Tuesday, December 19, 2017

Maaga Kami Kinabukasan: Simbang Gabi || John Pesebre || Christmas 9-Day Devotional: Day One


And it came to pass, as the angels were gone away from them into heaven, the shepherds said one to another, Let us now go even unto Bethlehem, and see this thing which is come to pass, which the Lord hath made known unto us. (Luke 2:15)

Read Luke 2:8-15. Click here.

Nagsisimula sa December 16 ng madaling araw ang isang kulturang Pinoy na nagpahiyang sa atin sa pagdiriwang ng kwento ng kapanganakan ng Panginoong Hesus. Ito ay ang Roman Catholic na Simbang Gabi o misa de gallo. Sa isang kilalang awit ng pasko ng compositor na si Lucio San Pedro pinamagatang “Simbang Gabi” ilinalarawan ang tila baga kaaliwan ng araw na ito
Sa tugtog ng kampanang walang tigil,
Maaga kami kinabukasan;
lalakad kami langkay langkay.
These lines include both yung nature ng kultura natin na mahilig sa grupo (“langkay-langkay” means “in groups”) at ang pag-aasam ng gawaing ito:  “Maaga kami kinabukasan.” May sense of excitement and it captures pagkagiliw at pag-aasam ng Pinoy sa isang celebratory na event.

When the angels announced the arrival of the Messiah to the shepherds in Luke 2, the shepherds were full of excitement. Sino ba naman ang hindi? Kasi nung panahon nila, pag nagpakita ang mga anghel, malimit ito ay para maging executor ng justice. Pagkatapos ng appearance ng mga anghel, natuwa siguro ang mga pastol na sila ay buhay pa. And they might have figured out the importance of the news of the birth of the Messiah having understood na they were spared from their initial fear and that the angels were also so excited that they gave an angelic symphony of praise in front of these poor, stunned shepherds. Kaya naman they said among themselves, “Tara nga at puntahan natin ang batang ito sa siyudad ni Dabid.”

Jesus’ birth ay ang nararapat na focus ng excitement sa ating kulturang ito. Nawa’y nauunawaan natin na ang kwento ng mga shepherds sa Luke reminds us na hindi lamang natin pinapalampas ang Christmas festivity na walang pagdiriwang. This is a time to celebrate Jesus Christ who gave His life to spare us from abiding in and the penalties of sin and most importantly to unite us with the Father in heaven. Tayo ay nagkaroon ng reconciliation sa ating Ama nang tayo ay manampalataya sa ebanghelyo dahil ibinigay ni Hesus ang Kaniyang buhay para ating kaligtasan — bilang pagluluwalhati sa Kaniyang Ama na nasa langit.

Ang Simbang Gabi ay kulturang Pinoy na nagpahiyang sa atin na magdiwang ng pagdating ng Diyos para ang Kaniyang mga hinirang ay maligtas. Bilang mga evangelical believers, hindi man tayo dumadalo sa misang katoliko subalit magandang tapikin natin ang ating sarili na ipagdiwang ang Kaniyang kapanganakan sa personal, maliit na grupo o Bible study at sa ating lokal na simbahan.

MGA KATANUNGAN SA LUKE 2:8-15

  1. Ano ang ginagawa ng at nangyari sa mga pastol sa vv.8-13?
  2. Ilista ang lahat na ginawa ng mga anghel?
  3. Ilista ang mga tugong damdamin na nakita ninyo sa lahat ng mga characters sa kwento at itala din ang mga dahilan kung bakit ito ang kanilang naging damdamin?
  4. Ano iyong ipinagpapasalamat sa pagdating ng kapaskuhan? Ano ang dahilan?

ANG PASKO AY MAY DIWA NA PAGDIRIWANG

(C) Photo Credit

Related:
Preface to 9-Day Devotional
Day One - "Maaga Kami Kinabukasan: Simbang Gabi"
Day Two - "Puto Bumbong"
Day Three - "Christmas Tree and Lights"
Day Four - "Parol"
Day Five - "Carol"
Day Six - "Regalo at Aguinaldo"
Day Seven - "Santa Claus"
Day Eight - "Belen"
Day Nine - "Noche Buena"

No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...