Tuesday, September 5, 2017

Jesus Never Claimed to be God, Part 2 || John Pesebre || Kaliwanagan Kay Kristo (Aug 24, 2017)


Listen to 702 DZAS Kaliwanagan Kay Kristo (a segment of Tanglaw sa Landas ng Buhay of Back to the Bible Philippines) every Tuesday and Thursday 7:00PM. 

Tutugunan pa rin natin sa article na ito ang "Jesus is not god, because He never to have claimed He is God."

Namamangha ako sa mga professional na boksingero kasi maski ang bibilis ng mga suntok ng kanilang kalaban, naiilagan pa rin nila. Kapag malapitan na combat daw kasi, sabi sa isang ininterview na napanood ko tungkol sa Israeli martial arts, pati daw yung pagda-dilate ng pupil ng mata ay nagiging hint sa paggalaw ng kalaban. Kaya naman sa boxing, tulad ng legendary na si Floyd Mayweather, ang galing niyang umilag (sabi naman ni Pacquaio magaling si Floyd tumakbo). Kapag ang career mo talaga ay mag-obserba ng offense ng kalaban bihasa ka maski kaunting galaw. 

Kaya ko ito dito nabanggit ay para introduce ang mga Jews na bihasa din sa pagtukoy ng offensive ni Kristo sa kanila. Palag kaagad.

Jesus claimed to be divine

In John 10:25-30 mababasa natin na sinabi ni Kristo,

  • “I did tell you, but you do not believe. The works I do in my Father’s name testify about me,  but you do not believe because you are not my sheep.  My sheep listen to my voice; I know them, and they follow me.  I give them eternal life, and they shall never perish; no one will snatch them out of my hand.  My Father, who has given them to me, is greater than all; no one can snatch them out of my Father’s hand.  I and the Father are one.

Ang mga Hudyo na nakikinig dito ay umalma kaagad, at “[they] picked up stones to stone him.”

Napaka bayolente na mga tao ‘to. Sinagot sila ni Jesus at tinanong kung bakit daw siya sesentensyahan ng kamatayan. Sa mga Hudyo po tulad ng nabanggit ko nung nakaraan ang blasphemy ay parusang kamatayan.

Tugon ng mga Hudyo na rason kung bakit papatayin nila si Kristo, “We are . . . stoning you . . . for blasphemy, because you, a mere man, claim to be God.”

Paalalahanan ko lang po kayo just in case may makausap kayong INC na sasabihin na mali ang pagkaunawa ng mga Hudyo. Maari nilang sabihin sa inyo na akala lang daw ng mga Hudyo na nagtuturo si Kristo na Diyos siya pero hindi naman.

Isa sa mga confirmatory details dito na Jesus claims to be God was that He never refuted them. Sa susunod na verses tinutulungan niya ang mga Hudyo umunawa. Kung ayaw niyo maniwala na ako ay Diyos (kasi nga yun ang kinokontra niya)  maniwala na lang kayo sa aking mga gawa. Kaya naman ang mga Hudyo ay nagsimula na siyang arestuhin at mag facilitate ng capital punishment.

Kung pinapatingnan na lang ni Kristo ang Kaniyang mga gawa, makikita nila na totoo ang sinasabi niya Siya at ang Ama ay iisa. Kumbaga, kung if the Jews can't take Him at His word, His works will testify about His word.

Isa sa mga paraan kung paano ko sinasagot ito sa mga INC is to tell them where did Jesus say, “No, I’m not God. You misunderstand me.” Pag kausap mo kasi ang isang INC you would utilize yung mataas na premium nila sa explicit statements na mababasa sa Scripture -- yung kahalagahan na kapag hindi naman nasusulat, wag gawin. Maaari kayong tugunan na namimilosopo, subalit ang isasagot mo lang naman ay hindi and then ask the question again, “Nasaan diyan ang direktang sinabi ni Kristo, “Nagkakamali kayo. Hindi ako Diyos.”

This argument that Jesus never claimed to be God comes across as a belief that does not recognize the divine ministry of Jesus. It denies ang self-revelation ng Diyos sa Scripture at sa self-understanding ni Kristo. Any understanding of God that eliminates the Trinitarian teaching of the Bible and the hypostatic union does not affirm the revelation of God in Scripture.

(C) Photo Credit

No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...