And walk in love, as Christ also hath loved us, and hath given himself for us an offering and a sacrifice to God for a sweetsmelling savour. (Ephesians 5:2 KJV)
Read Ephesians 5:1-2. Click here.
Nakalinya sa daan ang mga tindahan ngayong madaling araw. Nakikita mo ang steam galing sa kalan. Nalalanghap mo ang dahon ng saging, mantikilya, usok ng panggatong na uling at simoy ng pinakulong kanin at marami pang iba. Aliw na aliw ka habang itataktak ng tindera galing sa kawayang sisidlan ang puto bumbong sa isang maliit na planggana ng mga kinayod na murang niyog at asukal. Langhap na langhap mo lahat ng ito na nagbibigay sa’yo ng malalim na ligaya sahil sa sights, sounds and taste of a Filipino Christmas. Ang Pasko sa Pilipinas may lasa at langhap na nagpapahiyang sa ating festive feeling.
Ang “pleasing aroma” sa Old at New Testament refers to an acceptable sacrifice sa Diyos. As we celebrate Christmas we remember that Christ was the pleasing aroma that appeased the wrath of God. Ang prosesong ito ang tawag sa Christian doctrine ay “propitiation.” Ang mga di-ligtas ay may taguring “children of wrath” at ang wrath na ito ay poot ng Diyos sa kasalanan na dumadamit sa ating pagkatao. Maaring sabihin na eve ang ating mga mabubuting gawa ay tila nakakasulasok sa pang-amoy ng ating Ama. Ang poot ng Diyos sa kasalanan ay poot ng hustisya na kailangang maisakatuparan. Ang buhay at kamatayan ni Kristo ay ang siyang nag-absorb ng wrath na iyan at demand for justice. Jesus is the fragrant aroma that appeases that wrath satisfactorily. Ganyan ang kadakilaan ng pagmamahal ng Diyos sa atin at sa Kaniyang Ama — ang ibigay ang Kaniyang Sarili.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni John Piper sa Preface, “Let your food point to Jesus.”
Recently I heard my first ever pastor, si Ptr. Rene Nepomuceno talk about Christ’s ministry to us as a model for our ministry to others. Nabanggit niya na hindi sa atin nagtatapos ang natutunan natin sa Panginoon; bagkus nakikita natin ang ating sarili na extension din nyang ministry na ‘yan ng Diyos sa ibang tao. As Jesus was a “fragrant aroma” that drew sinners to the Father, may we be also a fragrant aroma that draws people to Christ where they will find salvation and freedom to serve Him.
May we always be reminded of Christ as a fragrant aroma so we too could be fragrant aroma to a lost and dying world by sharing the Gospel.
MGA KATANUNGAN SA EPHESIAN 5:1-2
- Ano ang dalawang utos na nakapaloob sa verses na ito?
- Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ikinabit ni Pablo ang “dear children” sa “followers of God”? Ano ang significance nito bilang paghahalintulad?
- Sino ang model ng ating pag “walk in love”?
- Ano ang mga nagawa ni Kristo upang atin Siyang maging “model”?
- What does it mean to you then to “walk in love”?
- Ano ang magandang paaala sa’yo ng verses na ito patungkol sa parating na kapaskuhan?
NAWA’Y ANG SAMYO NI KRISTO AY SUMAINYO
Related:
No comments:
Post a Comment