipinas sa pakikipag-usap ko sa mga taong involved din sa ministry of apologetics. Hindi lang ito totoo dito sa Pilipinas, ito rin ang pinakamalimit itanong ng mga tao, at least sa aking karanasan. Totoo kaya ito sa inyo din, na isa ito sa mga pinakamahirap na katanungang itinataas niyo sa Panginoon? Lalupa ngayong may COVID-19. Sa aklat na inakda ni Frank Snowden pinamagatang Epidemic and Society kung saan pinag aralan niya ang tugon ng mga pamayanan sa apat na major epidemics na dumaan sa kasaysayan ng mundo. Bahagi sa kaniyang mga natuklasan ay ang tendency talaga ng mga tao na maghanap ng meaning sa nangyayari. Ganon din yata tayo sa epidemic na ito, nagtatanong tayo ng bakit? Ngayong mga episodes na ito, sisikipin nating makapagbigay ng tugon sa pangangailangan na yan assuming na tulad ng mga tao sa pag-aaral ni Snowden ay tayo din ay may mga katanungan patungkol sa kahirapang itong hatid ng pandemya. Malimit mas madaling makapag nilay-nilay ang isang tao kapag medyo dumaan na ng matagal na panahon ang sigalot and then look back to reflect on what happened. This is a good time because ilang buwan na rin ang dumaan since nagsimula ang pandemyang ito.
Sisimulan natin ang pagtalakay ng theodicy by defining clearly what this English word is and what knowledge it brings us. Theodicy helps us know certain things. Dalangin ko nga po dito ay yung kaalamang matutunan natin ay magamit talaga natin hindi lang sa pagtugon sa mga katanungan natin subalit magamit din natin ito sa pagmiministeryo sa ibang taong nangangailangan ng kausap, gabay o saklolo sa hirap ng suliranin nila.
Banggitin ko din lang po na ang manuscript ng episode na ito ay ilalagay ko sa ating Facebook page na Kaliwanagan Kay Kristo at abangan niyo po sa pagtatapos ng episode na ito para sa ilang pa-anunsiyo related sa ating Facebook page.
Ang theodicy po ay isang termino na galing sa dalawang Greek words na “theo” for God at “dike” for “trial, or judgment.” Ayon po sa Miriam-Webster Dictionary, and “theodicy” po ay “defense of God's goodness and omnipotence in view of the existence of evil.” Wala po tayong native na word for theodicy. Ayon sa Christian philosopher na si Alvin Plantinga ang theodicy is the “answer to the question of why God permits evil.” Si Rene von Woudenberg, sa kanyang chapter na “A Brief History of Theodicy” sa aklat na The Problem of Evil naglahad na ang “theodicy” ay “affirms both the existence of evil and the existence of God, that is, of an omnipotent, omniscient, and perfectly good creator and sustainer of the world.”
Ang topic ng theodicy ay other side ng coin ng problem of evil. Ang sinu-solusyunan po ng theodicy ay ang problem of evil and suffering. Ang problem of evil po ay may logical version, probability version at emotional problem of evil. Ang logical version aims to argue for the non-existence of God based on the conclusion that an all-powerful, all-knowing at all-good God is inconsistent to exist in a world full of suffering and evil. Para po mas malinaw, may apat po na premises ang case for problem of evil na linalatag ng mga philosophers na inconsistent. 1) God is All-Powerful, 2) God is All-Knowing, 3) God is All-Good and 4) Evil exists in the world. Para kay Epicurus at JL Mackie, ancient at modern philosophers, ang 1-3 ay okay pero they are inconsistent sa 4. God it seems kung Siya daw omniscient, omnipotent at omnibenevolent, hindi Niya daw papayagan na magkaroon ng evil. At ngayon dahil mas nararanasan ng senses natin ang evil -- meaning hindi natin kailangan ng mga inference to conclude that -- then diyos ang hindi nag-e-exist. Yan po mga kapatid ang logical version of the problem of evil.
May tinatawag naman pong probability version ng problem of evil kung saan, ina-assume na defeated na ang logical version kasi hindi inconsistent na mayroong Diyos at mayroong suffering at the same time. Subalit sa pag assume na ito na defeated na ang logical version, nanduduon pa rin ang evil na nararanasan natin kaya most probably, ulitin ko po, most probably God doesn’t exist. Ang resulta ng conclusion na ito ay apathy o walang paki sa Diyos na pamumuhay. Ipinapakita din ng probability version na mahinang diyos ang Panginoon kasi parang weak siya to prevent evil and suffering.
May pangatlo po na version ang problem of evil at ito sa tingin ko ang pinakamahirap -- the emotional problem of evil. Maraming mga tao ang lubha ang pagdadalamhati na hindi tumatanggap ng mga rational explanations o paliwanag.
Wag po kayong mag-alala, sa buwan pong ito mag-lalaan po tayo ng tigi-tigisang episode para sa mga versions na yan at ano ang mga kasagutang Kristiyano sa mga iyan. Ngayon po ay gugugulin ko muna ang natitirang minuto natin sa uri ng mga mahahalagang kaalaman na maari nating baunin sa pag aaral ng theodicy. Ito po ang mga sumusunod: 1) larawan ng realidad, 2) paglapit ng Diyos, 3) dakilang katangian ng Panginoon at 4) kakayahan ng Diyos na magpanukala o mag-decree.
Ang theodicy po ay una, nagbibigay ng larawan ng realidad. Dahil sa ang theodicy ay harap-harapang tinatalakay ang evil and suffering, mayroon tayong idea na tulad ng idea na bigay sa atin ng 2 Corinto 4:7-10 Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay tulad sa mga palayok na gawa sa putik, upang ipakilala na ang dakilang kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin. 8 Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. 9 Inuusig kami, ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang nailulugmok. 10 Lagi naming taglay sa aming katawan ang kamatayan ni Jesus, upang sa pamamagitan ng aming katawan ay mahayag ang kanyang buhay.
Nung magsimula po ang chronic illness ko nung 2013, napakahirap na tanggapin na ang lingkod ng Diyos ay magkakaroon ng karamdaman at malilimitahan ang kaniyang ministeryo. Napakalaking transition sa akin nang matanggap ko ang bagong realidad or new norm ng aking buhay na tinukoy din naman ng Salita ng Diyos diyan sa sitas sa taas. When I finally opened that door of realization, a lot of positive things happened sa akin; isa na dito ay ang asikasuhin ang aking survival skills sa karamdaman.
Itutuloy po natin next episode yung 2-4 ng mga kaalaman na iyan. Then after next episode, iisa isahin po natin yung mga versions ng problem of evil by giving Christian defense and theodicy. Pero next episode patuloy na introductory na dagdag kaalaman sa Christian discipline ng theodicy.
Kung hahanapin po ninyo ang manuscript na ito sa ating Facebook page, maglalagay po ako ng mga resource videos sa comment section para po sa solutions sa logical, probability at emotional problem of evil. Ako na naman po si John Ricafrente Pesebre nagsasabing bring your thoughts back to the Bible.
No comments:
Post a Comment