Thursday, December 7, 2017

Where's the Baby? Pagano Daw ang Christmas, Part 2 || John Pesebre || Kaliwanagan Kay Kristo (Dec 7, 2017)


Ang tutugunan natin na argument ngayon ay related pa rin sa Christmas season: “We shouldn’t celebrate Christmas because it is pagan in origin.”

Last episode po, I argued na hindi po pagan ang origin ng Christmas festivities, but originated from festivities arising from a natural phenomenon involving the earth and the sun. Ang "pagan" or "pagano" po kasi ay religious pa din pero hindi siya mainstream Christian. Oftentimes ito ay polytheistic. Sabi ng Merriam-Webster Dictionary, a "pagan" is "a follower of a polytheistic religion (as in ancient Rome)."

I argued last episode na although eventually na-hostage ng mga polytheistic religions ang natural event na ito, still the idea of celebrating around this time is still grounded conducively sa winter solstice*, which again might I remind you is not a religious name but a natural phenomenon, kung saan ito ang onset ng winter season sa maraming European countries. Actually sa ibang parts naman ito yung katapusan ng winter season pero malamig pa rin. Malayo kasi ang araw sa earth kaya ito nangyayari.

We have to understand that a good part of many very old annual traditions that we have today comes from very old rural and agricultural festivities. Mga festivities ito na ginagawa na noon pa na oftentimes nagco-coincide sa mga crop harvest, para nga naman marami silang kakainin. Sa aming probinsiya sa Nabua, Camarines Sur pag panahon ng tag anihan, maraming sayawan, kainan o yung tawag naming patabas at mga socials. Ang mga fiestas sa amin sa Bikol malimit nangyayari during summer, mga May, kasi tamang-tama na yung mga palay would be harvested 3-4 months after itinanim nung January.

Sa ibang bansa na iba ang kanilang crop rotations, pero ganon pa man malimit itinataon nila palagi sa period ng harvest. For example, yung katatapos pa lang na Thanksgiving Day ng mga Amerikano coincided with the first harvest simula nang mag settle sila sa New World. Ayon sa aking pagsasaliksik,
In November 1621, after the Pilgrims’ first corn harvest proved successful, Governor William Bradford organized a celebratory feast and invited a group of the fledgling colony’s Native American allies.
It is very unlikely that the impetus for the Christmas celebration was the exact date of the birth of Christ. Malaki pong kinalaman ng winter solstice dito. So nagsimula po ito na annual festivity even before the birth of Christ upang magkatuwaan sa pagtatapos o pagsisimula ng winter. Kaya naaalala ninyo last episode na sa Europa, ang mga tatay nagdadala ng buong trosong panggatong na ang tawag nila ay “Yule” at gawing pabagahan ng apoy. Napakarami pong solstice festivities ang ginagawa sa iba’t ibang bahagi ng Europa.

Pero magtatanong kayo, ano kinalaman ng Europa sa Christmas dito sa atin. Actually malaki po.

Sa pagpapalit palit na po ito ng kultura para sa atin, crucial po na maunawaan natin ang dalawang key global events: colonialism at transition from agricultural to the industrial era. Kaunting pasensya lang po sa mga terms na ito pero ipapaliwanag ko lang po -- anyway, kailangan ko din kasing iremind sarili ko na patungkol ang episode na ito sa kapaskuhan at hindi world hisotry.

Una, colonialism.  Ang Christianity po ay hindi native sa mga Pilipino. It was only the 16th century nang ma Christianize ng mga Spaniards ang Pilipinas. This was God’s providence for His Word na dumating sa atin. Along with their imperial aspirations, kasama ng mga Espanyol ang kanilang mga religious customs. Isa na nga rito ang pag celebrate kapaskuhan. “Most Filipino dialects refer to Christmas as Pasko, which came from the Spanish phrase Pascua de Navidad (Easter of the Nativity).”

Transition from agricultural to industrial. Ang colonial history natin ay napakalaking role. Subalit kailangan din nating malaman kung saan nakuha naman ng mga colonial empires ang mga cultural practices na ganyan. Babalik tayo ngayon sa sinabi ko sa panimula. A good part of many very old annual traditions that we have today comes from very old rural and agricultural festivities. Mga festivities ito na ginagawa na noon pa na oftentimes nagco-coincide sa mga crop harvest na sa tingin ko para nga naman marami silang kakainin.

Nang pagpasok ng industrial revolution sa Europa nung 19th century maraming nagbago. Ang industrial revolution ay ang panahon kung kailan nilisan ng maraming tao ang pagsasaka o agricultural na source ng production at tumungo sila sa mga means of production ng mga makinarya at at mga factories. Nakapag produce po ito ng laksa laksa pananalapi at nag iba ang pamumuhay ng mga nasa lipunan.

Subalit magkagayon pa man, hindi na nila naalis ang mga agriculturally based na mga celebration.

Crucial po na information yan kasi kung maaalala po ninyo tayo ay sinakop na bansa ng mga sibilsasyon na ang pinag ugatan ay sa industrial revolution ng Europa, tulad ng Spaniards at ng mga Amerikano na although wala sa Europe ay itinaguyod ng mga settlers galing sa Ingglatera na nung panahon na ito ay napakalaki at napakamakapangyarihang emperyo. Noon pa man at ngayon  marami nang mga festal activities ang nangyayari around this time. Iba ibang mga kultura iba iba rin ang kanilang paraan. Nang maghari ang Roman Empire lahat ng bansang nakapalibot sa Mediterranean sea ay kanilang nasakop hanggang sa bahagi ng Inglatera. Sa mga bansang ito laganap ang mga festivities. Iba ang pananakop ng mga Romano na sa tingin ko ay natutunan nila sa mga Persians – yung maging tolerant sa mga kultura na nasasakop nila. Kaya kung inyong naaalala hindi naging mahirap para kay King Artaxerxes ang magbigay ng instructions for Israel to return. This was what happened sa Roman empire – they were quite  tolerant about the nations they conquered, unless there is a stir of dissension at kaguluhan. They preserved their culture by adopting the culture. When the Roman empire became Christianized, that Christianized empire preserved old practices and Christianized them. And up until the last of the great empires tulad ng America naging benevolent sila sa mga practices na already existing pero may pagkakataon din silang mag-modify nito at sa next week nga magbibigay tayo ng example sa Christmas tree.

Ang concern ko sa episode na ito is to dispel lang the notion na ang source ng festivities around Christmas is pagan in source. Yes, dumaan po siya sa pagan stage pero ultimately it was a festivity centered around a natural phenomenon. Ang pagkakaiba ng festal holiday at commemoration or memorial holiday is that yung festal is one of celebration; ang memorial naman is characterized by mourning, humility atbp tulad ng mga memorial Nov 1, o yung Battle of Manila na memorial. Sa festal holiday tulad ng Christmas may object tayo ng celebration and that is the celebration of the birth of the incarnate Son, although we really do not know for sure kung ano yung exact date ng kapanganakan niya. So sa tanong na month episodes natin ngayon na “Where is the baby?” We can recuperate the Christmas festivity back to the Lord Jesus Christ by reminding ourselves that this is a festal celebration and it is celebrating the birth of the incarnate God. Despite the long history of Christmas festivities from the natural phenomenon to the pagan stage hanggang sa ma assimilate siya ng Christian empire ng Rome at hanggang sa age ng imperial expansion, God allowed these things to happen -- in good times and bad times -- so that the testimony of the birth of the Savior of the World will be celebrated sa panahon ng celebrations din.

Again, sa question ng magce-celebrate ba ng Christmas ang Christians o hindi, I leave it sa conviction nung believer at siguro sa conviction din ng kaniyang simbahang inaaniban. Gustong gusto ko yung sinasabi dito ng GotQuestions.org,
As with celebrating any holiday, the decision should be between the individual and God. Some people feel very strongly that observing any secular holiday is wrong, while others see it as harmless. The important thing to remember is that celebrating or not celebrating holidays should not be a cause for pride or division among Christians.§
(C) Photo Credit
__________
* Encyclopedia Brittanica, s.v., "winter solstice"; accessed at https://www.britannica.com/topic/winter-solstice

History.com staff, "History of Thanksgiving," History.com (website), 2009; accessed at  http://www.history.com/topics/thanksgiving/history-of-thanksgiving

Nigel Tan, "How Filipinos celebrated Christmas in the Spanish era," Rappler.com (website); accessed at 
https://www.rappler.com/newsbreak/iq/46535-ph-christmas-spanish-era

§ GotQuestions.org writers, " What is the origin of Valentine’s Day, and should Christians celebrate it?" GotQuestions.org (website); accessed at https://www.gotquestions.org/Valentines-Day.html

No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...