Tuesday, September 5, 2017

The Hidden Gospels Prove Christianity Hides Something || John Pesebre || Kaliwanagan Kay Kristo (Sept 5, 2017)


Listen to 702 DZAS Kaliwanagan Kay Kristo (a segment of Tanglaw sa Landas ng Buhay of Back to the Bible Philippines) every Tuesday and Thursday 7:00PM.

Ang argument na sasagutin natin ngayon ay “Christianity is hiding the details of the life of Jesus Christ because some of these details are in the hidden gospels of Philip, Thomas, Judas, Mary Magdalene and others."

Ang malimit na presentation netong objection na ito ay sa mga katagang ganito:
  • Ancient writings were discovered in 1945 which revealed more information . . . from the sect of Christians called "Gnostics".  This sect was ultimately destroyed by the Roman orthodox church, their followers burned at the stake and their writings wiped out.  The writings included some long lost gospels, some of which were written earlier than the known gospels of Matthew, Mark, Luke and John.*  
Ang “Gnostics” po ay isa pong sekta na lumaganap nung unang panahon sa Roman empire. Ang grupong ito ay kilala sa kanilang secret knowledge. Galing ang word na “Gnostic” sa Greek word (γνωστικός) referring to knowledgeable or learned. The word naman po na “gnostics” or “gnosticism” 
  • believes in acquiring special, mystical knowledge as the means for salvation. According to Gnostic beliefs, there is a Great God that is good and perfect, but impersonal and unknowable. The creator of the universe was actually a lesser deity—a cheap knock-off of the “true God”—who wanted to create a flawless material universe but botched the job. Instead of having a utopia, we ended up with a world infected with pain, misery, and intellectual and spiritual blindness; all matter is now corrupt and evil. However, when this lesser deity created man, he accidentally imbued humanity with a spark of the “true” God’s spirit, making man an inherently good soul trapped in the confines of an evil, material body.**
Ganyan po sila. At sila po ang gumawa netong marami sa mga gospels na nabanggit nga natin ang ilan kanina. Marami sa mga writings po na ito ay nahukay ng dalawang magkapatid (not to be confused with the shepherds who discovered the Qumran Caves) nung 1945 sa Upper Egypt at eventually pinagkatiwala sa isang pari. Tinawag ang collection ng mga librong nahukay na galing sa Nag Hammadi Library.

Ang kinalaman po ng details na ito sa ating sinasagot na argument ngayon na “Christianity is hiding the details of the life of Jesus Christ because some of these details are in the hidden gospels of Philip, Thomas, Judas, Mary Magdalene and others” is that etong mga natuklas na mga codices o mga librong ito ay generally naisulat sa 4th century, more than 300 years removed from the life of Christ.

Ang binigay na ebanghelyo at kasulatan sa atin ng Panginoon ay ang mga nakalagay sa New Testament. These writings were all written within the first century with the farthest, yung Gospel of John na may general consensus na naisulat betweeen 80 to 90AD. Yang mga codices ng Nag Hammadi Library ay naisulat mga sa siglo na 300.

Ang tinalaga ng Panginoon na magakda ng kanyang salita ay mga manunulat na kung hindi apostol ay nagsusulat under the eye of an apostle.

Ang mga nagsasabi pong nagtatago tayo ng details about Christ ay mga tao na ang akala yata ang Gnostic gospels were written sa first century, although may mga nagpapanukala that they are let’s say naisulat daw ito sa 2nd century subalit nung panahon na iyon mayroon nang widespread na consensus that the present NT documents na nakalagay ngayon sa ating New Testament ay “had functioned as foundational documents for the Christian faith.” 

Maaring sabihin ng mga critics na 2nd century pwede pa naman di ba? Kaso nga lang po ang process ng pag receive ng canon began sa 1st century galing sa panulat ng mga apostol o kanilang manunulat o researcher tulad ni Luke. By the time these Gnostic writers began writing, the canon was already well on its way, and in fact I argue, that by the time the Gnostics were writing their literature, buo na ang canon o yung lista ng New Testament.

Ang isa a nating kailangang pansinin is that maski a sabihin ng mga Gnostic gospels na ito na “Gospel according to Thomas, or Judas, or kung sino pa mang mga 1st century figure of authority, by the time the Gnostics started to write these documents, all of these 1st century figures have been dead for almost one century na. So gustong sabihin ay mga pseudepigraphal writings na lang ito. Ang gusto pong sabihin ng pseudepigrapha ay fake writings coming from two Greek words na “pseudo” meaning “false” at “epigraphein” meaning “to inscribe” -- so this means false writings.

So hindi po totoo na nagtatago ang Christianity ng mga writings na ito kundi these writings have excluded themselves from the received canon of Scripture. Hindi sila reliable na account ayon sa testimony ng mga apostol at ng 1st century church.

Sabi nga nung early church father na si St. St. Irenaeus (c. 185 AD) referring to them saying "the heresy called Learned (gnostic).”

Ang pakiusap ko po sa inyo mga kapatid ay patuloy lang tayong magsuri ng mga katuruang naririnig natin sa ating kapaligiran para hindi nadadala ang ating mga kaisipan sa mga maling information.


----------
* http://reluctant-messenger.com/Lost-Doctrines-Christianity003.htm
** https://www.gotquestions.org/gnostic-definition.html

No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...