Tuesday, December 19, 2017

Regalo at Aguinaldo || John Pesebre || Christmas 9-Day Devotional: Day Six


And they came into the house and saw the Child with Mary His mother; and they fell down and worshiped Him; and opening their treasures they presented to Him gifts of gold and frankincense and myrrh. (Mat 2:11 NAS)

Pera at mga sombrero ang paboritong regalong pangkapaskuhan ng mga Pilipino nung panahon ng Kastila. Ang mga laruan ay hindi uso dahil ito daw ay medyo luxurious sa mga bata kaya naman pag sinabing “Aguinaldo” nakasanayan na nating mga Pilipino na ito ay monetary o pera. "Aguinaldo" means box, yet dito sa Pilipinas we oftentimes refer to it as an envelope na may pera sa loob. Ang mga bata nung panahon ay magsasayaw o aawit para makatanggap ng Aguinaldo galing sa mga matatanda. Hanggang ngayon ang Aguinaldo ay bahagi ng kultura natin at least sa mga ninong at ninang. Nangyayari din ang Aguinaldo sa mga batang nag-iikot sa mga bahay-bahay tuwing kapaskuhan.

Ayon naman sa isang banyagang negosyante nung panahon, tuwing kapaskuhan daw napapansin niya na halos lahat ng mga Pilipino ay may bagong sombrero. Isang Filipino historian ang nagpalagay na mukhang sa mga matatanda, mas common ang mga regalong ganito.

Nagkaroon ng shift from a highly social Christmas festivity sa mga Pinoy to a more private practice nang dumating ang mga Amerikano sa simula ng 20th century. Isang historian ang nagsabi na naging private ito dahil sa napakaraming factors tulad na rin ng industrialization at commercialization. Subalit sa move na ito, lalong naging mas meaningful ang mga Christmas festivities, only that nakafocus na lang ang high value niya sa mga mahal sa buhay.

Sa mga pangyayaring ito, nag-iba man ang historical context, mayroon pa rin pag retain ng universal idea of love in the sense of gift giving. Ito ang “kernel” or 'yung pinaka buod ng gawain. Ang kernel na ito ang ini-express in different forms depending on our situation. Kaya naman tayong mga Pilipino, mayroon tayong mga gift-giving contexts for these different universal ideas brought about by Christmas. May mga regalo tayo sa mga mahal natin sa buhay na pumanaw na, regalo pa sa ating sarili, para sa ating pamilya, para sa ating mga kaibigan, sa mga katrabaho, kaklase at marami pang iba.

Ang pagre-regalo ng mga Magi kay Kristo ay mga regalong tila baga wala nang kahulugan sa atin ngayon. Subalit para sa mga Magi, this was the gift given because of the story of “this” King. Ang regalo ng mga Magi kay Kristo is one of honoring who He is and what He will do as a King. They were not merely gifts chosen to give a sort of joy and excitement to the one receiving but these gifts reflected who the gift is for. These gifts refer to the person and work of this King.

Hindi ko po sinasabi na ’wag tayong magbigay sa mga mahal natin sa buhay o kung sinumang nais nating pagbigyan. Subalit nawa po na ang ating mga pagbubulay-bulay patungkol sa mga regalo ay hindi mapunta lang sa mga pagbibigay ng kaligayahan sa mga kamag-anak o kaibigan natin. Nawa’y maging laman ng ating reflection ang ebanghelyo na nakapaloob sa kwento ng mga regalo ng Magi. Nasa mga regalong ito ang kwento ng ating kaligtasan.

Sa mga katanungan sa baba, nawa ay magkaroon kayo ng time upang saliksikin ang kahulugan ng mga regalong ito at nang tayo ay mapa-alalahanan ng ebanghelyo which is the person and work of Christ.

MGA KATANUNGAN SA MATTHEW 2:11
  1. Saliksikin mo kung ano ang significance ng “gold and frankincense and myyrh” at ang kilaman nito kay Kristo?
  2. Paano mo nakikita ang pagpapahalaga sa Panginoong Hesus ngayong bagong taon na paparating?
ANG MGA REGALO NG MAGO AY KWENTO NG EBANGHELYO

No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...