Thursday, September 14, 2017

Moses Did Not Author the Pentateuch: "Hebrew Language" || John Pesebre || Kaliwanagan Kay Kristo (Sept 14, 2017)


Listen to 702 DZAS Kaliwanagan Kay Kristo (a segment of Tanglaw sa Landas ng Buhay of Back to the Bible Philippines) every Tuesday and Thursday 7:00PM.

Ang argument na tutugunan natin ngayon ay "Moses did not write the Hebrew Pentateuch because a historic 14th century BC Moses couldn't have written in Hebrew which was not yet existing at that time."

Our biblical records indicate that Moses was the author of the first five books of the Bible o tinatawag natin malimit na Pentateuch.
Sa ngayon po na panahon may mga tao na nagsasabi na ang Pentateuch ay isang mythical account at hindi sa panulat ni Moses. Bagkus imbes na ilagay sa date ng historical Moses na before 1400BC sinasabi ng ilan na ito’y naisulat around 550BC sa panulat ng hindi pa kilalang tao o mga tao. We have good reasons to believe based on archaeology, literary evidence, and written history that Joshua entered the promised land around late 15th century BC kaya natin sinasabi na before doon nagsulat si Moses.

Ang isa sa mga dinadahilan kung bakit linalatag na hindi si Moses ang may akda ng first five books of the Bible ay dahil sa wala pa naman daw Hebrew as we see it now na pagsusulat noon.

Dagdag pa ng ilan na ang mga tao daw noon ay illiterate so hindi appropriate na magsulat noong panahon na yun before 1400BC.

Actually may mga katotohanan ding mangilan ilan diyan kahit papano. Ang Hebrew script to which we refer to as the original language of the Old Testament ay hindi ang fonts na ginamit ni Moses. Nang time kasi ni Moses ang nag-eexist na mga Asiatic texts (remember na ang Israel belongs to an Asiatic region, meaning Asian na region as opposed to an Indo-European region) ay Ugaritic, Proto-Canaanite, Akkadian, Sumerian atbp na mga linggwahe. However lahat yan under the language umbrella ng proto-Semitic so may pagkakakilanlan din yan kahit papano sa kanilang numbering system at ilang mga words as history progressed. Ang Ugaritic, Canaanite at Paleo-Hebrew belong to the Northwest Semitic language origins. Kumbaga para sa amin sa Bicol, may tatlo kaming sanga ng aming language tree: Inland Bikol, Coastal Bikol at Northern Catanduanes Bikol. Puro po yan under the “Bicol” pero may tatlong sanga.

Yung inland Bicol po may iba na namang sanga at kasama doon yung Bicol ko na Rinconada bicol, na nag-sanga din sa highland at lowland. At doon sa lowland andudon ang Bicol ko na “Nabua-Balatan variant.” Yang mga sanga pa na iyan nangyari sa time o kasaysayan. Dahil nagma migrate ang mga tao sa Bikol, kasama sa kanilang pag migrate ang magde develop later on ang isang variant ng kanilang linggwahe. Ngayon din nararanasan natin 'yan lalo na yung paboritong gawing example na Beki language. Tagalog po yang naririnig niyo pero ibang variant na siya ng Tagalog. Yung “pagod na ako” sasabihin “pagoda na aketch.” So habang nagpa-fragment ang mga tao into different geographical regions or subgroupings nagkakaroon ng mga bagong variants ang language. Pero pag nagsalita ako ng “Nabua-Balatan variant” marami pa ring group of words sa Iriga variant at sa Agta variant doon naman sa highland in the same way na magbigay din lang kayo ng panahon to understand yung beki language maiintindihan mo rin siya compared sa kung mag aaral ka kunyari ng Ethiopian o yung Xhosa language na may mga clicks ng dila pa sa kanilang salita.

Ganyan din nangyari sa Proto-Semitic language -- maraming sanga na nangyari. Pero magkakapamilya pa rin. Minsan nga pag nakakarinig ako dito Maynila ng mga tao sa mall o sa bus na nagsasalita ng Rinconada I coulnd’t help but join the conversation maski pa ibang variant ng language ko kasi naiintindihan ko naman at may affinity ako sa kanila because of our language tree.

Nakakalito na po siguro sa inyo pero siguro po yan nga ang dahilan kaya bakit may kalituhan ng doubt na dini discuss natin ngayon. Hindi po porke wala pang Hebrew form noong panahon ni Moses na katulad ng mga nasa Hebrew Bible natin ngayon ay hindi siya makapagsusulat na hindi sumanga sa Hebrew. He might have written in paleo-Hebrew na galing sa sanga ng proto-Canaanite using a different font pero yung mga succeeding generation from Moses tulad ni Joshua at ang strong scribal tradition ng Israel, might have updated the characters para sa magbabasa.

Recently ang Science News Magazine published an article titled "Oldest alphabet identified as Hebrew" and the reports says na merong natagpuang writing sa isang stone slab na what appears to be Hebrew characters dating even earlier than the time of Moses.*

Moreover, totoo naman na hindi talaga lahat marunong pa magbasa noon kaya nga makikita mo sa Pentateuch mismo na may nagbabasa lang ng law at nakikinig ang mga tao ayon sa utos ng Diyos na basahin ang kanyang batas sa mga tao. Sabi sa Exodo 24:7 Kinuha niya ang aklat ng tipan at binasa nang malakas. Sabay-sabay namang sumagot ang mga Israelita, “Susundin namin ang lahat ng utos ni Yahweh.” Hindi nila binasa. Nakinig sila sa nagbabasa. Marunong sila ng linggwahe pero hindi nangangahulugan na kaya nila itong isulat.

Hindi rin totoo na mahina ang writing noon kasi we have strong physical evidence from archaeology na marami nang mas matatanda pang writing nung panahon ni Moses. Ang mga older portions Gilgamesh Epic were written in Sumerian and Akkadian texts that predate Moses by almost 1000 years. Ang Code of Hammurabi at Precepts of Ptahotep are very old literature. Yang mga matatandang linggwahe na yan ay nagsanga din. And disadvantage nga lang natin sa area ng Northwestern Semitic is hindi gaanong nakapag preserve ng literature kasi wala masyadong dominant na empire na galing sa Canaan region -- ang mga nakapag preserve ay yung mga strong empires tulad ng mga Egyptians, Sumerians, Assyrians, Babylonians atbp. However magpapasalamat tayo sa Panginoon na maski wala masyadong malaking empire galing sa region ng Canaan hanggang ngayon buhay pa rin ang Hebrew at yung mga ancient languages ay wala na. You don’t see people today talking Assyrian, or Sumerian or Babylonian.

Ang isa pang kailangan nating ma realize ay marunong talaga magsulat si Moses kasi nga lumaki siya sa palasyo ng Ehipto na napakayaman ng panitikan. Sa tingin ko marunong si Moses magsulat ng hieroglyphics at cuneiform at mga Canaanite scripts na lahat ay galing sa isang language group na magkakapamilya. Kaya naman sa tingin ko very excited siya laging magsulat at si Lord mismo lagi siyang pinapasulat.

So I guess etong objection na ito patungkol sa pagsusulat ni Moses ay mahirap masustain ng mga kritiko.

Sa susunod pong episode idi-discuss ko po yung mga assumptiong nga mga liberal views concerning authorship ng Pentateuch, most especially po yung idea ng documentary hypothesis na JEDP.

(C) Photo Credit. "LETTER STONE  Inscriptions in stone slabs from Egypt, including this specimen dating to almost 3,500 years ago, contain the world’s oldest alphabet, which one researcher now argues was an early form of Hebrew.  New translations of these inscriptions contain references to figures from the Bible, including Moses."
----------
* "Oldest alphabet identified as Hebrew" in Science News Magazine (Vol. 190, No. 13, December 24, 2016), 8. Available online at 
https://www.sciencenews.org/article/oldest-alphabet-identified-hebrew



No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...