Thursday, September 7, 2017

Moses Did Not Author the Pentateuch: Account of His Death || John Pesebre || Kaliwanagan Kay Kristo (Sept 7, 2017)


Listen to 702 DZAS Kaliwanagan Kay Kristo (a segment of Tanglaw sa Landas ng Buhay of Back to the Bible Philippines) every Tuesday and Thursday 7:00PM.

Ang argument na tutugunan natin ngayon ay "Moses did not write the Pentateuch because he couldn't have written an account of his own death in Deuteronomy 34."

Recently I had an exchange with a pastor who does not believe na si Moses ang author ng first five books ng Bible. He also said na sila Adan, Abraham at yung mga characters dito ay mga kathang isip lamang at ang pinaka importante daw ay yung mensahe na makakapagpabago sa buhay ng tao.

Now many of us Bible-believing born-again Christians would take issue there kasi for many of us ang truthfulness ng Bible ay nakakabit sa truthfulness ng Panginoong Diyos. Isa sa mga commitments ng evangelicalism ay katotohanan ng salita ng Diyos. Ating paniniwala na kapag nagsasabi ng katotohanan ang Bible ay totoo talaga ito -- walang halong kasinungalingan at panlilinlang. Sabi nga ni J. Merrick at Stephen Garrett, mga editors ng Five Views on Inerrancy na ang pagtanaw natin ng katotohan ng Salita ng Diyos

  • communicates far more than simply an attribute of Scripture. It communicates a way of understanding God and a way of understanding ourselves before Scripture. It is therefore bound up with the whole of Christian teaching. 

Sa issue ng authorship ni Moses ng Book of the Law o yung tinatawag na first five books of the Old Testament na Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers at Deuteronomy or Pentateuch, mayroon tayong dalawang types of support to attest sa Mosaic authorship at ito ang mga Bible verses in the Pentateuch itself that Moses is the author and yung mga Bible verses outside the Pentateuch referring to Moses as the author of the Books of the Law. Ang patotoo ng Banal na Kasulatan ay si Moises ang may akda ng Pentateuch. We will talk about these biblical facts in the next episodes.

Ang isa sa mga supports na binigay ng aking kausap ay ganito: kung si Moses ang may akda ng Pentateuch, paano niyang nailahad ang mga details ng kanyang kamatayan sa Deuteronomy 34.

Oo nga naman. Kung si Moses ang may akda parang niloloko lang natin ang sarili natin to affirm that he did. Ang isa sa mga accusations na natanggap ko is that dahil daw sa ako ay isang blind follower at hindi honest, kaya maski napaka obvious na hindi naman si Moses na ang nagsulat ng kanyang kamatayan, ini-insist ko pa din daw na siya nga. 

Pero let’s examine the situation for the moment dito. Ang gusto nating tukuyin when we say “authorship” o “may akda” is that “he had a major hand in not only its writing and development, but even its composition (i.e. how it was put together).”**

Mukhang before Moses put the final compilation ng Pentateuch, si Moses ay tila baga may mga blogs na ginawa and then later on ginamit niya at ni Joshua para buuhin ang compilation ng Pentateuch. Sa Exodus 17:14, "God commanded Moses to write a memorial. From time to time God would command Moses to write. He is also commanded Moses to write things in stages (Numbers 33:2). At mukhang he had other references as sources ng kanyang writing like yung “book of the generations of Adam” sa Genesis 5:1, or yung “Book of the Wars of the Lord” sa Numbers 21:14-15.

Because of this gusto nating i-challenge yung notion na pag sinabi natin na si Moses ang may akda, siya lang dapat nagsulat hawak ang tila baga bolpen at papel. Hindi po, ang gusto nating sabihin ng authorship ay siya ang namahala sa pagbubuo ng final composition or compilation of what we have now as the Pentateuch.

Isang paraan para makita din natin ito is pag gumagawa ka ng thesis paper. Sa isang thesis marami kang kino-kowt na mga authors at ang mga ideas mo do not just appear sa mind mo but these ideas have been developed by your study over a long period of time from different authors, teachers atbp. Yet when you submit your thesis, ang may akda ay ikaw -- hindi yung mga kinowt mo o yung mga taong naka influence sa mga ideas mo. Moreover it should be pointed out that you did not write yung thesis mo in one sitting. Marami yang mga separated na mga jottings mo sa notebook mo na eventually pinag isa mo. Halos ganyan din nangyari kay Moses as I have described kani-kanina lang.

Kaso alam ko nabibitin pa rin kayo kasi hindi ko pa dini discuss yung kamatayan ni Moses. Paano yon, siya ang nag stapler sa final form ng Deuteronomy ng blog niya mismo ng kanyang kamatayan? 

At least ngayon alam na natin that the writing of the Pentateuch happened in stages, incorporation of separated sources na available kay Moses. Magdagdag tayo ng isang aspect ng authorship niya -- the role of his assistant, Joshua.

Sa punto pong ito, isama natin ang isa sa mga katotohanang binibigay sa atin ng Salita ng Diyos. Sabi po sa Joshua 24:26 - “And Joshua wrote these words in the Book of the Law of God. And he took a large stone and set it up there under the terebinth that was by the sanctuary of the LORD.” 

Napansin nyo po ba? Ang sabi po doon “Joshua wrote these words in the Book of the Law of God.” Kaya hindi na rin nakapagtataka kasi ayon sa Exodus 33:11 si Joshua ay assistant ni Moses. Sa Joshua 1:1-9 very clear na kinakausap siya ng Diyos at dun mismo sa Deut 34 mayroon siyang mantle of leadership sa Israel. 

So paano naisama ang kamatayan ni Moses sa Deut 34? Maaring si Joshua na ang nagdagdag. Very clear na may mandato si Joshua na ituloy ang trabaho ni Moses na iniwan sa kanya -- at kasama doon ang pagku-compile ng book of the Law in a way na similar sa kapamaraanan din ni Moses ng pag collate ng different materials at pag include ng ilang maliliit na bahagi as important details for the Book of the Law. Nakita nga natin sa Joshua 24 na maari siyang maglimbag ng mga detalye din sa Book of the Law. But we are not taking here about major writing additions, just minor additions lang to clarify like yung kamatayan ni Moses at yung mga annotations like yung paglalahad na si Moses ang pinaka mababang loob sa buong Israel.

----------

No comments:

Post a Comment

Sagot sa Probability na Bersyon ng Problem of Evil, Part 2 | John Ricafrente Pesebre

This is now part 2 of our our response to the probability version of the problem of evil na nagsasabi: Nagpapatunay daw po ang ating mga kar...